Capitulo Catorce Nagising ako na may lumalapat na malambot sa aking labi. Kaagad akong napamulat at nakita ang pagmumukha ni Helios na puno ng pag-aalala. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakahiga dahil sa malapit niyang mukha sa akin. Nagkauntugan pa kaming dalawa. “W-What happened?” nauubo kong tanong sa kanila. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Helios stayed by my side na para bang may mangyayari na naman masama sa akin. “Hindi ka pala marunong lumangoy pero lumangoy ka pa rin. Alam kong nerd ka pero sana gamitin mo ang utak mo,” naiinis na saad sa akin ni Helios. Napansin kong basa rin ang kanyang buhok at ang damit na suot. Teka. Siya ang nagligtas sa akin? Kung ganoon… siya iyong humalik sa akin kanina? Napatulala ako kay Helios. Nagsimula kumabog ang dibdib ko dahil sa na