“A-Ano?” Literal siyang natigilan sa sinabi ko. Titig na titig siya sa mga mata ko. Napangiti ako at niyakap ang batok niya. “Sabi ko, mahal na mahal kita Bullet.” bumigat ang paghinga niya dahil sa sinabi ko. “S-Sigurado kaba? S-Sabi mo kanina hindi mo ko mahal. Baka naman napipilitan ka lang dahil naaawa ka sakin. Alam mong patay na patay ako sayo pero wag mo naman akong paasahin ng ganito. Umaasa ako ngayon. Damn, I really hope I'm not dreaming right now, I'll go crazy if I---” hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil siniil ko ng halik ang labi niya. “Ang dami mong sinasabi, mahal nga kasi kita.” Napakagat ako sa ibabang labi ko at napaiwas ng tingin sa kanya. Nasa ibabaw ko pa rin siya habang nakayakap ako sa batok niya. Pakiramdam ko namumula na ang magkabilang pisngi ko