Napasimangot ako nang maabutan kong walang tao sa unit ni Bullet. Hmp! Kainis siya. Hindi ko siya papansinin! Dumiretso na ko sa kwarto ko, diba may sarili akong kwarto dito sa unit ni Bullet pero natabi naman siya sakin lagi. Nagshower na ko at nagpalit ng damit pambahay. Lumabas na ko ng kwarto at dumiretso sa living room. Kailangan makita ako ni Bullet tapos tatarayan ko siya para malaman niyang nagtatampo ako sa kanya. Lalabanan ko ang pagiging marupok ko pagdating sa kanya. Anong akala niya? Porke't yummy ang katawan niya, ang sarap niya humalik, magaling siya sa kama, ang cute niya kapag naglalambing, at mahal na mahal ko siya magiging marupok agad ako sa kanya? Huh! Neknek niya. Hindi ko siya papansinin, itaga niya yan sa abs niya---este sa bato pala. Dali dali kong binuksa