Capitulo Ocho *** Pakiramdam ko ay namutla ako ng literal dahil sa pagtawag ni Kane sa totoo kong pangalan. Halos wala akong marinig kundi ang kalabog ng puso ko ngayon dahil sa anunsyo nila. Lalo pa nang tawagan mismo ni Kane ang number ko gamit ang telephone na binigay mismo sa kanila para sabihin na nanalo nga ako. Napatampal ako sa noo. Kung alam ko lang na magiging P.A ako, hindi n asana ako sumali sa contest na ‘yon. Wala tuloy akong choice kundi ibahin ang boses ko at sabihin na ayaw ko na sa papremyo. Paniguradong hahabulin ako ng mga fans dahil sa nangyari. Lumabas ako sa takot na may makakita sa akin at makahalata na ako iyong tinatawagan nila Kane. Nang mag-ring ang telepono ay kaagad ko itong sinagot. “Hello?” “Hi! This is Kane of Lemonade Band. You wo— “Ayoko na po