Kabanata 1
"Hindi pa rin natututo iyang kapatid mo, Noven! May kumalat na naman siyang litrato habang sumasayaw ng lasing sa isang bar!" bulyaw ni papa habang hawak ang iPad kung saan niya nakita ang mga litrato kong nagkalat.
Lahat na lang ay ginagawan ng issue ng mga tao.
Bumaling sa akin si kuya na kararating lang kanina sa bahay. "Where have you been, again? Bakit hindi ka nag-iingat Desie Amber Corpuz! Mainit ang mata sa atin ang media lalo na't isa kang Corpuz," saad niya kaya umirap ako habang tahimik na iniinom ang pineapple juice.
Nilapag ko ang baso sa mesa bago sila binalingan. "Masyado kayong ma-issue."
Tumayo ako at akmang papasok na sa elevator ng bahay ng pigilan ako ni papa gamit ang kanyang mga salita. "Iyan na ang sinasabi ko. Napakatigas kasi ng ulo mo, Amber! Sa susunod na gumawa ka ng eskandalo ay ako na mismo ang gagawa ng paraan para mawala ka sa showbiz at nang makapagfocus ka na lamang sa negosyo! Mabuti nga't pumayag pa ako na pasukin mo ang mundong iyan. Ang hinihiling ko lang sa iyo ay ang pag-iingat mo sa lahat ng bagay at hindi mo pa magawa!" galit na sabi ni papa.
Dahil sa narinig kong banta ay uminit ang aking tainga. "Huwag na huwag niyong pakikialaman ang gusto ko dahil buhay ko ito. Kung gusto kong gawing nakakaput*ngina ang buhay ko ay gagawin ko. Hindi niyo ako aso para gawing sunud-sunaran," mahina at galit ko ring wika.
"Amber, your words!" sabad ni kuya.
"Isa ka rin kuya. Palibhasa, naging sunud-sunuran ka. Well, ako, hindi ako magiging aso ng papa mo, oh, I mean, papa natin," wika ko at nagmartsa na papasok sa elevator.
Narinig ko ang sunod-sunod na mura at pagtawag ni papa sa akin ngunit hindi ko na siya pinakinggan pa.
My father has been trying to control me.
Ginagawa ko ang lahat nang sa ganoon ay hindi niya makontrol ang buhay ko. Nagawa kong lusutan siya sa pagmomodel dahil pinakita ko sa kanyang hindi ako interesado sa pagpapatakbo ng negosyo dahil wala doon ang aking puso.
Ilang sandali pa ay naisipan kong tawagan si Shane para magpatulong ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko.
Nagbihis na lamang ako at napagdesisyunang maghanap ng condo na hindi affiliated sa negosyo ng pamilya ko ngunit bigo ako dahil halos lahat ng malalaki at luxurious condo units ay pag-aari ng pamilya ko kaya malalaman at malalaman din ni papa iyon at pagbabawalan muli ako nito.
"Saan ka na naman pupunta? You should be staying home lalo na't kalat na naman ang litrato mo," saad ni papa habang nagbabasa ng diaryo. Ngayon ay kalmado na siya.
"Hindi pa ba kayo nasanay?" sarcastic na wika ko at nagmartsa palapit sa main door.
"Huwag mong pinapahiya ang pangalan ko, Amber. May kalalagyan ka," seryosong sabi niya ngunit hindi ko na siya pinakinggan.
Nakakatakot din magalit si papa dahil alam kong totohanin niya ang lahat. Ngunit hanggang kailan ako magpapasakal sa kanya? Hindi ko magawa ang lahat ng bagay na gusto ko dahil bawat galaw ko ay may nagmamasid.
Nilapitan ko ang aking kotse ngunit may naghihintay ng driver doon.
"Hindi ko ho kailangan ng driver," wika ko. Saka lamang ako nagpapahatid sa driver sa tuwing may shoot ako ngunit sa mga ganitong pagkakataon na gagala ako ay madalas akong mag-isa.
"Utos po ng papa niyo," ani ng driver kaya umirap ako sa kawalan.
"Baba na ho kayo, manong. Kaya ko na po ang sarili ko," magalang na kausap ko sa kanya kahit nawawalan na ako ng pasensiya.
"Hindi po talaga pwede, ma'am. Malalagot ho ako sa daddy niyo kung sakali." Naiintindihan ko naman siya ngunit talagang nauubos na ang aking pasensiya.
Maya-maya pa ay nilapitan ako ng dalawang bodyguards at mukhang alam ko na naman ang plano ni papa.
Ito ang aking parusa— Ang pabantayan ako sa mga bodyguard niya at driver.
Pumikit ako saka frustrated na sinabunutan ang sarili bago hinarap ang mga ito.
"Kung utos ng papa kong bantayan niyo ako, just grab another car, please. Ayaw kong kasama kayo sa kotse ko, please lang po. Hindi ako makahinga!"
Tumalima naman ang dalawang bodyguard at sumakay na rin sila sa isa pang kotse.
Bumaling naman ako sa driver. "Ako po ang magmamaneho kung ayaw mong bumaba." Nakita ko ang pag-a-alangan sa kanyang mukha ngunit wala rin siyang nagawa sa kagustuhan ko.
"Ano ho? Bababa kayo o ako na lang ang lilipat sa ibang sasakyan?" inis na wika ko.
"Lilipat na lang po ako sa loob, ma'am," aniya saka bumaba at lumipat sa loob ng sasakyan.
Tingnan lang natin kung masusundan pa ako ng mga bodyguards mamaya.
Dahil pasaway ako sa paningin ni papa, paninindigan ko na lamang. Makikita niya kung gaano katigas ang ulo ng kanyang anak na babae.
After all, breaking the rules doesn't make a person less of himself/herself. Breaking the rules is a challenge. Masyado akong naboboringan sa isang buhay na wala man lang kahit anong pagsubok.
Pinaandar ko ang sasakyan saka iyon dahan-dahang nilabas sa garahe.
Nang makalabas kami sa gate ay bigla kong hinarurot ang sasakyan at kita ko mula sa salamin ang gulat at takot na reaksiyon ng driver na pinasama ni papa.
"M-ma'am, dahan-dahan lang po. Malapit na po tayo sa national road," saad niya kaya napangisi ako. Bumaling ako sa side mirror at nakitang humahabol ang sinasakyan ng mga bodyguard.
Kaskasera na kung kaskasera. I love what I am doing right now. Pakiramdam ko ay malaya ako.
Hindi ako prinsesa para ituring nilang mahina at bantay-sarado pa ng mga sundalo. Gusto kong sarili ko ang tagapagligtas ko dahil alam kong hindi ako mahina at ayaw kong itrato akong mahina.
Ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho habang ngumunguya ng buble gum.
Ilang saksakyan din ang in-overtake ko.
"M-ma'am, ibaba mo na lang ako riyan!" rinig kong saad ng driver kong tila aatakihin na sa puso kung kaya't mabilis kong inapakan ang preno.
"Mabilis lang po akong kausap," nakangiting sabi ko at bumaba naman siya.
Nang maisara niya ang pinto ay ngumiti ako nang matamis dahil nagtagumapay akong pababain ang pinasamang alipores ni papa.
Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan at napansing sinakay ng mga bodyguard ang driver na binaba ko sa gilid ng kalsada kaya naman ay kailangan ko silang maiwala nang sa ganoon ay makagala ako mamaya ng payapa.
Nilusot-lusot ko ang sasakyan sa ibang lane hanggang sa bigla ko itong niliko kaya naman ay naiwala ko na ang mga sumusunod sa akin.
Matulin pa rin ang takbo ng kotse hanggang sa biglang p-um-reno ang sasakyang nasa aking harapan at bahagya kong nabangga ang likod nito. Mabuti at naapakan ko pa kaagad ang preno dahil kung hindi ay pareho kaming wasak ng kung sino man ang nagmaneho sa sasakyang nasa harapan.
Ginilid niya ang sasakyan kaya ipinarada ko rin ang sinasakyan ko sa gilid nang hindi makaabala sa daloy ng trapiko.
Sinuot ko ang aking sunglasses at cap bago lumabas saka hinintay na lumabas ang driver ng sasakyan.
"Ano ba iyan, tatanga-tanga sa kalsada!" inis na wika ko saka humalukipkip.
Lumabas ang driver ng kotse at nagulat ako nang makitang ang nakapareha ko sa photo shoot iyon at ang kaibigan pala mismo ng aking kuya, si Walter.
Napamura ako sa aking isipan dahil naaalala ko pa ang kababalaghan naming ginawa noong nilamon ng alak ang aming sistema.
"Ikaw pa ang galit, huh," saad nito.
Yumuko ako nang sa ganoon ay hindi niya ako makilala.
Wala siyang suot na sunglasses o cap kung kaya't malaking eskandalo ito kung sakaling makuhanan ang eksenang ito ng litrato.
"Kung hindi ka kasi tatanga-tanga sa pagmamaneho ay hindi mababangga ang sasakyan mo," saad ko.
"Ikaw ang may kasalanan, Miss. Pwedeng kitang ireklamo ng over speeding," seryosong wika niya.
Naisip ko ang kanyang sinabi.
Oo nga. Ako pala ang malalagot kung sakali.
"Oh, fine, sorry," wika ko at tinalikuran na siya dahil nakuha na namin ang atensiyon ng ibang tao sa kalsada. Ang iba'y kinukuhanan na kami ng litrato.
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng saksakyan nang hawakan niya ang aking kamay. "Saan ka naman pupunta? May atraso ka pa, Desie Amber Corpuz. Mahilig ka ring tumakbo, 'no? Matapos ang gabing iyon ay tinakbuhan mo na lang ako na tila wala lamang sa iyo ang nangyari sa atin. Ngayong nabangga ang sasakyan ko, tatakbuhan mo rin ako," aniya sa mababang boses at nagulat ako nang nakilala pala ako nito.
Napabaling ako sa seryoso niyang mukha habang pinagkrus nito ang kanyang braso kaya't putok na putok ang kanyang biceps.
"Ano ba, Walter. Para kang babaeng ninakawan ng puri. Mabuti nga't hindi na ako nagreklamo, 'di ba?" inis na bulong ko sa mahinang boses din.
"Now, pakawalan mo na ako," saad ko at hinaklit ang kanyang kamay.
Bago pa ako makasakay ay narinig ko ang ugong ng sasakyan ng highway patrol men saka kami nilapitan. Binaba nila ang kanilang mga helmet na suot at nilabas ang papel at ballpen.
"Anong problema rito?" ani ng isa saka nilapitan ang aming saksakyan.
"Ahh, maliit na aksidente lang po," wika ko at hindi alam ang susunod na sasabihin.
"Lisensiya mo ma'am," saad nito kaya kinuha ko ang bag ko sa loob ang aking kotse.
Tumikhim si Walter. "Hindi niyo na ho siya kailangang ticket'an. Ako ang may kasalanan dahil bigla akong nagpreno," wika niya.
Akala ko ay babanggitin niya ang tungkol sa matulin kong pagmamaneho ngunit hindi niya iyon binanggit kaya laking pasasalamat ko.
"Ayos ka lang, ma'am? May masakit ba sa iyo?" tanong pa ng isang medyo batang traffic enforcer kaya tumango ako.
"I'm fine po."
Laking pasasalamat ko sa suot kong cap at sunglasses kaya hindi ako nakilala ng mga ito.
"Teka, ikaw iyong sikat na modelo, ma'am, ah. Ikaw ba iyon, ma'am? Napakaganda mo pala talaga sa personal!" ani ng lalaki kaya umiling ako saka pekeng tumawa.
"Ay hindi po. Napakaganda naman no'n masyado para maging kamukha ko," wika ko ngunit kumontra kaagad si Walter.
"Tsk," si Walter.
"Can I go na po? May emergency kasi akong pupuntahan," palusot ko pa nang sa ganoon ay makaalis na ako.
"Sige, ma'am, pwede ka ng umalis," saad ng traffic enforcer bago ako sumakay sa kotse.
Nakatiim-bagang naman si Walter habang nakatingin sa aking sasakyan.
Parang nagka-utang na loob pa ako sa kanya ng wala sa oras. Well, hindi ko naman sinabing saluhin niya ako. It's all his fault naman kaya hindi pwedeng ako ang dikdikin niya.
Naawa ako sa kotse kong nayupi ng kaunti ang harap. Kapag nakita ito ni papa ay alam kong magagalit na naman iyon at sasabihing gumawa na naman ako ng eskandalo para dungisan ang pangalan niya.
Noong mga nakaraang buwan ay hindi pa alam ng marami na ako'y anak ng isang business tycoon ngunit kalaunan ay nalaman din ito ng publiko.
Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko at tumatawag si Catherine, ang manager ko.
"Hello? Amber!" bungad niya kaya kinabahan ako.
"Yes, Cath? Bakit?" tanong ko habang minamaneho ang sasakyan patungo sa condo unit na s-in-uggest ni Felly.
"I-check mo ang feed mo," wika niya kaya ginawa ko naman at bumungad sa akin ang nagkalat na litrato namin ni Walter sa tabi ng kalsada. Ang bilis!
"Ako nga iyon, Cath," kalmadong wika ko.
"Nako, nakong bata ka! Bakit hindi ka nag-iingat? Ma-suwerte ka't hindi kita ang mukha mo sa mga larawan. Ngunit alam kong ikaw iyon dahil kakulay ng kotse mo iyon at kaskasera ka sa kalsada," tila frustrated na sabi niya kaya tumawa ako.
"Relax, Cath. Lahat ng butas ay nalulusutan iyan," saad ko.
"Paano kung darating ang araw na hindi mo na malusutan? Amber, alagaan mo ang kasikatan mo ngayon bilang isang modelo. Bihira ang oportunidad na iyan," pangaral niya.
"O siya, basta't mag-iingat ka," dagdag niya pa bago binaba ang linya.
Tinawagan ko saglit si kuya ngunit si ate Lanielle, kanyang asawa ang sumagot nito.
"Hello?" aniya sa kabilang linya.
"Ate Lan, si Amber ito. Nasaan si Noven, I mean kuya?" tanong ko. Sinasanay ko ang sarili na tawaging 'kuya' ang nakatatanda kong kapatid. Nasanay kasi akong 'Noven' lang ang tawag ko sa kanya at sa tuwing tatawagin ko siya no'n ay palagi niya akong sinasaway.
"Ah, naligo saglit. Oh, heto na siya," aniya at rinig kong pinasa nito ang cellphone sa kuya ko.
"Yeah? Ano na namang kalokohan ang nagawa mo?" bungad niya kaya napairap ako.
"Hmm, I just had a little accident. I need another car," wika ko at kung narito lang siguro ang kuya ko ay nakita ko na naman ang pagkunot ng kanyang noo.
"Amber, ikaw ba iyong babae sa litrato kasama ni Walter?" kumpirmang tanong niya.
"Well, it's his fault."
"Dàmn it. Tinakasan mo na naman ang bodyguards kung ganoon."
"Huwag ka ng magalit kuya. Magpadala ka na lang ng tauhan mo sa address na isesend ko at isang sasakyan para may magamit ako. Bahala ka na kung anong gusto mong gawin sa sasakyan kong nayupi ang kaunting bahagi. Salamat."
"You, troublemaker—" saad niya pa ngunit pinatay ko na ang tawag.
Kahit na nagagalit siya sa akin ay alam kong hindi niya ako matitiis kaya thankful pa rin ako dahil may kuya akong kakampi sa mga pagkakataong hindi na makontrol ang galit ni papa.
Hinintay ko saglit ang sasakyang pinadala ni kuya sa kanyang tauhan at pinauwi ko na rin ang sasakyang ginamit ko kanina.
Hinanap ko ang owner ng building kung kaya't sa security na lamang ako natanong.
Suot ko pa rin ang aking sunglasses at cap nang sa ganoon ay hindi ako makilala.
"Excuse me po, may I know the owner of this building? Are there still vacancies here?"
Nagkamot ng batok ang security guard. "Ahh, pwede pong wikang Filipino, ma'am? Medyo tagilid ho kasi ako sa Ingles," saad niya.
"Okay, okay. What I mean is—" biglang naputol ang sasabihin ko nang marinig ko ang papalapit na yabag mula sa aking likuran at nang lingunin ko kung sino ang paparating ay bigla akong nakaramdam ng pagkainis.
Siya na naman. Si Walter na naman.
"Why are you here? Palagi ka na lang present kung nasaan ako. Huwag ako, Mr. Stalker. Hindi kita gusto," mataman ko sabi saka pinagkrus ang aking braso.
Blangko ang kanyang reaksiyon kung kaya't hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.
"Good afternoon, boss!" bati ng security guard kay Walter saka ako binalingan. "Siya iyong nagmamay-ari ng building, ma'am," mungkahi niya kaya napakunot ang aking noo sa narinig.
"He's the owner?" hindi makapaniwalang saad ko saka binalingan ang lalaking palapit na sa elevator.
"Yes, I am," malamig na wika niya nang hindi man lang bumaling sa akin. Humakbang ito papasok sa elevator kaya naman ay hinabol ko kaagad ito.
"Wait!" sigaw ko at muntik pa akong matapilok nang maapakan ko ang laylayan ng aking suot na long dress. Mabuti at napakapit kaagad ako sa kanyang balikat.
Tumayo ako nang tuwid saka nagsalita. "I want to have a unit here. How much is it?" diretsong tanong ko habang diretso rin ang mga mata sa pinto ng elevator na pasara.
"Wala ng bakante," maikling sabi niya kaya bumaling ako sa kanya.
Sa anggulo niyang nakikita ko ay malinaw rin ang detalye ng kanyang matangos at perpektong ilong, maging ang kanyang makapal na kilay at manipis na labi.
"Walang bakante, huh? Or namemersonal ka lang talaga?" mataman kong wika.
Bumaling siya sa akin at kitang kita ko na ngayon ang kabuuan ng kanyang mukha.
"Bakit hindi mo i-occupy ang isa sa napakarami niyong units? Hindi iyong manggugulo ka rito," seryosong wika niya at biglang umangat ang gilid ng kanyang labi kung kaya't kita ko ang maputi niyang ngipin.
"O baka naman ayaw kang payagan ng papa mo, baby princess?" nang-aasar na bulalas niya kaya bahagya akong nainis.
Bumukas ang pinto at nauna na siyang lumabas.
"Whether you like it or not, I will freaking occupy one of these units," saad ko saka mabilis na lumabas sa elevator at inunahan siya sa paglalakad saka kinalampag ang unang pinto at sunod sunod na iyon.
"What are you doing?" tila hindi makapaniwalang aniya sa aking ginawa.
"May karapatan akong kumuha ng unit dito! I will check it myself kung tunay ngang wala ng bakante," wiko ko saka pinagpatuloy ang pagkalampag ng units.
"Fine!" rinig kong wika niya at sumuko rin sa huli.
"You'll get the VIP unit. Just don't.... don't fvcking make a scandal here. Those units are already occupied and stop pestering those people inside," dagdag niya kaya napangisi ako at nagflip hair pa.
Sinundan ko na siya sa paglalakad para tingnan ang unit ngunit muli kong naapakan ang laylayan ng suot kong dress at ngayon ay nawalan na ako ng balanse sa pagkakatayo.
Kumalampag ang bag ko sa sahig kasabay ng pagbagsak ko kung kaya't nakangiwi kong hinawakan ang masakit na bahagi ng aking likod.
Hindi ko na rin namalayang nakabuka na ang mataas na slit ng dress sa aking hita at ngayon ay sandaling napatitig doon si Walter.
"Are you not gonna help me?" bulyaw ko sa kanya at mabilis naman niya akong nilapitan.
Hinawakan ko siya sa matitigas niyang braso at humawak naman siya sa aking baywang saka ako tinulungang tumayo.
"Sinasadya mo bang akitin ako?" bulong niya sa aking tainga at napalunok ako nang tumama roon ang kanyang hininga.
"Naaakit ka ba?"
"Oo..."
Tinitigan niya ako nang malalim at bumaba sa aking labi ang kanyang paningin.
"I want to kiss you," saad niya at nakita ko ang paggalaw ng kanyang adam's apple.
"Go on," sagot ko at hindi ko alam kung anong naisip ko sa mga oras na iyon kung bakit pa ako pumayag na magpahalik sa sa kanya while in fact, I ironically hate him.
Pagtatapos ng kabanata 1.