Panimula
"Walter, hawakan mo ang baywang ni Amber!" sigaw ng photographer habang sunod-sunod naman ang click ng kamera sa aming harapan.
Hinawakan ko ang baywang ng babaeng kapareha ko sa pagmomodel ng sikat na clothing line sa Pilipinas.
"Amber, ipatong mo ang mga kamay no sa kanyang dibdib at magtitigan kayo," saad pa ng photographer at sinunod naman ng babae.
Napatitig ako sa kanyang labi nang ipatong niya sa aking hubad na dibdib ang kanyang malambot na kamay habang kagat nito ang pang-ibaba niyang labi na tila inaakit ako.
Napalunok ako sa epekto ng kanyang ginawa sa akin.
Mapaglaro ang ngiti ng babae. Nang-aakit ito ngunit ayaw manghimasok.
Hinawakan ko ang kanyang hita saka iyon bahagyang inangat at base sa reaksiyon niya ay halatang hindi niya iyon inasahan.
"Nice, guys! That's intense. Give me more of it," saad pa ng photographer.
Ngumisi ang babaeng kapareha ko.
"Gusto mo 'yan, ah," bulong niya at ako naman ang nagulat nang ilapit niya ang kanyang mukha sa akin habang nakatitig siya sa aking labi.
Matangkad siya ngunit mas matangkad lamang ako ng halos anim na dangkal.
Naging mas mainit ang photo shoot nang maghiyawan ang mga nanonood na staff sa amin.
Hinapit kong muli ang baywang ng babae at bahagyang yumuko para abutin ang kanyang labi ngunit hindi sa paraang hahalikan ko siya, bagkus sa paraang nakaaakit sa kamera.
"Magaling ka rin," bulong niya habang inaayos ang kanyang malaswang damit.
"Hindi pwedeng ikaw lang ang magaling," sagot ko habang nakatingin sa kamera.
"Let's see," wika niya at nagulat ako nang tumalikod siya sa akin at idinikit ang kanyang likuran sa aking katawan.
Napalunok ako.
"Tuso ka, hmm," bulong ko saka tinumbasan ang pagpapainit niya ng aking katawan.
Pinulupot ko sa kanyang baywang ang aking mga kamay. Inangat naman niya ang isa niyang kamay saka humawak sa aking batok.
"Perfect! Isa pa!" saad ng photographer.
Ang huling kuha ay hindi na daring. Magkahawak-kamay lamang kami habang nakangiting nakatingin sa isa't isa.
Matapos ang shoot ay iniwan na lamang niya ako na tila ba hindi ako kilala at dumiretso na dressing room.
"Let's celebrate na! Hit na kaagad itong line dahil sa dalawa!" rinig kong saad ng manager ni Amber.
"Go ako!"
"Ako rin!"
"Sige na! Let's go na!"
Halos lahat ay um-oo sa celebration na sinasabi nila at maya-maya pa ay natahimik sila at napansing nakatingin ang ilan sa akin.
"Ekew be Welter-" ani ng isa at bigla naman itong pinutol ng isa pa. "Sis, huwag kang pabebe. Diretsohin mo na," saad nito at nagtawanan sila.
"Sama ka na sa amin, Walter. Ngayon lang naman ito," kumbinsi nila sa akin.
Lumabas si Amber, ang nakapareha ko kanina at kapapalit lang ng hapit niyang dress. Kaagad naman siyang nilapitan ng ilang staff.
"Miss Amber, tara inom?" tanong ng ilang staff habang inaayos ng kanyang personal assistant ang strap ng kanyang high heels.
Bumaling siya. "Sure!" mabilis na sabi niya nang hindi man lang pinag-iisipan iyon.
Napailing ako. Mukhang hindi marunong mag-ingat ang babaeng ito. Paano kung dumugin ng fans?
"Ikaw, Walter? Go ka ba? Sige na please," pag-uulit nila at mukhang hinihintay nila ang sagot ko.
"Ano ba, kahit tayo na lang kung ayaw niya. Let's dance and drink the night out!" saad ni Amber at bahagya akong nainis sa babaeng iyon.
Tumikhim ako. "Bakit sana hindi ako sasama? I am also one of the endorsers, right? Pupunta ako," saad ko at napangiti ang ilan.
"Perfect then!" hiyaw pa ng iba.
Hindi na ako pinansin ng babae at maarteng naglakad palabas kasama ang kanyang PA.
Tiningnan ko ang aking orasan at nakitang alas otso na ng gabi.
Kaya naman ay nagsilabasan na kami at dumiretso sa Drink and Dance Bar.
Kanya-kanya kami ng pwesto sa maluwang na VIP spot na ibinigay sa amin habang tahimik na pinagmamasdan ang mga kasama kong panay ang tungga ng alak, lalo na si Amber.
"Ito po, Miss Amber!" ani ng lalaking staff saka inabutan si Amber ng basong puno ng wine.
"Walter, ang tahimik mo naman. Let's drink," saad ni Andrei, isa ring model.
Inabot ko rin ang baso na may lamang matapang na wine saka ito tinungga.
Napuno ng hiyawan ang aming grupo nang tumayo ang isang babaeng kasama namin at sumayaw nang sumayaw. Nagsitayuan din ang iba at nag-sexy dance pa.
Lihim kong binalingan si Amber na mukhang may tama na habang nilalaro ang laman ng kanyang baso.
"Amber, hataw na!" sigaw ni Andrei kaya mabilis kong kinuha ang alak saka iyon tinungga. Sa mga tingin ni Andrei ay mukhang hindi maganda ang intensiyon nito sa babae.
"Wait!" nakangiting saad ni Amber at mabilis na tinungga ang alak bago tumayo saka inindayog ang mga baywang, sunod sa kanta.
Tila wala siyang pakialam kung pinagnanasaan na siya ng iba dahil sa dating niya. Lumalagablab.
Maya-maya pa ay nilapitan ako ng isa naming kasamang babae na tila lasing na rin dahil kumawala na ang inhibisyon nilang lahat sa katawan.
"Wanna dance?" tanong nito sa akin ngunit nanatili akong nakaupo dahil ayaw kong mawala sa aking paningin si Amber na tila wala na sa sarili dahil sa kalasingan.
"I can't dance," sagot ko at napuno ng asaran ang paligid.
Pinanood ko ang babaeng nakapikit na sumasayaw habang hawak nito ang isang bote ng alak sa kanyang kamay.
Tinungga niya ang alak na tila ba wala ng bukas kung kaya't matapos ang ilang sandali ay tutumba tumba na siya.
Biglang bumaling ito sa akin at mapaglarong ngumiti. "Dance with me," saad niya saka ako nilapitan.
Dahil sa kalasingan ay natapilok ito. Mabuti na lamang at eksaktong napaupo siya sa hita ako.
"Ooops, sorry," saad niya saka humalakhak.
Magkalapit ang aming mukha at amoy na amoy ko rin ang matapang na alak na kanyang tinungga.
Binigay nito sa akin ang bote ng alak na kanyang hawak. "Drink it," mando niya sa nakaaakit na boses.
Seryoso kong kinuha ang alak saka iyon tinungga ng dire-diretso. Ang lalamunan ko ay tila nagbaga sa tapang nito at matapos ng ilang sandali ay umipekto na ang alak sa katawan ko.
Hanggang sa sumapit ang oras. Ang mga kasama namin ay tulog na at ang iba naman ay kanya-kanyang alis na.
Nilingon ko ang PA ni Amber ngunit wala na sa aming mesa kaya naman ay iginiya ko siya sa labas, papasok sa aking kotse.
Inaantok na ang kanyang mga mata at napalunok ako nang ipatong niya sa aking hita ang isa niyang kamay habang binubuhay ang makina ng sasakyan.
"Hey, tell me your address at nang maihatid na kita," saad ko.
"Condo ko?" aniya saka tumawa. "Wala pa akong condo. Ayaw ng daddy kong bigyan ako ng kalayan. He wants to imprison me forever and that súcks," mapait na wika niya.
"Bring me at your place. I wanna be wild and freakin' free to this freakin' night," aniya kaya wala na akong nagawa pa.
Nang makarating kami sa condo ko ay mabilis ko siyang pinahiga sa aking kama. Iniwasan kong bumaling sa kanyang katawan dahil alam kong mag-iinit lamang ako.
Habang tinatanggal ko ang suot niyang heels ay naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking balikat.
Nakatingin na ito sa akin ngayon at ang mga mata niya'y iniimbitahan akong siilin ang kanyang mapupulang labi.
Unti-unti nagkalapit ang mukha namin sa isa't isa hanggang sa lumapat ang labi ko sa kanya kaya naman ay lalo kong nilaliman ang halik dala ng init na kanina ko pa pinipigilan.
Pinulupot niya sa aking batok ang kanyang mga kamay habang ang mga kamay ko ay kusang naglakbay sa mga parteng hindi pa naabot ng kamay ko sa kanyang katawan.
Hanggang sa lumalim nang lumalim ang aming halikan at sunod-sunod na pagpapakawala ng daing, nahanap ko ang mga katawan naming sinasayaw ang ritmo na dulot ng init ng katawan.
Naramdaman kong ako ang nauna sa kanya. Umiyak siya nang mapunit ang p********e niya kung kaya't bahagya akong inusig ng aking konsensiya dahil ang akala ko ay matagal na siyang hindi buo ngunit nagkamali ako.
Kinabukasan ay naramdaman kong bumangon siya kaya iminulat ko na rin ang aking mga mata.
Noong una'y nagulat siya ngunit matapos ang ilang sandali ay tila wala lang sa kanya ang nangyari sa amin kagabi.
Tahimik niyang isinuot ang kanyang damit at akmang lalabas na nang hindi man lang ako kinakausap.
"What?" iritableng sabi niya nang mapansing nakatitig ako sa kanya.
"Hindi ako mahilig sa cuddles. Anyway, what happened to us last night is just séx alone. I have to go. May shoot pa ako mamayang 3 pm," wika ni Amber.
"Tang...ina. mukhang ako pa na lalaki ang may gusto ng cuddles. Aalis ka na lang talaga, Amber? Hindi mo sasabihing panagutan kita kung sakaling magdalang-tao ka?" sarcastic na saad ko.
"Well, kahit first time ko. I could just consult the doctor kung anong pwedeng i-take na contraceptive," maikling wika niya saka ako iniwan.
What the heck is that?
Wala na ba talaga siyang pakialam?
Dàmn woman. I hope you won't be my rebellious temptation.