“What the hell did you just said?” tanong ni Bullet at napatayo. “Buntis ako, at malamang ikaw ang ama.” sabi ni Hanna. Napalunok ako at napatungo. Naramdaman kong napatingin sakin si Bullet. “Iwan mo muna kami Hanna.” sabi ni Bullet habang sakin pa rin nakatingin. “Fine...” sabi ni Hanna at napairap. “Nga pala, nasabi ko na 'to sa mga pamilya natin. They're so happy about it.” sabi ni Hanna at ngumiti ng matamis sakin. “Umalis kana.” sabi na lang ni Bullet. Napangisi pa si Hanna bago lumabas sa office ni Bullet. “S-Sarah...” hinawakan niya ang kamay ko. Naramdaman kong medyo nanginginig ang mga kamay niya. Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Parang na-blangko ang utak ko, hindi yata ito nagpoproseso ng maayos. “Sarah, I-I don't how to explain this, I---” pinutol ko