Capitulo Cuatro

2948 Words
Capitulo Cuatro *** NANATILI AKONG NAKATULALA habang iniisip pa rin ang nakita sa coffee shop kanina. Sigurado akong si Primo ‘yon! Hindi ako pwede magkamali! I know everything about him! “Sigurado ka ba na si Primo ‘yon?” tanong ni Annie. Nang sabihin ko kasi na si Primo iyong taong nakita namin sa coffee shop ay napagdesisyunan namin na sundan ito. Kaso ang malas namin dalawa dahil nawala ito sa paningin namin. Umuwi na lang tuloy kaming dalawa ni Annie dahil doon. Pero sigurado ako na si Primo iyong nakita ko kanina. Hindi ako pupwede magkamali! “Oo naman! Sigurado ako!” sagot ko sa kanya. Pagkauwi na pagkauwi namin sa bahay ay agad kong tsinek ang fansites ni Primo. At tama nga ako! Siya iyong nandoon sa coffee shop dahil may iba rin nakakilala sa kanya bukod sa akin! “Ano naman kayang ginagawa ni Primo sa coffee shop? At talagang doon pa sa distritong ‘yon siya uminom ng kape?” tanong ni Annie sa akin. Nagkibit-balikat ako pero ang dami na kaagad na dumadagsa sa utak ko. I checked my twitter that I am using to spazz. Nang i-tsek koi yon ay pareho rin kami ng iniisip ng mga fans dahil nakita rin nila si Primo roon na parang naghihintay habang umiinom ng kape. Imposibleng tumambay siya roon sa café nang basta-basta dahil maraming estudyante at makakakita sa kanya. Ang sinasabi ng iba na iniisip ko rin ay posibleng may bagong girlfriend si Primo at pasikreto silang nagkikita. Iyon nga lang ay hindi pa rin malinaw kung bakit siya nandoon sa café. “May girlfriend si Prim?” tanong ni Annie. “Hindi ko alam,” sagot ko. Hindi naman kasi ako iyong tipo ng fan na naniniwala kaagad sa rumors na kumakalat sa social media. Palaging official statement ng Lemonade Band ang hinihintay ko dahil alam kong mas lehitimong paniwalaan ‘yon kesa sa mga sabi-sabi sa twitter. Kaya lang may mga toxic fans talaga na sadyang naniniwala kaagad sa rumor at pinapakalat kahit hindi naman totoo. Dahil sa kanila kung bakit nagkakaroon ng chaos sa loob ng fandom kaya naiinis ako sa mga kagaya nila kahit iisa kami ng fandom kasi hindi naman dapat ganoon eh. “Ui! Nagpost si Helios sa IG niya oh,” sabi sa akin ni Annie. Napairap na lang ako. Hindi sa hindi ko gusto si Hel. In fact, I love all of them. Dahil sa kanila ay nagkaroon ako ng taste sa music at naging another hobby ko para hindi ko maisip ang mga problema ko na hindi ko minsan nasasabi kela mommy. Lemonade Band gave me happiness. They gave me a perfect diversion from my problems. Kapag naririnig ko ang mga boses nila y pakiramdam ko nawawala lahat ng mga iniisip ko. Kaya lang hindi ko alam kung bakit sa lahat ng members’ ng Lemonade Band, si Helios iyong nagbibigay sa akin ng vibe na if ever na makilala ko man sila personally, si Helios ang hindi ko makakasundo. His eyes were too cold. Pakiramdam ko ay manlalamig ako kapag tinignan ko siya sa mata. Nakakaintimidate rin iyong tingin niya pati ang presensya niya sa kanilang lahat. Kane is the leader but Sol has this superior vibe that I don’t understand whenever I am staring at his pictures. Habang abala ako sa pagkuha ng impormasyon tungkol sa nangyari kanina ay saka naman ako pinatawag ni mommy sa study room to inform me about my upcoming debut. Sila lang naman ang gusto ng engrandeng debut para sa akin dahil kung ako mismo ang tatanungin, it’s just a waste of money. At isa pa, siguradong wala rin akong masyadong kakilala sa mga darating na bisita dahil mostly nang aattend ay puro kilala ni daddy. “Sino pa bukod kay Annicka ang iimbitahan mo? Do you have friends on your cram school aside from Annicka?” tanong ni mommy sa akin. Umiling ako sa kanya. Naka-home school ako haggang ngayon kaya hindi ako makarelate sa mga iba kong kaklase na nagtitake ng extra class. Gusto ko maranasan ‘yon but my parents won’t let me kahit na Zamora na iyong pangalan na gamit ko. Maraming nagsasabi sa akin na kaibigan nila ako roon sa cram school pero katulad nga ng sabi ko, we’re just friends because they are after my money. Kung wala akong pera, sigurado akong hindi sila makikipagkaibigan sa akin at ayoko ng ganoong mga tao. They are indeed toxic and I don’t like them. Those are type of peoples that are not healthy to be with. “What about your friends on grade school and high school?” Mabilis akong umiling sa kanya. Doon siya bahagyang napatahimik lalo na nang tignan niya ako sa mata. Bumalik na ako sa kuwarto pagkatapos no’n. “What’s up? Anong nangyari sa pag-uusap niyo ni Tita?” tanong sa akin ni Annicka. Nagkibit-balikat ako at tamad na humiga sa kama. Nakaupo siya ngayon sa upuan na ginagamit ko sa pag-spazz habang may kung anong kinakalikot sa laptop ko. “Wala naman. Tinatanong lang nila sa akin kung sino ang iimbitahan ko bukod sa’yo. Eh wala naman akong maisip dahil alam mo naman kung anong klaseng mga tao ang nasa cram school diba?” mahabang paliwanag ko sa kanya na ikinatango niya na lamang. “Ui! Nakita mo na ‘to? May pa-contest ang Lemonade Band. Ang manalo raw ay magkakaroon ng chance na makasama ang isa sa mga member sa loob ng isang araw!” tili ni Annicka sa akin. Napatayo naman ako roon at dali-daling napatingin sa sinasabi niya. Halos maiyak ako dahil mukhang eto na ang pag-asa ko na makasama silang lahat. I read all the details about the said contest pati na rin ang rules at regulation nito. “Talagang sasali ka?” tanong niya sa akin. “Yup. It’s only one-day trip and I can choose in five members kung sino ang gusto kong makasama,” sabi ko sa kanya. Napaka-rare ng opportunity na ‘to at bilang fan nila, malaking bagay na ito sa amin. Sabi sa contest ay lima lang ang may pag-asa manalo dahil lima lang naman ang member ng Lemonade Band. Maraming sumali at sa ngayon ay halos nasa ten thousand na ang sumali sa contest. Ayon sa nabasa ko kanina, isang letter contest iyon na galing sa mga fans tapos pipili ang members sa mga letters na ‘yon kung sino ang pinakanagustuhan nilang letter bawat isa. Ang lima nilang mapipili ang mananalo tapos ang mga mananalo ay malayang pumili sa limang members kung sino ang gusto nilang makasama. Medyo may pagka-bias ang paraan pero it would make the contest exciting. And I am sure na kahit may pagka-bias ay matutuwa pa rin ang mga fans na mapipili na makasama nila ang isa sa mga lemonade band member. “Paano kapag may nakapili na kay Primo?” tanong niya sa akin. Knowing the mechanics, talagang malaki ang chance na may makauna sa akin kay Primo but it doesn’t matter. Masaya na akong makasama ang isa sa mga members kahit hindi si Primo ‘yon. “It doesn’t matter. As long as makasama ko ang isa sa mga members, okay lang kahit hindi si Primo ‘yon.” “Paano kung si Helios?” Nagkibit-balikat ako. “As I’ve said, it doesn’t matter,” sagot ko sa kanya kahit na sa likod ng utak ko ay hinihiling ko na huwag sana si Helios dahil iba ang kaba ko sa kanya kahit sa pictures ko lang siya nakikita. At isa pa, kagaya nga ng sinabi ko, may iba siyang vibe na parang kapag nakasama ko siya personally ay hindi talaga kami magkakasundo. After that talk, umuwi na si Annicka kaya ako na naman ang naiwan sa bahay. Medyo naging busy rin ako kinabukasan dahil nagsimula na dumating ang mga mag-aayos ng debut ko. Kailangan ko makicooperate dahil ako rin ang mahihirapan sa huli though I feel sorry for them dahil ang araw ng pagtakas ko mismo ang araw ng debut ko. Sigurado akong magagalit sila mommy sa gagawin ko pero hangga’t hindi nila ako naiintindihan ay kinakailangan ko sila suwayin dahil ito ang gusto ko. Sa totoo lang ay matagal ko ng inasikaso ang pag-alis ko ng pasikreto. I secretly bought an apartment near in cram school. Ginamit ko ang perang naipon ko sa pagbibenta ng mga dati kong bags para makabili ng apartment sa pagtakas. May natira pa akong pera dahil binenta ko rin iyong mga albums ko na limited edition. Hindi ko na binenta iyong posters at magazine dahil iyon na lang ang mga bagay na kaya kong dalhin sa apartment. At dahil malapit na magtapos ang cram school, I enrolled at the nearest university here on Metropolis as a scholar student. Hindi naman sa pagmamayabang pero matalino rin naman ako. Short course lang ang kinuha ko since it’s a photography class pero basic at advance lesson iyong sakop nung course na kinuha ko na magtatagal ng anim na buwan tapos may certificate na ako. Since it’s just a short course, walang masyadong identity requirement. Hindi ako nahirapan mag-enroll tapos ang kagandahan pa roon ay tuwing weekends lang ako may klase. I can still find a part-time job on weekdays kasi hindi naman pwedeng wala akong trabaho. Mauubos din iyong pera na inipon ko dahil sa mga kailangan ko kaya kinakailangan ko maghanap ng trabah. Iyon nga lang ay hindi ko alam kung anong part-time job ang kukunin ko lalo na at wala akong experience. Eh di ayun nga, dumating iyong kumare ni mommy na nag-design ng mga gown ko na susuotin sa mismong debut. Isa rin siya sa mga ninang naming dalawa ni kuya. Siya si Ninang Joey. She’s a wedding designer pero nagdedesign din siya ng mga iba’t ibang gown. Pinasukat sa akin ni Ninang Joey ang mga gown na dinesign niya para sa akin. Natuwa naman ako dahil maganda talaga iyong mga gown na tinahi niya. Ang pinaka-favorite ko sa ginawa niya ay ang white v-neck floral gown. Mukha lang itong simple pero para sa akin ay ito ang pinaka-eleganteng tignan. Pareho kami ng naisip ni mommy kaya napagpasyahan niya na ito ang isuot ko kapag kakain na ako ng birthday cake ko mismo. Makakailang palit kasi ako ng damit dahil may susundin na program sa mismong party. Pagkatapos ko magsukat ay iyong food tasting naman ang inasikaso namin ni mommy. Wala si daddy sa bahay dahil may meeting ito kasama si kuya ngayon. Ang alam ko ay pati ang mga Almonte ay kasama sa meeting na ‘yon. Everything went fine. Pagkatapos kasi noong food tasting ay photoshoot naman ang sunod na nangyari. Naging mabilis at maayos ang lahat dahil sumunod ako sa sinasabi noong photographer. Na-amazed pa nga ako dahil sa ganda ng mga kuha ng letrato. Si mommy na ang bahala mag-asikaso noong mga maliliit na detalye para sa party dahil siya naman ang nagpumilit nito na dapat engrande since I am their only daughter. “Cassie, who is going to be your last dance?” “Si Kuya na lang, Mommy.” “Are you sure? You don’t want it to be Calvin?” tanong niya sa akin. Tumango ako bago bumuntong hininga. Calvin is my childhood best friend. He’s also my ex-suitor. Niligawan niya ako infront of my parents. I should be happy dahil napatunayan ko na may lalaki pa palang handa na ligawan ka but the problem is, I can’t reciprocate my feelings. Hindi ko magawang ibalik sa kanya ang nararamdaman ko and that is the reason why we ended our friendship kasi ayokong umasa siya sa wala. Mas nanaisin ko pa na hindi na lang kami maging magkaibigan kesa sa magkasakitan kaming dalawa. My mother always told me that it’s okay to get hurt basta hindi ikaw ang mananakit and that is my motto in life now. Maaaring nasaktan ko nga siya sa ginawa ko but atleast, it’s not intentional. Maayos kong ipinaliwanag sa kanya na hindi ko maibabalik ang pagmamahal niya para sa akin at sana maintindihan niya ‘yon. “Ano bang nangyari sa inyo noong batang ‘yon ha? Calvin is a nice guy. It’s okay if he’s going to be your boyfriend anak,” sabi sa akin ni mommy. “Mom. I can’t see him as my partner in the future. Ayoko siyang paasahin kaya tinapos ko na ang panliligaw niya sa akin.” “Is that so? Okay lang ‘yan, Cassie. You’re going to meet the man that you want soon. Just take your time and find the right man and when that time comes, ipakilala mo siya sa amin ng daddy mo.” Tumango ako. Mom can be this supportive dahil naniniwala siya sa love unlike dad who only see the relationship as a business for the both parties. Hindi ko alam kung anong nakita ni mommy kay daddy but she told me once that daddy is a great man. Alam ko naman ang sinasabi ni mommy dahil nakakasama ko rin naman si daddy paminsan-minsan at alam ko na kahit may pagkaistrikto siya ay nagki-care rin siya sa amin ni kuya. Naging mabilis ang pagdaan ng araw as I did my usual routines. Uuwi na kaagad ako ng bahay pagkasundo sa akin galing cram school. At pagkatapos ay mag- spazz sa Lemonade Band. Makikibalita na rin dahil wala pang balita tungkol kay Primo kung bakit siya nakita roon sa café. At pagkatapos ay saka ko gagawin ang mga homeworks ko but since it’s going to end this Friday, wala na kaming masyadong ginagawa maliban sa pagpasa ng mga requirements na maaga ko natapos kaya wala na akong poproblemahin. “Baliw ka Cassidy, bakit hindi mo sinabi sa akin?” gulat na gulat na tanong ni Annicka sa akin after telling her my plans. She’s the only best friend I have and she’s the only person I could trust aside from my kuya. “Sshh! Baka marinig ka nila mommy!” “Bakit kasi ngayon mo lang sinabi sa akin? Biyernes na ngayon!” tanong niya. “I am sorry okay? I am going to tell you pero palagi kong nakakalimutan.” Sinimangutan niya ako saglit at pagkatapos ay umiling. Just like my mom, Annicka is very supportive in every decision I have made pero may mga bagay din na hindi niya sinasang-ayunan lalo na at ikapapahamak ko. But this time, her support is all on me dahil alam niya ang pinagdadaanan ko. Alam kong nagdududa siya sa akin dahil hindi ko pa nararanasan mabuhay mag-isa pero kailangan ko gawin kung gusto ko makamit ang kalayaan na gusto ko. “So what’s your plan?” I told her my whole plan. Kung paano ako tatakas at kung saan niya ako madadalaw without knowing my parents. I also told her that I am going to disguised using nerd look. Nakita na niya iyon at sinabi niya na walang makakakilala nga sa akin. Saturday came at last. Busy ang lahat sa pag-aayos at sa paghahanda. Nandito lang ako sa kuwarto dahil aayusan na ako mamaya at hindi rin ako pinapayagan umalis ng bahay. I secretly packed my things that I am going to take later sa pagtakas ko. Bago ako makakain ng cake ay aalis na ako. “Cassie.” “Annie, ano handa na ba ang lahat?” bulong ko sa kanya. Baka kasi may makarinig sa amin at makarating kay mommy ang binabalak kong gawin. Tumango naman siya sa akin. The car that I am going to use isn’t my car. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Annie ang sasakyan na ‘yon na hindi nalalaman ni Tita Marie, her mom pero hindi na iyon importante. Gamit ang hagdanan ay aakyat ako sa mataas na gate na nasa likod ng garden namin para madali akong makaalis. Ginagamit ang gate na ‘yon ng mga kasambahay dahil palaging sarado ang main gate dahil wala naman kaming palaging bisita. “Cassie, anak? Are you re— “Oh, Annie. Nandito ka na pala,” sabi ni mommy nang makita niya si Annie na nasa upuan ko. “Hi po Tita.” “Cassie, darating na mamaya ang make-up artist mo. Huwag kang aalis sa kwarto okay?” “Yes Mom.” Umuwi muna si Annie sa kanila dahil mamaya pa ang party. Kailangan din niya mag-ayos since it’s going to be a long night for us. After a few hours, my make-up artist came. Sunod-sunod nap ag-aayos ang ginawa sa akin. Pagdating ng alas-sais ng hapon ay nagsimula na ang party. Sinundo ako ni kuya sa loob ng kuwarto ko para alalayan ako sa pagbaba sa hagdan dahil sa suot kong gown. “Cassie, are you ready?” tanong sa akin ni Kuya Silver. Kuya Silver looks dashing tonight as always. Sabi niya sa akin ay kasama niya ang secretary ng Cortez Empire para maging kapartner niya ngayong gabi. Kung hindi ko lang kilala si kuya ay iisipin ko na ganoon nga pero dahil kilala ko siya, I know that he’s starting to make a move on that woman who took his interest. Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay para alalayan ako. Tinitigan ko si kuya at huminga ng malalim bago iabot ang aking kamay sa kanya at tumango. “Yes, Kuya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD