Capitulo Cinco
***
KASABAY NG PAGLABAS ko mula sa mansion ang pagtingin sa akin ng mga tao. I am wearing the red ball gown with glitter design that my mom prepared for me. Nakakulot ang aking kulay itim na buhok na lampas balikat ang haba.
I was smiling from ear to ear but deep inside ay kinakabahan ako sa mangyayari mamaya. Sa pangatlong pagpalit ko ng gown ay doon na ako tatakas. I told Annicka that she need to pretend that she doesn’t know anything para hindi siya pagbuntunan ng galit ni daddy. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko agad masabi sa kanya dahil ayoko rin siya idamay but she’s my best friend and she needs to know everything about me. I don’t want her to keep away from the dark.
Isang magarbong palakpakan ang sumalubong sa akin at iba’t ibang flash ng camera. My parents don’t like how media works that’s why kahit gusto nila ipaalam ang tungkol sa magarbo kong debut ay hindi nila ginawa. It will only attract chaos and danger kaya iilang tao lang ang inimbita nila sa pagkuha ng picture. Iyong kilala lang namin at subok na.
Hinatid ako ni kuya sa may malaking upuan na nasa gitna. May malaki kasing stage roon at nandoon nakalagay ang malaking upuan kung saan ako uupo. Napapaligiran iyon ng fake roses na iba’t iba ang kulay.
Mula sa kinauupuan ko, kitang-kita ko ang mga umattend ng party ngayong gabi. Karamihan ay business partners nga nila daddy at iyong mga relatives namin. Kuya Silver has a date. Nakita ko siyang nakaupo sa mismong upuan na malapit lang sa akin. She’s beautiful pero mukhang nahihiya siya dahil puro malalaking tao ang nandito. Now I know why my kuya likes her.
It was his dream girl.
Nagsalita ang emcee at saka pinatayo ang lahat for a short prayer. After that, saka ulit pinatugtog ang kanta na isa sa mga covers ng Lemonade Band.
I was busy listening to it when the music suddenly stops dahil muling nagsalita ang emcee para simulan ang party. May solo akong intermission at iyon ang pagpiplay ng piano. I love music ever since I was a child. Siguro iyon din ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko ang Lemonade Band. I start playing different musical instruments as a hobby. Dati pa nga ay kumakanta pa ako but I stopped because our dad doesn’t like it. Kaya kumakanta na lang ako kapag nasa loob ako ng kuwarto dahil natatakot ako sa mga sasabihin ni daddy na maririnig ko.
Pinlay ko sa piano ang kantang Night Changes. It’s very popular these days. May cover din na ganito ang Lemonade kaya ito ang napagdesisyunan kong i-play.
I sang the lyrics inside my head while continue playing. Pagkatapos noong intermission na ‘yon ay nagbow ako sa mga manonood na ngayon ay nakatitig sa akin. Lahat sila ay kita ang gulat sa mukha at tanging si kuya lang ang nakangiti habang magarbong pumapalakpak sa akin.
Bumalik na ako sa kinauupuan ko. After that intermission, ay nagpalit ako ng damit. It’s a pastel pink long gown that looks elegant. Kahit ako ay namangha sa itsura noong gown nang isuot ko ito.
Bumalik ako pagkatapos ko magpalit. They give me their gifts. Iyong iba ay binuksan ko dahil iyon ang galing kela mommy. Pero sa lahat ng nagregalo ay kay kuya na regalo ang pinakanagustuhan ko. I am going to take his gift with me because it’s a guitar. Kilalang-kilala niya talaga ako.
After that gift ay iyong message naman nila para sa akin. Wala akong masyadong narinig kundi happy birthday bukod sa kuya kong patawa at nilalabas ang totoo niyang ugali na hindi alam ng karamihan. I appreciate that he didn’t bother to put his mask on during my birthday and show his soft side as my brother.
After that message, nagpalit ulit ako ng damit dahil iyon na ang huling gagawin. Ang isayaw ako. Sayang nga lang na hindi ko mararanasan ‘yon dahil kasalukuyan akong papalabas sa exit gate nitong mansion. Maingat akong lumabas na walang nakakapansin sa akin. Si Annicka ay sinabihan kong dapat nasa party lang siya para hindi halatang magkasama kami at may alam sa nangyayari. Sumunod naman siya sa akin kaya pagkalabas ko ng exit gate ay dali-dali akong sumakay sa sasakyan na kinuha ni Annicka para sa akin.
Hindi ko na kinakailangan na umakyat sa bakod dahil noong nagpunta ako sa gate ng garden ay walang nakabantay roon at hindi rin naka-lock ang gate. Higit sa lahat, walang cctv banda roon dahil nasira ito kamakailan lang at hindi pa napapalitan. The reason kung bakit naman ako aakyat sa bakod ay iniisip ko na may bantay din sa may gate sa garden dahil nga nasa harap ang party pero nagkataon na walang bantay kaya hindi na ako umakyat sa bakod at dumeretso ng alis na kaagad.
Bukod pa roon, I was wearing my disguised already. Nakasuot ako ng wig na kulay brown habang nakasuot ng nerdy glasses. Sinuot ko rin ang contact lense ko para mag-iba ang kulay ng mata ko na imbes brown ay naging black. Kahit makita nila ako, they will think that I am one of their daughter’s friend pero mukhang wala naman nakakita sa akin dahil busy ang lahat.
Pinaandar ko na ang sasakyan. Tinawagan ko si Annicka sa bagong cellphone na gamit ko. I left my phone para maisip nila na nasa bahay pa ako. May GPS Tracker din kasi iyon kaya kung iyon ang gagamitin ko ay tiyak na mahahanap nila ako.
“Nakaalis ka na?”
“Oo. Malayo na ako sa mansion. Thirty minutes ang pagitan papunta sa apartment. Kamusta? Nagkakagulo na ba?”
“Nope. I think Tita haven’t notice it yet.”
Nakahinga ako ng maluwag nang malaman koi yon. Napahinto ako saglit dahil sa stop-light.
“Mabuti naman. Basta wala kang sasabihin sa kanila para hindi ka madamay. Your alibi is you’re inside the party when it happened.”
“I’ll call you later. Hinahanap ka na ni Tita.”
Pinatay na niya ang tawag. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi kabahan sa mga nangyayari ngayon roon dahil sa biglaan kong pagkawala pero dahil nangyari na ang nangyari at nandito na rin naman ako, wala ng atrasan pa.
Biglang nag-green light kaya pinaandar ko na ulit ang sasakyan at nagmaneobra sa kaliwa. I memorized the exact route kaya walang problema. Iyon nga lang ay gabi kaya medyo kinakabahan ako. Hindi kasi ako masyadong nakakakita sa dilim kaya palagi akong may flashlight na dala kahit saan ako magpunta just in case.
Pagkamaneobra ko sa kaliwa, diretso ulit ang daan kaya nagkoconcentrate lang ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating sa apartment na sinasabi ko.
Kumanan ako dahil iyon ang sabi ng waze. I used waze just to make sure that I am on the right track dahil nga hindi ako nakakakita sa dilim. Tinapakan ko ang gas dahil wala naman sasakyan akong sinalubong.
Turned left at 5km.
Sinunod ko ang sinabi sa akin ng waze. Mabilis pa rin ang pagpapatakbo ko dahil wala ngang sasakyan akong kasalubong at gabi na rin kaya kaonti lang ang sasakyan. Pero bigla na lamang akong napapreno dahil nakasalubong ko ang isang sasakyan na mabilis din ang pagpapatakbo. Bukod pa roon ay masyadong maliwanag ang ilaw na siyang tumama sa mata ko kaya imbes na magtuloy-tuloy ang preno ko ay pareho kaming nabangga sa isa’t isa.
Mabuti na lang at hindi nabagok ang ulo ko. Pero kinabahan ako sa nabangga ko dahil baka siya naman iyong napahamak. Hindi ko rin siya nakitang gumalaw o lumabas kaya lalo akong kinabahan. Umusok na rin ang sasakyan ko kaya lumabas ako at tsinek ang nangyari. I immediately called 911 para madala sa ospital.
Kinatok ko ang pintuan ng sasakyan niya. The car was familiar to me pero hindi ko alam kung saan ko nakita. Nang katukin ko iyon ay awtomatikong nabuksan ang pinto at bumungad sa akin ang lalaking naging dahilan ng pagkaputla ko.
Helios?
Ilang beses ko na namura ang sarili ko at sigurado akong kukuyugin ako ng mga fans niya kapag nalaman nila na si Helios ang nabangga ko. Bukod pa roon ay mapo-postpone rin ang mga activities ng Lemonade Band pati na rin ang solo activities niya dahil sa nangyari. Patay talaga ako nito!
But he’s on the wrong lane! Bakit ako ang may kasalanan? I am on the right track nang makita ko ang sasakyan niya. Tumama ang ilaw sa mata ko dahilan para sumakit ito at mapapikit ako and the accident happened. Obviously, wala talaga akong kasalanan kahit saang anggulo ko tignan. Pero iyon kaya ang sasabihin ng mga pulis? Damn! Kakatakas ko pa lang pero eto na kaagad ang nangyari sa akin!
Marami siyang sugat na natamo pero lahat nang ‘yon ay minor injuries lang. Nasa ospital na kami ngayon pagkatapos kami sunduin ng ambulansya na tinawagan ko kanina. They already gave me first aid habang si Helios ay tinitignan pa rin nila kung may na-fracture bang buto sa kanya. Mabuti rin na medyo may malay siya nang buksan ko ang pinto at nadala siya sa ospital.
But the problem hasn’t solved yet.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin nito. I have to do something. Pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko naman ito pwede takasan dahil siguradong kulong ang aabutin ko.
Helios’s manager or should I say the Lemonade Band Manager, Reina came. Nagkausap kami saglit tungkol sa nangyari. She was wearing an office attire. Mukhang nagmamadali siyang pumunta rito after she found out what happened to Helios. Kung ako rin naman ang manager niya matataranta rin ako.
“So it was accident?” tanong niya sa akin. Mabilis naman akong tumango sa kanya at humingi ng pasensya.
“Yes. Hindi ko sinasadyang mangyari ang lahat ng ito.”
“Okay. I can talk to Helios about that. But can you atleast pay the car? Kakabili niya lang no’n at brand new pa,” sabi niya naman sa akin. Wala naman akong problema kung pera. I still have my savings. Hindi ko lang dinala ang credit card ko dahil baka malaman nila mommy kung nasaan ako.
“Magkano po ba?” pormal kong tanong sa kanya. Hindi naman siguro aabot ng sixty million ang price ng sasakyan niya hindi ba?
“Nasa seventy million.”
“What?” tanong ko na hindi makapaniwala. Tumaas ang kilay sa akin ni Ms. Reina. “It’s a brand new car worth of seventy million Kung hindi mo mababayaran ‘yon, doon na tayo magkakaroon ng problema, Ms…?”
“Adi Zamora,” pormal na sagot ko.
“Ms. Adi.”
Kinagat ko ang ibaba kong labi. Hindi aabot ang pera na inipon ko para magawang bayaran ang sasakyan niya. Sino ba naman kasing sira-ulo ang bibili ng kotse sa halagang fifty million? Ugh!
“So Ms. Adi, if you can’t settle your p*****t, hindi ko alam kung paano tayo matatapos. I also don’t think you can pay us in time kahit sabihin mo pang magtatrabaho ka,” seryosong sabi niya sa akin habang nakatitig sa mata ko. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pagtingin niya sa akin mula ulo hanggang paa.
“Can I talk to Mr. Esguerra?”
Ms. Reina nodded on my idea. Hinayaan niya akong kausapin si Helios kahit na masama ang tingin nitong ipinupukol sa akin nito ngayon. Kinakabahan pa ako dahil ito ang unang beses na makakausap ko siya. If Annicka was here, she will surely be thrill to see her bias on flesh.
“What?” bored niyang sabi sa akin. Kagaya ni Ms. Reina ay tinignan niya rin ako mula ulo hanggang paa.
“I cannot pay you fifty million for your car, Mr. Esguerra.”
“Is it my fault then? You’re a reckless driver,” masungit niyang sabi na nagpairita sa akin. “I am not a reckless driver. You’re not driving in the right lane! Sinong matino ang pupunta sa kaliwa kung galing ka sa harap? Sinalubong mo ang sasakyan ko.”
“But you’re the one who hit the car!” giit niya sa akin. “If you can’t pay fifty million then I will put you inside the jail!” seryosong sabi niya sa akin. Halos manginig ako nang titigan niya ako gamit ang malalamig niyang mata. I don’t think grey eyes could make you shiver but now, I am wrong. Dahil bukod sa tumaas ang balahibo ko sa pagkatitig niya sa akin ay wala rin tigil ang puso ko sa pagkalampag.
“I will pay you pero hindi nga lang sa tamang oras. Hindi kita mababayaran ngayon at mas lalong wala akong mauutangan kung iyon man ang iniisip mo.”
“What if I don’t like it?”
“What?”
“I need you to pay seventy million right now for the damages you’ve done in my car. Aside from that, I suffered physical injuries that can affect my career because of you.”
Itinuro niya pa ang nakabendang braso niya sa akin na parang hindi ko nakikita ‘yon. Talagang nangonsensya pa?
See? I knew it! Talagang tama ako sa iniisip ko sa kanya. Hindi kami magkakasundo nitong lalaking ‘to dahil sa ugali na mayroon siya. It’s a good thing that Lemonade army doesn’t know about this!
“Wala nga akong seventy million!” giit ko sa kanya. Nagsisimula na ako mainis. Alam kong gets niya ako pero talagang sinusubukan niya akong gipitin. Gusto niya ba ako magmakaawa sa kanya? Kasi kung iyon lang naman, then no. Why would I beg to someone that I didn’t mean to hurt? At isa pa, aksidente lahat ang nangyari!
“Then be my P.A instead,” nakangising sabi niya sa akin. P.A? Talaga bang nagbibiro ang lalaking ‘to? I mean kaya ko naman siyang bayaran pero hindi ngayon. Hindi niya ba magets ‘yon at kailangan ko pa talagang umabot sa pagiging P.A niya?
“What?” tanong kong hindi makapaniwala sa kanya.
“If you can’t pay me, then work for me.”