Capitulo Veinte “Anong ginawa niyo ni Primo kahapon?” tanong ni Helios sa akin. Hindi ako sumagot sa kanya at tamad na umupo lang dito sa sofa habang pinapanood siyang mag-exercise. May Gym dito sa studio at kasalukuyang nandito siya para magpaganda ng katawan. Required iyon sa Love and Guilt kung saan nakuha niya ang role ng main lead. May mga ilang scenes kasi sa script na kailangan niya magpakita ng katawan kaya eto, nandito siya ngayon sa Gym upang gawin iyon. Maganda naman na ang katawan niya. Kung tutuusin ay hindi na niya kailangan pa magGym. Pero sabi ni direk ay kailangan dahil hindi masyadong halata iyong abs niya na kailangan para sa eksena. Napagod ako sa date ni Primo at Jessica kahapon. Literal na puro lakad ang ginawa ko kakahabol sa kanila. Nakapagpahinga lang ako n