Farah
Nanood ako ng tik-tok sa cellphone ko ng biglang itong nag ring.
Hay istorbo naman to!
Ava is calling.
Pinapanood ko lamang ang pag-ring nito.
Wala ako sa mood sumagot ng tawag or let's just say hindi talaga ako nasagot ng mga call.
Bakit kasi ang problema sa mga tao eh kung may kailangan eh pwede naman i-text na lang, kailangan pa talaga tumawag!
Tumigil na ang pag ring nito. So continue ako sa panonood and then may nag pop up na text message galing kay Ava.
Can I call you, it's urgent!
Napairap ako sa nabasa ko wow ha! Ano naman kaya ang kailangan neto'ng nuk-nukang kuripot na babaeng 'to. Haha utangan ko kaya para hindi na 'ko istorbohin. Sige tama, sabi ko sa isip ko habang nirereplayan ang text niya.
Pwede ba kung ano yang kailangan mo paki-text na lang alam mo naman ayokong nasagot ng tawag eh!
Bumalik ako ulet sa panonood. Nag pop ulit ang text message ni Ava.
Please mas maganda kung tatawagan kita para ma-explain ko ng mas mabilis kung ano ang nangyari. I need your help babayaran kita.
Hay naku talaga itong babae na ito kung i-tinext mo na eh di nalaman ko na sana ngayon kung ano ba yang kailangan mo! sige na nga nagtype na ako ng message.
Sige tawag kana.
Nag-ring ang cellphone at sinagot ko na agad.
"Hello." sabi ko then nagsalita siya
"Farah , I need your help it's urgent. Kailangan natin magkita ngayon. I need your experty sa infiltration, someone hack my system at nakuha ang mahahalagang source code na ginamit ko sa pagbuild ng AMAR" pangbungad na salita sa akin ni Ava.
"Seryoso kaba Ava, almost 12:30 AM na ng umaga buti nga gising pa ko ng tumawag ka."
Sa isip ko seryoso ba talaga siya well sanay naman ako sa puyatan dahil yun ang oras ng lagi akong binubulabog ng mga naging client ko.
Mostly kasi sa kanila ay mga anak mayaman, artista ,anak ng pulitiko na kundi lango sa alak o droga na bigla na lang nagpopost ng kung ano ano sa social media.
Well kahit kasi nahimasmasan na sila at na delete na nila ang mga nakakahiyang ipinost nila like partying like wild animals, s*x scandals, doing drugs ay hindi pa rin ito ligtas at du'n nila kailangan ang serbisyo ko.
Ang pagdetect kung sino sinong mga tao ang nagkaroon ng kopya ng mga video scandal nila at kailangan kong i-retrieve, i-totally wipe out or ma-coruppt ang files ng mga nag download nito.
"Seryoso ako Farah katatapos ko lang i-block ang intruder at hindi ko gamay ang pag retrieve ng mga files. Ikaw lang ang alam ko'ng expert pagdating sa ganito." halatang kabado pa ang boses ni Ava habang nagsasalita.
"Yan ang napapala ng kuripot, hindi mo kasi ako kinuha eh di sana nasa safe side ka ngayon, Siya nga pala nasaan yung bestfriend mo, hindi ka ba niya kayang tulungan." sabi ko na may halong pagtatampo.
Well talagang nagtatampo ako! Kinuha niya si Charlotte na wala naman kaalam alam sa data programming.
Wala naman akong magagawa. Sino ba ako? Dating klasmeyt lang naman. Lamang pa din ang childhood friend.
Pero sa totoo lang wala akong tiwala dun eh.
Parang may something sa kanya. Alam mo yung feeling na ang tingin ko sa kanya ay nagkukunwari lang.
"Farah , sorry na alam mo naman wala ng pamilya si Charlotte nahirapan akong tanggihan siya since nagresign na daw siya sa trabaho. Sinusubukan ko siyang tawagan pero hindi ko siya makontak ngayon. Please, sige na naman tulungan mo ko!" pagmamakaawang sabi niya.
"Sige magkita tayo sa bar na lagi naten tinatambayan yung malapit sa apartment mo. Pinapaala ko lang sayo baka nakalimutan mo na, taon na ang lumipas. Baka nakalimutan mo na at hindi ka na ata nalabas diyan sa lungga mo."
"Bakit sa bar pa! Dapat dito sa apartment ko ikaw pumunta." sagot ni Ava.
Talaga naman pinapainit ni Ava itong ulo ko. Matalinong tanga din pala ito.
"Doon tayo magkita kasi du'n mo ibibigay sa akin ang mga kailangan ko para ma-trace ko ang nanghack sayo. Bigyan mo ako ng full access sa AMAR para makita ko ang monitor timeline nito. Dito sa aking lungga tatrabahuin yang problema mo dahil nandito lahat ng programs na kailangan ko para ma-trace at ma-corrupt ang copy ng files na nakuha sayo at isa pa kelangan mo ko ilibre ng kahit isang shot lang pampagana." pagpapaliwanag ko sa kaibigan kong aligagang aligaga pero ang totoo medyo nalalayuan ako sa bahay niya kaya meet half way lang ang gusto ko, since madaling araw na ayun ang naisip kong meet up place.
"Okay sige 'dun tayo mag meet." Sagot niya na halatang may panginginig sa boses nito.
"Sige ayusin mo na ang mga kakailanganin ko, ibaba ko na ito, aalis agad ako magkita tayo siguro mga 30 minutes nandoon na ako, relax ka lang kailangan mong kumalma para makapag isip ka ng tama para madali natin masolusyunan ang problema sige bye see you later." Pagkatapos ko ibaba ang tawag ay agad akong nagbihis para sa pagkikita namin.
Inayos ko din ang backpack ko at dadalhin ko ang laptop ko para mai-check na din kung tama ba ang files na ibibigay saken ni Ava na kakailanganin ko sa tatrabahuin ko.
Habang naghahanda ay hindi ko maiwasang maawa kay Ava.
Nagsusumikap siya para sa magandang kinabukasan sa totoo lang kasi wala naman kasiguraduhan itong trabaho namin.
Katulad ko na lang hindi naman araw araw ay may kliyente ako kaya grabe din ang pagtitipid ko. Hindi pwedeng ubos biyaya hindi ko naman alam kung kailan ulit may sira ulong magpapakalap ng video scandal para ipabura sa akin.
Pero si Ava sinikap niyang gawin ang AMAR tiyak malaking pera ang kikitain niya kapag naibenta niya ito kaso nga kung may nagnakaw ng source code niya posibleng gayahin ito at ang worst bababa ang value nito. Which is really unfair sa part ni Ava dahil alam ko ang hirap na pinagdadaanan sa pagbuild ng mga ganitong projects.
Nawalan na nga ito ng social life halos hindi na lumalabas sa lungga niya tapos nanakawin lang ng kung sino ang lahat ng pinaghirapan niya.
Kailangan ko siyang tulungan.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ava
Nandito na ako bar kung saan kami magkikita ni Farah. It's almost 2 AM, pero ang dami pa ring tao.
Pumuwesto ako sa bar counter at doon umupo. Nagsend ako ng text kay Farah para ipaalam na nandito na ako at kung saan ako nakapwesto dahil alam ko naman na hindi na naman niya sasagutin ang tawag ko. Siguro marami yung pinagkakautangan kaya ayaw sumagot ng tawag.
Medyo kabado pa din ako, tama si Farah kailangan ko kumalma para makapag isip ng solusyon sa mga nangyayaring ito.
Focus focus.
Bakit may gumawa sa akin nito. Hindi pa man naku-close ang deal ay may sumasabutahe na.
Habang naghihintay tnry ko ulit tawagan si Charlotte pero hindi ko pa rin ito makontak. Ibinalik ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko.
Tumingin tingin ako sa paligid.
Napatingin ako sa maingay at nagkakasiyahan na grupo ng mga kalalakihan at napansin ko ang isang lalaking nakatingin banda sa pwesto ko.
Nagtama ang aming mga mata.
Biglang kumalabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil pa rin ba ito sa suliranin na kinakaharap ko or na-a-attract ako sa kanya. Dahil sa totoo lang nuknukhan ng gwapo ang lalaki.
Umiwas agad ako ng tingin pero sa gilid ng mata ko alam kong nakatingin pa rin siya sa akin.
Sa lakas ng hagikhikan nila halos marinig ko na ang usapan nila.
"Pare tang-ina ka baka malusaw yan kakatitig mo!"
Kinabahan ako sa narinig ko, tila ba naramdaman ko na ako ang tinutukoy ng lalaki na tinitigan ng kasama nila.
"Lapitan mo na pare, natotorpe ka na namang ulol ka!" Sabay halakhak ng mga kasamahan niya na tila wala ng bukas sa pagtawa.
Hindi na ako muli pa tumingin sa pwesto nila dahil naiilang talaga ako sa paninitig ng lalaking iyon.
Sa wakas natanaw ko na agad si Farah naglalakad papalapit sa akin pero bago pa man siya makalapit ay napahinto ito at nakipag fist bump sa lalaking kasalubong niya. Pareho silang nakangiti sa isa't-isa habang nag-uusap.
Dito ako bilib kay Farah bukod sa mabait, magaling din itong makisama kaya hindi katakataka na madami itong kakilala or masasabi kong koneksyon.
Maganda din si Farah pero yung aura niya may pagka tomboy kasi kahit mahaba ang buhok niya ang pormahan naman niya ay laging naka-leather jacket at pants. Hindi ko pa ito nakita na magsuot ng dress or mga pambabaeng damit kahit kailan.
Pinagmamasdan ko si Farah at ang kausap niya nakita ko na may tinuro ang lalaki na pintuan pagkatapos no'n ay ang lawak na pagkaka-ngiti ng kaibigan ko sabay tango na tila ba nagpapasalamat at pumunta na ito sa pwesto ko.
"Ava tara doon tayo." Tinuro sa akin ni Farah ang pintuan na siyang tinuro ng lalaki sa kanya. Napakunot ang noo ko.
"Oh anong mukha yan! Pumayag si Jim na gamitin muna natin ang opisina niya."
"Jim!" Sagot ko na parang may halong gulat.
"Hay naku Ava! Ang tagal mong nawala sa earth. Hindi mo na kilala si Jim. Siya ang manager dito." Umiiling iling pa si Farah, sumunod na lang ako sa paglalakad sa likuran niya.
"Naku pare wala ka ng pag-asa aalis na!" Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang boses ng lalaki nagsalita. Sigurado ako doon 'yun sa grupo ng maiingay na kalalakihan na tinignan ko kanina.
Pumasok kami sa isang silid. Katamtaman lang ang laki. May desk at office chair.
"Hay ang init naman!" Reklamo agad ng kasama ko. Agad niyang binuksan ang aircon. Napapailing na lang ako sa kakapalan ng mukha ng babae na 'to.
"Nakakahiya, nakikigamit lang tayo ng silid na ito." Sita ko sa kanya.
"Ah sus! bat naman ako mahihiya eh hindi pa nga bayad sa akin si Jim doon sa pinabura niyang s*x scandal niyang may kasama siyang menor de edad."
Pagkatapos niyang buksan ang aircon ay pumuwesto na siya sa desk na para bang siya ang may-ari noon.
Inilapag niya ang backpack niya at inilabas ang laptop niya. Isinet-up niya muna ito, iniabot ko naman sa kanya ang aking dalang portable hard drive disk kung saan nandoon ang kakailanganin niyang impormasyon. May inilabas din siyang portable hard drive.
"Dito ko na ichecheck, para masolve na naten agad ang problema mo." Pagkasabi niya nun eh bigla akong lumapit at niyakap siya narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Alam kong may sama siya ng loob sa akin dahil ng sinimulan ko ang project AMAR ay hindi ko na ito nakamusta. Kahit chat or text wala na kaming naging komunikasyon.
"Huwag ka ng magdrama diyan Ava bibigyan kita ng discount." Natatawang sabi niya at napatawa din ako at pagkatapos nun ay sumersyo ulit ang tingin namin sa isa't isa. Nagpatuloy ulit siya pagseset-up.
Kilala ko ang babaeng ito, alam kong ayaw niya pinapaki-elaman ang diskarte niya kaya hinayaan ko siya mag-isa sa pag-ayos.
Ilang sandali pa ay nakaready na ang laptop at nakakonektado na din ang mga drive. Nagsimula na siyang magtype.
Patuloy siya sa pagtatype. Tahimik ko lang siyang pinapanood.
Mabilis ang paggalaw ng mga daliri niya.
Dala ng katahimikan tanging tunog ng pagtipa niya sa keyboard at click sound ang tanging ingay na naririnig dito sa loob. Hindi mo maiisip na nasa loob kami ng isang bar. Paniguradong sound proof ang kwartong ito.
Maraming tabs ang nakabukas sa screen, na tila ba isang librong mga pahina na isa-isa niyang binubuksan, tumingin ako sa orasan 3:37 am ng biglang nagsalita siya.
"It was an inside job." Kumunot ang noo ko sa narinig. Umiling iling ako.
"Imposible yan." sagot ko dito.
"Come here, tignan mo nakapasok ang intruder agad agad one attempt ang ginawa niyang pag-log in para maka access sa system malinaw na malinaw may nagbigay sa kanya ng kopya ng mga password ikaw na din ang nagsabi may ginagamit kang password generator program kung saan oras oras nababago ito. Kapag ganito ang set-up hindi madaling ma infiltrate ang system unless na lang na talagang hinihain na sayo."
Inusog niya pa ang laptop para makita ko ng mas malapitan at muli siyang nagsalita.
"Tungkol sa hacker natrace ko ang lugar kung nasaan niya nung time ng inflitration attack and you know what is surprising?"
Seryoso akong tumingin sa kanya, "Ano?"
"Nasa isang local coffee shop lang naman siya at gamit pa ang wifi account ng establishment."
"What?"
Sa gulat ko medyo napalakas ang boses ko.
Nakatitig lang ako sa laptop na para bang napapatulala.
At nagpatuloy ulit si Farah sa pagtatype at pag eexplore.
"Hindi na active online ang hacker sa ngayon. Nagpapalamig pa. Hayaan mo aabangan ko ang pag-online niya. Naglagay ako ng alarm para kahit makatulog ako malalaman ko kung kailan ito ulit mag-oonline sa ngayon wala muna tayong magagawa kundi ang maghintay."
Nag shutdown na siya ng laptop at sinimulan ang pagliligpit.