S1 EP1. Intruder Alert
Ava
Oh, my God! Please make it work, sabi ko sa isip ko habang tina type ang mga set ng codes.
Pilit kong bina block ang intruder na nagawang makapasok sa access ng aming system and worst may ininstall na virus kung saan na freeze ang account ng mga user.
It's 11:03 PM, nasa loob ako ng aking apartment. Well lagi naman akong nandito dahil may pagka introvert ako.
Biglang tumunog ang intruder alarm. Nag install kasi ako nito part of safety protocol kung saan ito ay tutunog kapag may illegal access na nagaganap sa system. Para kahit tulog ako ay magigising ako.
Overacting? Sa iba oo, pero para sa akin tama lang, seryoso ako when it comes to security.
AMAR is my baby, madaming trials, error and repeats at higit sa lahat puyat ang tiniis bago ko nagawa ito.Technically hindi pa siya tapos dahil nasa development cycle pa lang ako.
Natapos ko na ang Step1: Planning, Step 2: Analysis, Step 3: Design, Step 4: Implementation, Step 5: Testing and Integration, well nasa huling stage na ko ang pinaka importante para maging successful ang launch nito which ang Step 6: Maintenance, which is clearly nag-failed ako dahil eto na hack ako.
Ang AMAR ay isang call and chat monitoring software, a technology that records phone/SMS/chat conversations.
Sounds ordinary right but the thing is, isa lang ito sa mga feature ng software, it can also record the subscriber's information such as browsing history, search history, location data that can build advertising profile, serving users with ads na match sa mga needs nila, kumbaga it's an all in one software para sa mga companies na gumagamit ng advertising para sa mga users na walang pambayad ng full subscription sa mga app nila.
Balak ko itong ibenta sa CORZ, a multi-million dollar value business pagdating sa larangan ng mga tech companies.
Two years ko nang dinedevelop ito.
So eto na nga para ako nakikipaglaban kay santanas. Palaisipan kung pano nagawang ihack ang system namin eh meron din ako'ng ginawang program kung saan oras oras ay nababago ang passcode, ako at ang bestfriend kong si Charlotte lang ang may access dun.
Imposible naman na ipagkalulo niya ko dahil sabay kami naghirap dito siya ang karamay ko sa lahat ng bagay. Ako sa technical siya sa business side.
Nagsimula lang ako mag-isa then Charlotte told me na nagresign daw siya sa trabaho para matulungan ako. Nakikita niya na magtatagumpay ito. Sa una tumutol ako dahil obviously kuripot ako ano ang ibabayad ko sa kanya diba?
I'm a freelance programer, sounds cool right pero ang totoo mahina ang kita diyan unless na lang kung talagang magdedevelop ka ng sarili mong program or software kaya pinursige ko ang pagcreate nitong AMAR.
Sa huli wala na din ako magawa kundi hayaan na tulungan niya ko. At sa tulong niya nakuha namin na potential buyer ang CORZ tech.
Hindi man magaling si Charlotte sa programming magaling naman siya negotiation at nagawa ng maayos ang presentation nito.
Since may kasunduan na kami ng CORZ Tech pumayag ito na gamitin ang isa sa app na pagmamay-ari nila ang CHEEZY, a call and chat services kung saan ko i-aaplay ang program ng AMAR para sa testing stage.
CORZ Tech grant me an access para mai-merge ko ang CHEEZY app at AMAR.
The hacker is able to put a virus where the number of CHEEZY app users is affected.
Nakikita ko sa screen ang pag decrease ng user which is really bad.
Number of Active Users: 987,000
Just a matter of seconds pababa ng pababa ang number of active users
877,432
789,234
Shit! This can't be happening. Mawawalan ng saysay ang lahat ng pinaghirapan ko and the worst is ang tiwala na binigay sa akin ng CORZ Tech ay mawawala at ang deal na kasado na final stage na lang ang kulang at sumablay pa.
598,765
Oh my god! Nagdown na siya ng kalahati.
Still typing kailangan ko'ng unahin alisin ang virus sa system bago ko i-block ang walang hiyang hacker.
Alam kong pang divert lang ang virus, dahil ang talagang pakay nito ay mga information. Mga script or programming codes na ako mismo ang gumawa.
487,354
Konti na lang.
I type some command codes and then run the system again 'yun I was able to remove the malicious software na ininstall ng hacker sa system.
Unti unti na ulit tumataas ang number of active users
498,593
501,232
537,198
Hindi pa ko tapos! Pag-block naman sa walang hiyang hacker na ito ang gagawin ko. Nakuha ko ang user name na gamit niya
vengeance143
Astig ah! ayan pa talaga ang napili mong username.
Wala akong maalala na may inagrabyado akong tao ah lahat ng meron ako pinaghirapan ko at hindi ko ugali ang manlamang ng kapwa.
Humanda ka saken!
Buti hindi lang ako sa software design magaling. Marunong din ako sa firewall, kaya nga nadetect ko agad na may hacking na nagaganap.
Nagawa kong i-disable the access control ng hacker and next ay i-check kung ano anong information ang nakuha niya.
Ganun na lamang ang panlulumo ko ng malaman nito na nadownload nito ang buong script design ng software.
Malaking problema ito!
Hindi ko nagawa ang pag retrieve ng file dahil hindi ako expert or wala 'dun ang specialty ko.
Kailangan ko makontak si Farah, former klasmeyt ko at ito ang experty niya ang infiltration gaya ng hacker na ito.
Magaling siya sa pagretrieve at pagbura o pagwipe out ng mga files basta lang nakakonek sa internet. Karamihan ng client niya ay mga celebrity, politician at kung sino pang mayayaman na gusto ipabura ang mga bad image nila tulad ng mga black propaganda pero ang kalimitan ay mga tungkol pagbubura ng mga s*x scandal sa internet ang mga nagiging kliyente niya.
Grabe ang kabog ng dibdib ko. Kailangan ko ng plano , kailangan ko malaman kung sino ang may pakana nito at ano ang motibo niya.
Lisa is calling.
Shit lagot na Lisa is one of the associate ng CORZ Tech ang nag grant ng access saken sa CHEEZY app para sa testing na nangyayari.
Tinignan ko muna ang cellphone habang nagriring ito , kabadong kabado ako.
Anong sasabihin ko! Sigurado malilintikan ako neto.
Hindi pwedeng hindi ko sasagutin dahil 24/7 ang operation nila alam nila ang nangyaring interruption sa mga number of users ng CHEEZY app at alam nila na ang dahilan ay ang AMAR.
Pumikit ako at huminga ng malalim at sinagot ko ang tawag.
"Ava, what's happening, alam kong alam mo ang tinutukoy ko" matigas na boses nito.
"Ma'am I already deal with the situation as of now no more interruption experience on CHEEZY app" sagot ko na may pagka confident na tono pero ang totoo ay kabadong kabado ako.
"Sa ngayon wala ng problema, eh sa mga susunod. Kailangan ko ng full report sa incidence na ito at mga action na gagawin niyo upang hindi na maulit ito. I will give you 24 hours to do that" halatang may galit sa boses na sabi nito.
"Yes Ma'am." nauutal ko'ng sagot, at binaba na nito ang tawag.
I need to call Farah.