Chapter 2 Luna

1459 Words
"Luna? Sinong Luna? Wala akong kilalang Luna!" giit naman ni Hunter dahil totoo naman ang sinasabi niya. Wala talaga siyang kakilalang babae na ganoon ang pangalan. Kaya naman sigurado na siya ngayon. Napagkamalan nga siyang ibang tao ng mga taong nandito sa kakaibang lugar na ito. Nasabi niyang kakaiba ang lugar na napuntahan niya dahil ngayon lang siya nakapasok sa ganito kalaking gusali na may napakataas na kisame ba yari pa yata sa buo-buong bato. Sa katunayan, gawa nga yata ang buong palasyo na 'to sa mga malalaking tipak ng bato. Ngayon pa lang siya nakatapak sa ganitong klase ng lugar na parang napakatagal na, kaya sigurado siya na hindi niya kilala ang babaeng ito na tinatawag siyang Van. Ngunit natawa lang sa sagot niya ang misteryosang babae. Maganda ang babaeng ito, pansin ni Hunter. Pasimple niya itong pinagmasdan. Balingkinitan ang katawan niya at mestisahin ang balat. Maamo ang mukha nito at may aura ito na parang hindi ito umaatras sa kahit anong laban. Femme fatale kumbaga. At patunay na rito ang hawak nitong katana na sa mga palabas nga lang sa tv nakikita ni Hunter.  "Muntik mo na akong maloko dun ah," sabi sa kanya ng babae. Nakangisi pa rin ito pero alam ni Hunter na hindi talaga ito natutuwa sa sinabi niya kaninag hindi niya ito kakilala kahit hindi naman talaga. "Paanong hindi ikaw si Van kung nagawa mo akong tawagin?" "Ha? Ano'ng sinasabi mo diyan? Eh hindi naman kita tinawag!" giit pa rin ni Hunter dito sa babaeng parang ninja.  Pinanlakihan lang siya ng mga mata ng babae. "Tama na ang paglalaro, Van. Ikaw lang ang nakakatawag sa akin, dahil anino mo nga ako, 'di ba. Kaya huwag ka nang magpanggap na ibang tao. Alam ko namang ayaw mo na kinukulit kita kaya ka nagsisinungaling." "Pasensiya ka na, Miss. Pero hindi talaga ako ang Van na sinasabi mo---" "Oo na, hindi na ikaw si Van," pagsakay naman sa kanya ng babae na mas lalong nagpainis kay Hunter. "Diyan ka na nga muna. Hahabulin ko pa ang mga Kawal na yun. Hindi ka kasi titigilan ng mga yun kung hindi natin sila tatapusing lahat." At bago pa man makasagot si Hunter sa kanya, umalis na ang babae at hinarap ang mga Kawal na nakapalibot sa kanila.  Iniangat ng babae ang kanyang mahabang katana, at sinukat ng tingin ang mga kaaway niya. "Kay lakas ng loob niyo na dumito sa palasiyo ni Van, mga lapastangan!" "Narito kami upang hulihin siya!" sagot naman ng pinuno ng mga kawal na ito. "Alam namin na magpapakita siyang muli ngayon, kaya inabangan na namin siya! Tama nga ang hula ng Oracle! Magbabalik nga rito sa Eldan ang mortal na kaaway ng Mahall na Hari!" "At pagsisihan niyo na nagpunta pa kayo rito!" sigaw ni Luna na tila hindi man lang natatakot sa dami ng kalaban niya ngayon. "Kaya kung gusto niyong mabuhay pa, umalis na kayo rito ngayon din! Sabihin niyo sa mahal niyong Hari na nagbalik na ang mortal niyang kaaway, at babawiin niya lahat ng mga bagay na inagaw niya mula sa kay Van!" "Hindi kami natatakot sa 'yo, Luna! Nagawa ka na naming matalo noon! Kaya hindi tatalab sa amin ang paninindak mong yan!" sigaw ulit ng parang leader ng mga Kawal na ito. Nagpapalitan lang sila ng mga banta kaya hindi malaman ni Hunter kung seryoso ba ang mga ito o hindi. "Kaya't sa ngalan ng Haring Octavius, ang hari ng Kaharian ng Eldan, sumuko ka na lang!" Nakatutok na lahat kay Luna ang mga sandatang parang crossbreed ng armalite at kanyon ng mga kawal na ito, kaya kahit papano ay nag-aalala na si Hunter para sa babaeng Luna ang pangalan. Ngunit nakita ni Hunter na hindi man lang nasindak si Luna, at imbes na umatras, mas lalo pa yata itong tumapang. "Ah, ganun ha? Ayaw niyong umalis ha? Kung ganun, tanggapin niyo ang kapalaran niyo!" Nagkagulo na. Sunod-sunod ang malalakas na pagsabog na nangyari kaya nagimbal na si Hunter. Hindi niya talaga akalain na ganito ang mangyayari, at parang magigiba na ang buong gusali dahil sa ginawa ng mga Kawal. Sigurado kasi si Hunter na mula sa mga sandata nila ang malalakas na pagsabog. Aakalainin mo talaga na mabubura na sa mapa ang lugar na ito. "Teka! Luna!" Napasigaw na si Hunter dahil mula sa kinalalagyan niya, nakita niya na lahat ng mga kawal ay nagpaputok sa direksiyon ni Luna. Mukhang hindi na ito nakailag. Gusto sanang iligtas ni Hunter ang babae, pero mukhang huli na ang lahat. Hindi na rin naman siya pwedeng lumapit dito dahil pati siya ay madadamay. Ayaw niya namang mamamatay ulit sa pangalawang pagkakataon. Ni hindi niya pa nga talaga alam kung ano ang nangyayari sa kanya. O kung totoo ba talaga ang mga nangyayaring ito o nananaginip lang siya ng isang napaka-realistic na panaginip.  Alam ni Hunter na nasa dalawa lang ito. Posibleng nananaginip nga siya, o totoo nga na napadpad siya sa isang lugar kung saan may mga kawal, hari, at babaeng may katana na sumulpot na lang bigla mula sa kung saan. Naisip ni Hunter na wala namang masama kung ililigtas niya ang sarili niya mula rito, dahil kung panaginip lang ito, magigising pa rin naman siya. Ngunit kung totoo itong nangyayari sa kanya tapos mapaslang siya sa lugar na ito, hindi na niya sigurado kung mabubuhay pa ba siya pagkatapos non.  Kaya tatakbo na sana palayo si Hunter kahit na napuruhan nga ang isa niyang binti, pero nakarinig naman siya ngayon ng mga sigaw--- hindi, ng mga palahaw pala, at nakita niya na nagsisiliparan at tumilapon ang mga kawal na nagpaputok kanina kay Luna. May mga tumama sa mga pader na yari pa naman sa matitigas na mga bato. Mayroon din namang tumama sa lupa ngunit nabagsakan rin naman ng mga batong nahuhulog mula sa taas.  Luma na kasi ang palasyong ito kung nasaan sila ngayon. Sa tantiya nga ni Hunter ay baka nasa mahigit limampung taon na ang tanda nito. Halata rin na napabayaan na ito nang matagal na panahon kaya ang bilis nitong gumuho. Karpentero at construction worker ang ama at mga kapatid ni Hunter kaya alam niya kapag humina na ang pundasiyon ng isang gusali. Ang kapal na rin ng usok at alikabok mula sa mga nagaganap kaya halos wala ng makita si Hunter maliban sa isang pigura sa di-kalayuan na alam niyang kay Luna. "Ha! Sabi ko naman sa inyo na mas maganda kung umalis na lang kayo at magsumbong sa Hari niyo!" ani Luna na buhay pa pala. Napatulala tuloy sa kanya si Hunter dahil hindi siya makapaniwalang nakaligtas ang dalaga mula sa mga pagsabog kanina. Sigurado kasi siyang hindi nakaalis doon sa kinatatayuan niya si Luna kaya malamang ay tinamaan ito kanina ng mga bala ng kanilang sandata. Nang tuluyan nang mahawi ang usok at alikabok sa hangin, tumabad na kay Hunter ang kinalabasan ng laban sa pagitan ni Luna at ng mga Kawal na ito. Lahat ng mga kawal ay nakabulagta na sa sahig, at nagkalat ang mga sandata nila na wasak-wasak pa ang iba. Hindi makapaniwala si Hunter. Natalo ni Luna ang mga kawal kahit mag-isa lang siya! Nilingon siya nito. "Nakita mo ba ang ginawa ko? Bumilib ka 'no?" Napatango na lang si Hunter. "Paano mo nagawa yun? Ano'ng klaseng nilalang ka?" "Sinabi ko na sa 'yo. Anino mo ako. At nagpapakita lang ako kapag nasusugatan ka o kapag hindi ka makakalaban nang maayos." Umiling si Hunter. "Hindi kita maintindihan. Ang pangalan ko ay Hunter. Hindi ako kung sino man ang iniisip mo na ako." Sa wakas, napaisip na rin si Luna. Magandang sinyales ito para kay Hunter dahil ibig sabihin maiisip na ng dalaga na nagkamali nga ito. Pero iba pa rin ang sinabi nito. "Ikaw si Van Renegade," ani Luna. Tingnan mo ang dibdib mo. Naroon ang marka na magpapatunay na ikaw nga si Van Renegade, ang dating Hari ng nasirang palasyong ito." Sinunod naman ni Hunter ang sinabi niya. Sinilip niya nga ang dibdib niya kung may makikita nga ba siya doon. Nahirapan pa siya nung una dahil suot niya pa rin kasi ang unifrom niya sa trabaho niya, pero nang masilip na niya ang dibdib niya, laking gulat niya nang makita nga niyang may marka nga roon. Para iyong tattoo, pero alam niyang wala siyang tattoo. Hindi kasi siya nagpapalagay noon dahil balak niyang magtrabaho sa ibang bansa. Isa iyong marka na hugis bungo na natuhog ng isang mahabang espada. At umaapoy naman ang mga mata ng bungo. Hindi maiintindihan ni Hunter, pero pakiramdam niya nakita na niya ang markang ito. Saan niya nga ba ito nakita? "Kita mo na? Ikaw nga si Van Renegade, ang bumagsak na Hari ng Kadiliman. Ikaw lang naman ang may marka na iyan. Ang tagal mong nawala! Maligayang pagbabalik!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD