“Love is nothing stronger, than a boy with, than a boy with love.” Kagat kagat ko ang daliri ko habang nanonood ng Boy with Love ng BTS, sa sobrang stress ko dahil kay Bullet nitong mga nakaraang araw, hindi na ko updated sa BTS. Ngayon ko lang tuloy napanood 'to. “Ano? Ang gwapo nila noh? Lalo na ni Taehyung! Asawa ko 'yon!” kinikilig na sabi ni Shenna sa kabilang linya. Kausap ko sa phone si Shenna, kinulit niya ko na panoorin ang mv ng BTS. Sampung beses ko na yata 'tong pinapanood sa laptop ko ngayon. “Heh! Marinig ka ni Prince, magseselos na naman 'yon.” sabi ko na lang. Nagkakasundo kami ni Shenna pagdating sa kpop, mahilig kami sa kpop idols, BTS ang pinakafavorite namin. “Ang gwapo nilang lahat, nalusaw yata yung panty ko.” kinikilig na sabi ko. “I know right!” “Ano yang pi