Nahulog ako sa pag-iisip. Nakalimutan ko nang kasama ko ang crush namin pareho ni Iante---si Bryle. Kung hindi pa siya kumilos para umalis ay hindi ako matatauhan. Mabilis kong nahawakan ang laylayan ng t-shirt niya.
“Uy...”
“Bakit na naman?”
“Tulungan mo naman ako, oh. Friends naman kayo ni Ianthe, ‘di ba? Oo, madiskarte ako pero hindi ‘to kaya ng powers ko.”
Nakarinig ako ng papalapit na yabag. Pero hindi ko pinansin ‘yon. Mas importante sa akin ang pagpayag ni Bryle na tulungan kami ni Ianthe. Wala rin naman kasi akong alam na puwedeng hingan ng tulong. Wala akong kaibigan, maliban kay Luna. And I don’t think Luna is equipped to deal with things concerning with the supernatural.
Si Bryle na lang talaga ang option ko. Kahit hindi kami close, kakapalan ko na ang mukha ko. Ayaw ko pang makipag-eyeball sa mga anghel, kung sa langit man ako nararapat. O sa mga demonyo, kung doon nga ba talaga ako nakatakdang mapunta. No, I’m not ready yet. Hindi ko pa nakakamit ang katarungan sa sinapit ko.
May tumikhim mula sa likuran naming dalawa. Sabay kaming napalingon ni Bryle. Hindi ko napigilan ang pag-asim ng mukha nang makilala ko kung sino ang may-ari ng istorbong yabag na ‘yon. Para naman kasing sinadyang magpapansin eh. Oh well, magtataka pa ba ako? Eh, sadya naman talagang kulang sa pansin ang taong ‘to.
Simula nang magising ako sa katawan ni Ianthe Elana Dominguez, may mga pagkakataong ini-imagine ko ang unang pagkikita namin ng alin man sa miyembro ng pamilya Victoriano. Siyempre, kasama na doon ang pinsan kong si Khourtney with an H. Sa laki ng Fleur University, hindi ko inakalang darating ang panahong ini-imagine ko nang ganito kaaga.
Isa pa, ang layo ng building ng program ni Khourtney sa building ng program nina Ianthe at Bryle. Medical student si Bryle samantalang si Ianthe ay BS Chemistry ang course. Hindi naman ako nag-alala na hindi ako makahabol kahit na bilang Bebang ay Management ang kinukuha kong course bago ang lahat.
It so happened na favorite subject ko ang Chemistry noong highschool. Kaso napilitan lang akong kumuha ng Management dahil sa naiwang negosyo at ari-arian ng mga magulang ko. Para ‘yon sa paghahanda sa pagti-take over ko sa properties namin. Kaso nga, Tita Pots happened.
Mabalik tayo sa mahadera kong pinsan. Ano’ng ginagawa niya dito? Unless sinadya talagang dumayo ni Khourtney? Pero kung tutuusin, baka ganoon na nga. Hindi imposible. Si Khourtney pa ba? Naku, juniora ni Tita Pots ‘to.
“Hi, Bryle!”
Abot hanggang batok ang lapad ng ngiti ni Khourtney. Pero kaagad na nabura ang ngiting ‘yon nang lumipat ang mga mata niya sa akin. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik. Dalawang beses niyang ginawa ‘yon. Tinaasan ko lang siya ng kilay pero hindi ako nagpatinag. Aaminin kong nabigla ako sa hindi inaasahang pagkikitang ‘yon pero hindi ko ‘yon ipinahalata.
Unti-unting bumalik sa alaala ko ang mga huling sandali ko sa piling ng pamilya Victoriano. Ang kalupitan ni Tita Pots, ang kawalan ng pakialam ng mga anak niya, lahat-lahat na. My pulse sped up and my heartbeat pounded. Pakiramdam ko anumang sandali ay sasabog ako.
Pero bago pa ako mawala sa sarili ay nagsalita si Bryle. And the moment I heard his voice, I found myself breathing easier. Hindi ko alam kung ‘yong boses ba niya ang may gawa noon o ‘yong sinabi niya kay Khourtney. Either which, medyo natuwa ako. Slight. Mga twenty percent.
“It is rude butting in at people’s conversation.”
Parang binuhusan ng nagyeyelong tubig si Khourtney. Literal siyang namutla, umawang ang bibig na parang hindi makapaniwala sa narinig. Gusto kong pumalakpak at humagalpak ng tawa ng mga sandaling ‘yon pero pinigilan ko ang sarili ko. Hahayaan kong si Bryle na ang bumasag sa kanya.
“B-Bryle! Nag-hi lang naman ako.”
“I don’t know you. Hindi ko ugaling makipagplastikan sa mga taong hindi ko kilala. Now, if you’ll excuse me, I have a conversation with this person which you rudely interrupted.” Bryle
He’s totally rude. Pero ewan ko ba, hindi man lang ako na-disappoint sa kanya. Luna wasn’t kidding when she said he’s a jerk. But why do I find this jerk charming? Alam kong hindi dapat i-romaticized ang masamang ugali.
Pero masisisi ba ako ng universe kung sa dami ng tao sa mundo, sa kanya pa ako hindi nakaranas ng pangmamata? Of all people, a jerk like him made me feel I am not worthless person. Ang ironic lang kasi. ‘Yong mga sarili kong kadugo, kinamkam na lahat sa akin, pati buhay ko.
It was then that I snorted. Oh, I know it’s impolite to laugh at somebody else’s embarrassment. Pero ano’ng magagawa ko? Inilipad na ng hangin ang pagpipigil ko. Idagdag pang dati na akong asar sa bruha kong pinsan. At ang makitang pahiya siya sa pagpapa-cute niyang nakakasuka ay katawa-tawa naman talaga.
“What are you laughing at?” sita ni Khourtney sa akin.
Inangat ko ang dalawang kamay, paharap sa kanya ang magkabilang palad. It’s a sign of surrender, of backing off. But it’s an empty gesture. Dahil kabaliktaran nito ang nasa loob ko. Ang totoo, gusto ko lang gatungan ang inis niya. Para lalong malantad kay Bryle ang peke niyang pagkatao.
Teka, ano’ng pakialam ko kung nagpapa-cute siya kay Bryle? Everyone is free to flirt. Hindi ko pag-aari ‘yong tao, juskolord! Okay lang magka-crush. Pero ‘wag tayong feeler. Ew! Erase that thought.
“Don’t get me wrong, I’m not laughing at you,” sabi ko.
“Then what?” May halong angil na ang boses ni Khourtney.
Umiling ako. Itinuro ko si Bryle.
“Uhm...it’s an inside joke between us. ‘Wag mo na lang akong pansinin, kunwari wala ako dito.”
Inside joke, my ass. Wala naman kaming ganoon ni Bryle. Gusto lang kitang asarin, Khourtney with an H. Sana lang ‘wag akong ilaglag ng isang ‘yon.
“Who are you?” muli niyang tanong.
“Me?” Itinuro ko ang sarili. “No one. I’m just his annoying acquaintance. Di ba, Bryle?”
Hindi nagbago ang mukha niya. He looked at me as if I’m the most uninteresting thing in the world.
“You’re indeed annoying.”
I smiled at Khourtney, extra sweet as if we’re the bestest friends.
“See?”
Napalitan ng pamumula ang kanina’y pamumutla ni Khourtney. Sumingasing siya sa inis, may kasama pang padyak ng kaliwang paa. Then she straightened her shoulders in a typical Khourtney fashion---proud and everything is beneath her---and flipped her rebonded hair. Iyon lang at nilagpasan na niya kami ni Bryle.
Sinundan ko siya ng tingin. I wonder where her posse is. Parang hindi ako sanay na makita siyang walang nakasunod na mga alipores. I didn’t notice Bryle looking at me, until he spoke.
“Kilala mo siya.” Hindi tanong ‘yon.
“Paano mo nasabi?” tanong kong nakatutok pa rin ang mga mata sa papalayong si Khourtney.
“You know what strings to pull to annoy her. Magkakilala kayo bago ka nalipat d’yan sa katawan ni Ianthe.”
Doon na ako napatingin kay Bryle. Nagkibit-balikat ako.
“I’m not telling you my sob story,” sabi ko. “Ano, tutulungan mo ba kami?”
Natahimik siya, para bang nag-iisip.
“It depends,” sabi niya.
Napamulagat ako.
“D-Depende? Depende saan?”
“Depende sa mood ko,” aniya.
“Ang labo naman nito. Buhay ang nakasalalay dito, Bryle. Wala ka man lang bang pakialam sa kapwa-tao mo?” I appealed.
It’s lame. I know. Pero ‘pag ikaw ang nahaharap sa ganitong sitwasyon, wala kang hindi gagawin. Kahit magmukha kang tanga, gagawin mo para lang mabuhay. Sa ngalan ng pag-ibig nga nagpapakatanga ang tao, ito pa kaya? Hindi lang pag-ibig ang makakapagtulak sa ‘yo para masambit mo ang mga katagang “hahamakin ang lahat, masunod ka lamang”.
“Wala. Saka hindi naman ako tao, demonyo nga ako ‘di ba? Most importantly, dati pa akong walang pakialam sa mundo. I don’t want to disappoint people by doing things contrary to the labels they attached to my name.”
Naalala ko ang usapan namin ni Luna. Natigilan ako. Narinig ba niya kami? Pero ang layo naman namin sa kanya noon. Napalunok ako.
“Who told you that?”
Nagkibit-balikat siya.
“It’s not as if it’s a secret. King of Jerks, demonyo, bato, taong-yelo, at marami pang iba. Hindi ba ‘yan ang tawag sa akin nga mga tao? ‘Wag kang magpanggap na hindi mo alam.”
“Hindi naman ibig sabihin naniniwala ako sa sinasabi nila.”
I thought the term killer smile was nothing but metaphor that has been coined to dress words with frills for added appeal. I never realized the true meaning of those words, not until I saw Bryle smile at me. Literal akong natulala, awang ang mga labi sa kawalan ng masabi. Gosh! Sabi nila walang paborito si Lord. Eh, ano’ng tawag dito kay Bryle?
At hindi lang doon nagtatapos ang lahat. Bigla niyang inilapit ang mukha sa akin, nasa mukha pa rin ang nakakatulalang ngiting ipinamalas niya. He was so near that I had to lean back to avoid the tips of our noses from touching.
“You should believe them, though, if you intend to stay alive. In fact, you should be running right now,” Bryle drawled.
I blinked a few times, brain frozen. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, o kung saan titinging bahagi ng mukha ni Bryle. Ngayon ko lang napansin na hindi pala itim ang kulay ng mga mata niya. They’re earthy brown up close. At kung makatingin, nanunuot. Kahit na nakangiti siya, mabigat ang dating ng mga mata ni Bryle.
‘Yong tinging ‘yon ang hindi ko matagalan. To save myself, I did the first thing that came to my mind. All my mental defenses slammed down into place, providing me borrowed courage to move.
“Ano ba? Ang lapit mo!” angal ko sabay tulak ng mukha niya palayo.
I took a step back to magnify the distance between us, the safest I could manage without looking or sounding like a coward. Pero ang hudas! Hindi man lang natinag. Nakangiti pa rin siya, hindi nagbabago ‘yon kahit na halos lakumusin ng palad ko ang mukha niya kaninang pagtulak ko. His only response was a slight lift of his eyebrow.
“Why, are you bothered?”
“Bothered mong mukha mo! Ang alam ko, guwapo ka lang. Sobra rin pala ang bilib mo sa sarili.”
“You admit that I’m good looking then?” patuloy ni Bryle.
I rolled my eyes at him. “Really? I can’t believe you’re fishing for compliments,” ganti ko.
Nagkibit-balikat si Bryle.
“Gwapo ako kamo, you’re words not mine. Gusto ko lang i-confirm baka namali lang ako ng dinig.”
“Wala ba kayong salamin sa bahay n’yo?”
“Meron. In fact, marami. Gawa sa salamin ang buong bahay namin,” aniya.
“I don’t mean glass. I mean mirror. Alam mo ‘yon?”
If I thought that Bryle’s smile was enough surprise for the day, I was hugely mistaken. Because when he chuckled, I was taken aback my jaw almost dropped. Napatanga na naman ako sa kanya. Ilang sorpresa pa ba ang baon nito, ha? Sana mag-warning man lang, ano. Hindi ako sanay. Natuturete ako sa bawat bitaw nito ng hindi inaasahan.
My heart pounded like mad. Wala sa loob na nailapat ko ang isang kamay sa dibdib ko. Baka sakaling kumalma naman kahit paano. Pakiramdam ko tatalsik palabas ng ribcage ko ang puso ko, eh.
“Yeah, I know what you’re talking about. Ang sarap mo lang kasi asarin.”
Sa kawalan ng masabi ay iningusan ko siya. I don’t trust myself to speak yet. I might blurt out something I shouldn’t. Nakakahiya.
Bebang...c-can we talk?
I stiffened when I heard Ianthe’s voice in my mind. Kulang sa sigla ang boses niya na ipinataka ko. O baka naman dahil bagong gising lang siya? Hindi lang pala ako ang nakarinig kay Ianthe. Si Bryle ay natigilan din. Ah, nakalimutan kong naririnig niya rin pala si Ianthe ‘pag nagsasalita ito. Sinulyapan ko si Bryle. Kunot-noong nakatingin siya sa akin.
“Si Ianthe na ba ‘yan?”
“Oo.”
“She sounds tired,” aniya.
“Sige, alis na muna ako. Kailangan naming mag-usap. Hindi mo rin naman kami tutulungan eh. Salamat nga pala sa impormasyon.”
Iniwan ko na si Bryle. Nag-aalala ako sa narinig kong katamlayan sa boses ni Ianthe. Maghapon siyang tulog. Hindi pa ba sapat ‘yon para bumalik ang dati niyang lakas? Kahapon naman hyper na hyper siya ah. Bakit ngayon tunog hindi kumain ang boses niya?
Diretso ako sa parking lot kung saan naghihintay ang driver nina Ianthe. Pagkakita sa akin ng driver ay agad itong kumilos papasok sa kotse.
“Wala ka nang pasok, iha?” tanong ni Mang Fernan.
“May pasok pa po. Pero gusto ko nang umuwi, medyo hindi maganda ang pakiramdam ko.”
“Aba’y tara na kung ganoon.”
Hindi ako kumibo. May standing order ang mag-asawang Dominguez. ‘Pag nakaramdam ako ng hindi maganda ay kailangan kong umuwi. Kulang na nga lang ay ikuha nila ako ng bodyguard simula nang mangyari ang aksidente.
“Ianthe, okay ka lang?” pabulong kong tanong sa kanya.
I don’t know Bebang. I feel weak.
Shit. She doesn’t sound good.