Capitulo Siete *** HALOS hindi ako makahinga at tanging pagtibok lang ng puso ang tanging naririnig ko ngayon habang nakatitig kay Primo. Parang gusto ko magwala ngayon dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko. Hindi ko lubos maisip na makikita ko si Primo sa ganitong pagkakataon. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa saya na nag-uumapaw sa dibdib ko ngayon. Nawala ako sa pagtitig kay Primo nang marinig ko ang bahagyang pagtikhim ni Ms. Reina. “Adi, this is the Lemonade Band. Ang lalaking nasa harapan mo ngayon ay si Primo, ang vocalist ng banda.” Kung siguro alam lang nila na fan ako ng Lemonade Band, baka hindi nila ako payagan na maging personal assistant ng banda kaya hanggang dito ay kinakailangan ko magpanggap na hindi nila ako fan at talagang trabaho lang ang ha