I see. So, ang kailangan nating gawin ay tapusin kung ano man ang mga unfinished business natin. Ang tanong, sinong mauuna?
"Hindi ka mahilig sa salitang so ano?" pansin ko.
Not really. Ano na?
"Pwede naman nating pagsabayin. O kaya simultaneous. Whatever works for us."
Kung sabagay. What do you want ba? I have read your memories but it seems we don't share the same thoughts. Hindi ko kayang basahin ang iniisip mo kahit na nasa iisang katawan lang tayo at technically naghahati sa iisang utak.
"Gusto kong mabawi lahat ng kinuha ni Tita Pots sa amin. Wala akong mukhang ihaharap sa mga magulang ko kung sakali," deklara ko.
Okay. Revenge thingy. I can help you with that. Magagamit mo ang koneksyon ng mga magulang ko. In return, I need you to help me with Bryle. It appears he can hear me. Hindi ko alam kung paanong nangyari but thank god he does.
"Anong maitutulong ko? Ano ba ang gusto mong mangyari?"
Simple lang naman ang gusto ko. Maging boyfriend siya kahit sandali lang. Gusto kong maranasan kung paano maging importanteng tao kay Bryle. I know he doesn't like me. Pero ni minsan ay hindi niya ako ipinahiya o iniwasan. Bukod kay Luna, si Bryle lang ang nagtrato sa akin bilang tao sa school. He's cold but underneath his exterior is a caring man.
Napangiwi ako. "Mukhang mahirap ang life goals mo."
Bakit, 'yong sa 'yo ba madali? Fair lang naman, same difficulty ang mga gusto nating mangyari. Ano, deal?
"Sabi mo hindi ka gusto ni Bryle. Paano natin siya lalapitan kung una pa lang zero na ang tsansa mo sa kanya?"
Though di ko rin maintindihan kung bakit sa ganda ni Ianthe ay wa epek kay Bryle. Kung tutuusin, bagay sila. Isang maganda, isang guwapo.
That's why I need your help. Two heads are better than one.
"Nandyan naman si Luna, bakit di ka humingi ng tulong sa kaibigan mo?"
She doesn't like Bryle. Kahit best friend ko siya, she doesn't support me in things she believes would be harmful to me. And in her book, harmful equates Bryle. Naiintindihan ko naman, hindi ko siya puwedeng pilitin dahil 'yon ang paniniwala niya. And though she doesn't approve of Bryle, she loves me just the same. Minsan, pinagbibigyan niya rin naman ako.
"Ang suwerte mo pa rin." Hindi ko maiwasang mainggit. Sana ako rin may ganoong kaibigan.
Yep. I believe I am. Kaya kung ako nga talaga ang dapat ay tumawid na sa other side, I'll go without regrets. I have everything. Si Bryle na lang talaga ang kulang.
"Sabihin ba natin kay Luna ang tungkol dito?" naalala kong itanong.
Hindi kaagad sumagot si Ianthe. Akala ko nga dededmahin na lang niya ako dahil medyo matagal bago siya uli nagsalita.
'Wag.
Kahit hindi kami magkaharap ay kusang kumunot ang noo ko.
"Bakit ayaw mo?"
We're not certain yet who's going to stay or leave. I don't want to hurt her. Nakita mo naman kung paano siya nang malaman niya ang tungkol sa nangyari sa akin.
"P-Pero..."
If ever, can you grant me a favor?
"Sige. Ano ba 'yon?"
Ituring mong totoong kaibigan si Luna, regardless if ako o ikaw ang mawawala sa huli. She's a good person. Kung sakali man na ako ang mawala, at least she has someone by her side who truly cares for her. Pwede mo bang gawin 'yon?
Tumango ako.
"Mabait naman si Luna. In fact, gustong-gusto ko siyang maging kaibigan. Hindi mo na ako kailangang pakiusapan. Gagawin ko naman talaga dahil magaan ang loob ko sa kanya."
Good. Now that's settled.
* * * * *
Pagkatapos kong humabi ng mga palusot kay Luna ay na-satisfy na rin sa wakas ang curiousity niya. Ngayon, kailangan kong tuparin ang pinagkasunduan namin ni Ianthe. Uunti-untiin kong ilalapit ang sarili kay Bryle. Pero kahit na ano'ng gawin kong isip ay wala akong mabuong diskarte kung paano ko gagawin 'yon.
Paano ba magpapansin sa taong hangin yata ang tingin sa 'yo? Tumambling? Mag-flying trapeze? Oh lord. Ni hindi mo ako biniyayaan ng landi skills nang mauso ang paglalandi. Nasaan ba ako nang nagturo ang universe ng Landi 101? Mas mamatamisin ko pang tumulay sa nagbabagang alambre kaysa makulta ang utak sa pag-iisip kung paano landiin si Bryle!
Hindi kaya ako ihagis noon sa man-made pond sa sentro ng university 'pag napuno sa akin?
Nasa ganoon akong pagmumuni-muni nang bigla akong makaramdam na may nakatingin sa akin. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Wala naman akong makita. In fact, halos deserted na nga ang garden nang mga sandaling 'yon.
May mga nakatambay namang estudyante sa di kalayuan. And that's the operative word, kalayuan. Ibig sabihin walang sasaklolo sa akin nang mabilis kung sakaling may sumulpot na kidnapper mula sa mga halaman sa paligid.
Sa naisip ay bigla akong natakot. Parang gusto kong sigawan ang mga pobreng maya na nag-iingay sa itaas ng mga puno. Kung makakagawa man ng ingay ang sino mang may masamang balak ay wala akong maririnig. Hindi ako magiging handa.
Dali-dali kong iniligpit ang mga gamit kong nakapatong sa mesa. Nauna na kasing umuwi si Luna, biglang sinamaan ng pakiramdam. Dapat magkasabay kaming uuwi pagkatapos ng last period namin sa hapon. Kaso mo, ayon. Nasobrahan yata ng kain ng fish balls at isaw sa cafeteria.
Handa na akong tumakbo nang may maamoy akong mabango. Tinalo ng bango ang takot ko. I turned only to let out a small squeal that I instantly regretted. Sirang-sira ang ganda ko sa harap ni Bryle. Squealing like a pig is never attractive. Huhubells.
"Tigas talaga ng ulo mo, ano?" aniya sabay upo sa tabi ko.
"Ha?"
"Ang sabi ko sa 'yo noong huli tayong magkita, umalis ka na sa katawang 'yan."
Pabigla kong binagsak sa ibabaw ng mesa ang mga gamit ko. Pati bag kong nakasukbit sa mga balikat ko ay inilapag ko pabalik.
"Hindi ko nga alam kung paano eh!" maktol ko. Nakalimutan ko nang dapat pala ay nagpapa-cute ako dito.
Sorry Ianthe, I tried but I failed miserably.
Umiling si Bryle. May dinukot siya mula sa bulsa ng pantalon niyang maong. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang ipit-ipit niya ngayon sa mga daliri.
"Hala! Bawal ang manigarilyo sa loob ng campus! And are you even old enough to smoke?" tila nakasaksi ng live show na tili ko. Hindi ko naman intesyon pero kusang numipis ang boses ko. Tuloy tunog-maarte ako. Kainis.
Bryle put the cigarette between his cherry lips. Pinaningkitan niya ako ng mga mata.
"This are my lungs. I don't care about the rest even if they drop dead on my feet."
Did I mention that he's a top classed jerk? No? Oh well. He is. And what's frustrating is that he's a very good looking one.
Sinindihan niya ang sigarilyo hanggang sa magningas ang dulo. Humithit siya saka iniwas ang mukha, bumuga sa kabila. Sa kabila ng una kong pagkaeskandalo ay nag-sink in sa utak ko ang ikinilos niyang 'yon. Iniwasan niyang mapunta sa akin ang usok. My golly! Dapat na ba akong magpa-fiesta? Magpa-misa?
Concerned siya sa lungs ko. That's a first.
Napangisi ako. Na siya namang naabutan niya ang muli niya akong nilingon. Nasa kaliwang daliri na niya ang sigarilyo.
"What's that stupid grin for?"
"For you."
"Ano?"
Huli na nang ma-realized ko kung anong pinagsasabi ko. Agad akong nagkulay kamatis. Ano'ng for you for you pinagsasabi mo Bebang ka!
"W-Wala. Hindi ko rin alam kung ano'ng pinagsasabi ko. Diyan ka na nga!"
"Not so fast," aniya. Hindi rin naman ako nakaalis dahil hinatak niya ang laylayan ng blouse ko.
"Ano ba? Masisira ang uniform ko," reklamo ko.
"Ikaw eh. Upo ka nga d'yan."
Nakasimangot akong sumunod. Kahit nag-iinit pa rin ang mukha ay hinarap ko siya.
"Bakit ba kasi?"
"Gawin mo ulit 'yon," sabi niya.
"Ang alin?"
"Si Ianthe. Ilabas mo uli siya. Narinig ko siya noong nakaraan. Where is she? Bakit hindi ko siya naririnig?" sunod-sunod niyang tanong.
"Wala siya. Tulog."
Tinaasan ako ng kilay ni Bryle.
"Sigurado kang tulog? Baka ginawan mo na orasyon at tuluyang napalayas sa sarili niyang katawan? You're a witch, aren't you? And you're overstaying."
Inirapan ko siya.
"Grabe naman 'to mangbintang. Hindi ako witch, okay? Wala nga akong kahit na anong powers. Alin, kung mayroon lang, matagal ko nang ginawang palakang may kulugo si Khourtney at si Tita Pots, sampu ng angkan nila!"
"Nasaan nga siya? Kailangan ko siyang makausap."
"Wala nga. Kaninang pagkagising ko, gising siya. Pero sabi niya, gusto niyang magpahinga. Parang naubusan yata siya ng energy kahapon. Matagal kasi kaming nag-usap. Siguro kumakain 'yon ng energy or something."
"I see. That's possible."
Humithit uli si Bryle sa sigarilyo. Muli niyang ibinuga sa kabila ang usok. Habang ginagawa niya 'yon ay hindi ko mapigilan ang sariling pagmasdan siya. Ang guwapo kasi talaga ng kumag. Nakakainis! Bago pa niya ako mahuli sa ginagawa ay muli akong nagsalita.
"Ganito na lang, isulat mo lahat ng gusto mong sabihin. Tapos mamayang pagkagising niya ay ipapabasa ko sa kanya. Kasi kung sasabihin mo lang sa akin, malamang makalimutan ko ang ibang detalye. Mas maganda 'yong written."
Bryle scoffed. "Pahihirapan ko pa ang sarili ko."
"Tamad!"
Nagkibit-balikat siya. "Talaga namang nakakatamad magsulat. Voice record mo na lang habang nagsasalita ako."
“Bakit voice record? Video na lang,” angal ko.
Isang pitik sa noo na naman ang isinagot niya sa akin.
“Aray! Namimihasa ka na ah!”
“’Pag ‘di mo ako tinigilan…”
"Hmp! Sige na nga. Teka, kunin ko ang phone ko."
"Phone ni Ianthe kamo."
"Oo na! Kay Ianthe na kung kay Ianthe. Okay na? Happy?" sikmat ko.
'Pag kaharap ko pala si Bryle, nagiging bi-polar ako. Ang bilis mag-iba ng mood ko, diyos ko. Wala pa kaming kalahating oras na magkasama pero halos limang emosyon na nailabas ko. Ano na lang kaya kung abutin ng linggo, buwan, o kaya taon na kasama ko siya? Malamang lahat ng emosyon mararamdaman ko, mula sa basic hanggang negative.
Hindi siya kumibo. Hinintay niya akong mai-set up ang cellphone.
"Okay na, magsalita ka na," utos ko habang nakatapat sa mukha niya ang cellphone.
"Ilayo mo nang kaunti, halos nakadikit na sa mukha ko," angil niya.
"Eh, di ilayo! Arte nito. Ayan!"
Irap lang ang isinagot niya sa akin.
"Ianthe, I have some bad news for you. Hindi ko na dapat sasabihin 'to, kasi wala naman akong pakialam. But then, you're a good kid, though misunderstood. You saved my cat once and that's one of the reasons why I'm doing this. I heard from the grapevine that the Reaper has been looking for an escaped soul.” Tiningnan ako ni Bryle at pagkatapos ay sa hawak na sigarilyo lumipat ang mga mata nito. “Hindi ko lang alam kung sino sa inyong dalawa ang hinahanap niya.”
Sa narinig ay napamulagat ako. “W-Wanted kami?”
Hindi ako pinansin ni Bryle. He took another drag on his cigarette then blew the smoke up in the air.
“Apparently.”
Ayoko nang mag-record. Itinabi ko ang cellphone at umusod palapit kay Bryle. I clutched the hem of his sleeve, pulling at it with my thumb and forefinger.
“Uy…”
“What?”
“Ano’ng gagawin ko? Namin?”
Nagkibit-balikat si Bryle.
“Sabi mo wala ka nang babalikang katawan. I guess move on?”
“Sa kabilang buhay?”
Tinaasan niya ako ng kilay.
“You’re supposed to be dead, right? Natural sa kabilang buhay.”
‘Yong tingin ni Bryle para bang kinulang ako sa bitamina sa utak.
“Hindi ako pwedeng magpakamatay! Hindi ko katawan ‘to, ano’ng karapatan kong gawin ‘yon?” Napatayo ako, kuyom ang dalawang kamao.
“You asked me, I answered. Bakit parang kasalanan ko na naman?”
Para akong lobong tinusok ng aspile. Nawalan ako ng hangin. My shoulders visibly drooped. Tinalo pa nito ang sanga ng punong-kahoy na dinaanan ng bagyo.
“Hala…’pag nahuli ba kami ng Reaper ano’ng gagawin sa amin?”
“Eh di, ano pa? Samahan kayo dapat n’yong puntahan. Dalawa lang naman eh, sa langit o impiyerno.”
Pakiramdam ko ay binalot ako ng yelo. Totoong may impiyerno at langit? Mommy! Saan ako mapupunta? Hindi ako sure! Mabait ako madalas pero salbahe rin ako minsan. Lalo na sa pamilya Victoriano. Minsan kong nilagyan ng libag ang pagkain ni Tita Pots at ni Khourtney.
Ew, I know. But a girl’s gotta do what she can to survive. Sa pamamahay pa naman ng mga Victoriano ay Survivor ang tema ng buhay.
“M-May impiyerno?” halos malat ang boses ko nang magtanong.
Tumango si Bryle. “Oo naman. Bakit, hindi ka naniniwala?”
Umiling ako, sunod-sunod.
Bryle smirked.
“Umpisahan mon ang magdasal kung ganoon, dahil baka malasin ka at doon ka ihatid ng Reaper sa ibaba.” Tinuro ni Bryle ang lupa.
I don’t know why that smirk bothered me in ways I couldn’t put a name.