Chapter 16

1098 Words
CHAPTER 16 "Are we okay?" pagbasa ko sa huling text ni Haris, kasabay nito ay ang maraming missed call niya simula pa kanina na hindi ko naman pinapansin at sinasagot. Kanina pa ako nakauwi. Anong oras na rin ngunit nasa kwarto lang ako at kahit ilang beses na akong tinawag ng mga katulong para kumain ng dinner ay hindi pa rin ako gumagalaw sa pagkakaupo ko sa kama. Yakap-yakap ko ang dalawang tuhod ko. Ang mga mata ko ay namumugto na dahil kanina pa ako umiiyak at kahit tuyung-tuyo na ang katawang lupa ko ay patuloy pa ring bumubuhos ang mga luha ko. Nanginginig ang magkabilaan kong balikat, ni hindi ko mapigilang hindi umiyak sa nalaman kong katotohanan. Grabe, inakala ko na pure love at inosente iyong pagmamahal sa akin ni Haris. Akala ko ay disente siya, na kaya niya ako niligawan ay dahil natural na nagustuhan niya ako, ngayon ay malalaman kong hindi pala— na pinagpustahan lang pala nila ako, ng mga kaibigan niya. “Naging pustahan namin kung kanino ka unang mahuhulog.” Paulit-ulit iyan sa utak ko at habang tumatagal na naririnig ko iyan na parang sirang plaka ay mas lalong sumasakit ang dulot sa akin. Bawat kataga, bawat letra ay siya ring bawat tarak sa puso ko na nag-iiwan nang malalim na sugat. Sino bang mag-aakala na kaya iyong gawin ng isang Haris Abraham Martin? Wala pa mang explanation na galing sa kaniya, o kahit magpaliwanag man siguro siya, nandito na iyong sakit; nasaktan na ako. Ewan ko nga kung magsisisi ba ako na kinulit ko pa si Anthony para palabasin ang totoo, o magpapasalamat na nalaman ko rin sa wakas ang katotohanan. Pero grabe naman, hindi ko lubos maisip na ito pala 'yon. Oo, siguro nga ay ito na iyong karma ko sa pagsisinungaling ko, sa pagiging sakim at makasarili ko. Pero lahat 'yon ay ginawa ko para kay Mama, kahit na mali ay iyon ang tama para kay Mama. Sa lahat ng tao, bakit si Haris pa iyong magpaparanas sa akin ng ganitong sakit? Bakit sa kaniya ko pa mararanasan iyong pinaghalong lungkot at galit? Kailan man, hindi sumagi sa isipan ko na kaya niya akong gawan ng masama. At kung minahal nga niya ako, sabihin na nating napamahal siya sa akin— kailan pa kaya niya balak na sabihin sa akin ito? Hanggang kailan niya ito itatago, huh? Bumuhos ang mas masaganang luha sa mga mata ko. Napuno ng panibagong luha ang pisngi ko na kahit ilang beses kong punasan ay patuloy lang din iyong nababasa. Bandang huli ay sumuko rin ako at napayuko na lamang sa mga tuhod ko. Pagkatapos nito, hindi ko alam kung paano ko pa pakikitunguhan si Haris. Hindi ko rin alam kung dapat ko ba siyang komprontahin, o sabihin sa kaniyang alam ko na ang lahat. Naguguluhan pa ako. Galit ako sa kaniya, pero hindi ko naman kaya na makipag-break sa kaniya, parang hindi ko kaya... hindi ko kaya na mawawala siya sa akin. Humagulhol ako at nailing-iling. Mayamaya lang nang may kumatok na naman sa pinto. Hinayaan ko na at hindi na pinansin, panigurado ay katulong na naman. Nagpatuloy ako sa pag-iyak ko habang nasa ganoong ayos. Ilang sandali nang gumalaw ang kama. Napasinghap ako at madaling napaahon ng ulo para lingunin ito, pero hindi ko na nagawa pang makita ang mukha niya nang yakapin nito ang ulo ko at saka pa isinandal sa kaniyang dibdib. "Hush, Belleza. I know you're not okay, but everything will be fine. I'm sure of that," masuyong pahayag ni Daddy Seb. Gulat na gulat ako. Nanlalaki pa ang mga mata ko at halos hindi ako makagalaw. Para bang tumigil saglit ang mundo ko, pilit ko pang isinasaksak sa utak ko ang posisyon naming iyon ni Daddy Seb. Yakap-yakap niya ang ulunan ko habang ang isa niyang kamay ay marahang humahaplos sa bandang balikat ko. Napakurap-kurap ako, kalaunan nang unti-unti ring kumalma ang katawan ko at hinayaan kong ibigay ang buong bigat ko sa kaniya. "Ayaw mo raw lumabas, sabi ng mga katulong. Kaya inakyat na kita rito, binuksan ko ang kwarto mo, sana ay hindi ka magalit. Pasensya na rin kung hindi kita nasundo. Wala ka na sa school ninyo noong dumaan ako roon," bulong niya sa akin, dagli pa siyang natawa. "Umuwi ka raw umiiyak kanina? Brokenhearted ka raw?" Hindi ako nakaimik at totoo ngang todo hagulhol ako kanina kahit noong nasa biyahe ako. Ano mang pigil ko ay masyado akong pinagtataksilan ng mga luha ko kaya pinagtitinginan ako ng mga tao. Wala rin naman akong pakialam sa kanila. Pasalamat pa rin ako na nakauwi ako rito sa bahay sa kabila ng bumibigay kong katawan. At ngayon nga ay para akong lantang gulay, nanghihina at walang lakas. "Belle, alam mo ba sa pagmamahal ay hindi palaging masaya?" ani Daddy Seb. Sa higit dalawang taon namin ni Haris, araw-araw kaming masaya. Walang puwang sa amin ang lungkot at problema ngunit hindi ko naman inakala na ganitong klase ng problema ang kahaharapin ko sa relasyon naming dalawa. "Kapag nagmahal ka, dapat ay palagi ka ring nakahanda na masaktan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakaayon sa 'yo ang tadhana, darating at darating ang panahon na pareho kayong susubukin, parehong pahihirapan at gigipitin, kapag pareho ninyo iyong nalutasan at magkasama pa rin kayo hanggang dulo, roon ninyo masasabing kayo talaga ang para sa isa't-isa." Huminto si Daddy Seb sa paghaplos sa balikat ko at ang buhok ko naman ang paulit-ulit niyang sinusuklay gamit ang kaniyang mga daliri. Kahit paano ay naramdaman kong kumalma ako. Hindi ko namalayang tumigil na rin ang mga luha ko sa paglabas. "Huwag ka rin masyadong mag-e-expect. Dapat balance lang, Belle. Para kung masasaktan ka man, hindi gano'n kasakit," pagpapatuloy ni Daddy Seb, na hindi man ako nagsasalita ay bukal sa puso niyang aluhin ako. "At kung nasaktan ka man, huwag kang gumanti. Let them suffer for what they did. Ang karma na ang bahalang magparusa sa kanila, just watch them struggle." Suminghot ako. Marahan akong tumango bilang sagot sa mga naging advice niya sa akin. Dahan-dahan nang umukit ang ngiti sa aking labi bago ako umayos ng upo para harapin si Daddy Seb. Maamo ang kaniyang mukha. Ang dalawa niyang mata ay naninimbang, bawat galaw ko ay siya ring sinusundan niya. Dagli pa niyang inayos ang buhok ko kung saan inilalagay niya sa likod ng tainga ko ang ilang takas ng buhok sa pisngi ko. "Hindi ko po alam ang sasabihin, pero maraming salamat," mangiyak-ngiyak kong sambit, dala ng bugso ng damdamin ay niyakap ko pa ito. "Thank you, Daddy." "You're always welcome, my Belleza."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD