CHAPTER THREE- ONE LAST MOAN PART ONE (SPG)

2179 Words
CHAPTER THREE- ONE LAST MOAN PART ONE (SPG)     “Ano ang gagawin natin dito, Yheven?” kunot ang noong tanong niya rito nang bigla siya nitong yayain na umakyat sa Cellsite mountain. Actually, wala namang eksaktong pangalan ang bundok na aakyatin nila ngunit dahil doon nakatirik ang cellsite ng globe at smart ay iyon na ang ipinangalan ng mga tao. “Adventure,” maikling tugon nito bago siya kinindatan. Anak ng hotdog! Isang kindat lang iyon galing ditto ngunit pakiramdam niya ay agad nang nag-vibrate ang kanyang perlas sa ibaba. Alam mo feeling na para bang gusto niyang dambahin na lang ito bigla. “Siguraduhin mong masisiyahan ako sa adventure na ito dahil kung hindi ay kakagatin kita.” Umarte pa siya na parang aso dahilan para matawa ito. “Ako pa ba? Kailan pa ba kita binigo, langga?” natawa na lang siya sa nagiging usapan nila. Itinuon niya ang pansin sa magagandang tanawin sa labas ng kotse habang paakyat sila sa taas. Hindi pa ito nakontento sa burol lang. Hindi nga niya maintindihan kung bakit gusto nitong mamundok pero hinayaan na lamang niya ito. Pagdating sa taas ay nagulat siya dahil sobrang ganda pala roon. Marami na siyang narinig na maganda naman talaga ang tuktok ng Cellsite mountain ngunit hindi niya alam na ganoon iyon kaganda. Mas lalo pa siyang nagulat nang makitang mayroong farm ng mga pang sabong na manok doon. Sa gitna ng manukan ay may nakatayong malaking bahay na gawa sa kahoy. Para iyong second floor na bahay kubo na hindi direktang nakatayo sa lupa. Alam mo ‘yung typical na bahay kubo na may silong sa ilalim? Modern nga lang itong kay Yheven. Kita mula sa labas ang salas na nasa unang palapag dahil para iyong isang malawak na balkonahe. Para iyong palasyo na nakatayo sa ibabaw ng bundok. Ang paligid naman ay maraming puno ng akasya at mahogany. Tingin pa lang ngunit ramdam na niya ang masarap na pakiramdam ng mga taong nakatira dito. “Welcome to my farm,” wika nito matapos nilang tumigil sa harap ng gate na gawa sa kawayan. “Ano? Sa iyo ito?” gulat na tanong niya. “Yups. That is the reason why I want to bring you here. Actually, graduation gift ito ni mama sa akin. Sa susunod na buwan pa ang graduation pero inuna na niyang ibigay ang regalo niya dahil may aasikasuhin daw siya sa US next month kaya baka hindi siya makapunta.” “Wow naman. Ang bongga talaga mag-regalo kapag mayaman no? Naalala ko tuloy ‘yung batchmate ko. Sasakyan ang iniregalo sa kanyang noong graduation tapos trip to Maldives naman nang makapasa siya sa board exam.” “It’s more like a pampalubag ng loob dahil hindi siya makapunta. Sanay naman ako na wala siya during some important events in my life, small and big and I am used to it.” Tinapik niya ang balikat nito. Kahit kasi nakangiti ay halata niya ang lungkot ng mga mata nito habang nagku-kwento. “Don’t worry dahil ako muna ang papalit sa mama mo dahil wala siya. Sasamahan kita sa pagmartsa sa graduation mo.” “Really?” natatawang tanong nito. “Oo nga. Ako muna ang magiging nanay mo sa araw na iyon total, may pagkakatulad naman kaming dalawa.” Gumuhit ang isang pilyong ngiti sa labi niya. “Pagkakatulad?” “Oo. Magkatulad kaming napadede ka,” wika niyang natatawa bago mabilis na lumabas ng kotse nito at patakbong pumasok sa loob. “Never akong napadede ni mama!” sigaw nitong lumabas na hinabol siya. Pakiramdam niya tuloy ay para silang si Dawn Zulueta and Richard Gomez na naghahabulan sa pelikula. Feel na feel pa niya ang pagtakbo dahil sa bestida niyang nililipad ng malakas na hangin. Nang maabutan siya nito ay agad siya nitong pinaliguan ng halik sa pisngi hanggang sa leeg hanggang sa nahiga na sila sa damuhan. “Baka may makakita sa atin dito?” ani niya habang habol ang hiningang nakasabunot sa buhok nito habang sinisibasib nito ng halik ang leeg niya. “No one is here. Pinauwi ko sila dahil naisipan ko kanina na dalhin ka rito,” wika nito na saglit munang tinigilan ang ginagawa. “I want you, Sybelea. .” Muli siya nitong kinintalan ng masuyong halik sa noo. “I want you too, Yheven,” ani niya at siya naman ang kumintal ng halik dito. “You are making me crazy wild down there but let’s go inside first. Ipagluluto kita ng paborito mong laswa. May pinabili akong mga gulay kanina sa tauhan ko bago siya umuwi. ” Gusto pa sana niyang magreklamo nang tumayo na ito. “Marunong kang magluto?” “Of course. Nang mag-dorm ako ay wala akong choice kundi ang matutong magluto para sa sarili ko. Kung hindi ako nag-aral magluto siguro ay wala akong abs ngayon. Wala ka sanang  eight packs abs na pandesal na mahimas-himas ngayon.” natawa siya sa sinabi nito. “At syempre, malalaman mo mamaya na hindi lang ako magaling kumain, magaling din akong magluto.” Kumindat pa ito sa kanya na parang nang-aakit. “Baliw!” “Baliw sa iyo, langga.” Muli siya nitong hinalikan nang mabilis sa labi bago hinawakan sa kamay at hinila papasok sa loob ng bahay. Kung sa labas ay namangha na siya sa simple ngunit napaka-detalyadong disenyo ng bahay, pagpasok sa loob ay mas lalo pa siyang namangha. Ang hagdan pa lang paakyat sa mismong bahay ay nakaka-tulo laway na talaga. May mga tila hieroglyphics pang naka-carve sa kahoy. Pagka-akyat sa taas ay bumungad sa kanila ang salas na puno ng mga sari-saring palamuting gawa sa kahoy. Pati upuan ay gawa rin sa kahoy. May mga banga sa bawat sulok ng salas at kung anu-ano pang mga antigong koleksyon na nakalagay sa loob ng mga estante. Nagbibigay ng museum vibes sa kanya ang kabuuan ng salas ni Yheven. Sa ikalawang palapag naman ay may dalawang kwarto at terrace kung saan kitang-kitang ang kabuuan ng Capizo. Ang cellsite Mountain kasi ang pinakamataas na bundok sa lugar nila kaya mula roon ay nakikita niya halos lahat ng sulok ng Capizo. “Baka matunaw na ako sa mga tingin mo.” “Huh?” gulat na bulalas niya nang bigla siya nitong tapikin. Nagluluto kasi ito ng laswa samantalang siya naman ay nakapalumbaba lang na nakatingin sa mga ginagawa nito. Mula sa paghiwa ng mga ingredients hanggang sa pagluto ng mga side dishes. Tulad ng sabi nito, marunong nga itong magluto dahil amoy pa lang ay naglalaway na siya. “You are spacing out. Dahil ba iyan sa kagwapuhan ko?” biro nito. “Alam mo, ang galing mo talaga sa mga pick up line. Pinag-aaralan niyo ba iyan sa library?” “Hindi naman. I’m born like this. Anyway, day off mo sa byernes, right? Magpapasama sana ako sa iyo na bumili ng polo na gagamitin ko for baccalaureate at graduation.”  Saglit siyang nag-isip. Wala nga siyang duty sa araw na iyon ngunit may naka-set na siyang gagawin. Plano niyang bumili ng ireregalo rito. “Sure naman. Ikaw pa ba, malakas ka sa akin,” pagpayag na lamang niya. Hindi naman sila siguro aabutin ng gabi sa pamimili. Pagkatapos na lang nilang mamili siya maghahanap ng panregalo.         ****     “Grabe! Busog na busog ako dahil sa sarap mong magluto, Langga,” wika niya habang himas-himas ang bundat na tiyan. Halos hindi na siya makapaglakat nang maayos dahil pakiramdam niya ay sasabog na iyon sa sobrang kabusugan. Hindi nga siya makapaniwala na nakaya pa niyang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Doon nila naisipan tumambay habang iniinom ang binili nitong wine kanina. Naglatag sila ng kumot sa lapag at nagdala rin ito ng mga mga pulutan na mani at curls. “Iyan kasi, sabi ko naman sa iyo na huwag mo nang ubusin dahil pwede naman natin iyong kainin bukas.” Napatingin siya rito. “Dito tayo matutulog ngayon?” “Bakit, ayaw mo ba?” nang-aakit nitong hinalikan ang balikat niya. Lihim siyang napamura dahil sa kuryenteng hatid niyon sa buong sistema niya. Pakiramdam niya tuloy ay matatae na siya dahil sa ginawa ni Yheven. “Gusto syempre pero hindi kasi ako nakapag-paalam kay Nat. Siguradong mag-aalala iyon kapag hindi ako makauwi ngayon.” “I’ll text her. Inform ko siya na magkasama tayo ngayon. Don’t worry, sasabihin kong safe ka sa akin.” “Ako na lang ang magte-text,” ani niya. Naiisip pa lang kasi niya na si Yheven ang magte-text ay naiimagine na niya ang magiging reaksyon ng kaibigan. Baka kung ano pa ang kabulastugan na sasabihin nito kay Yheven na ikakasira ng dignidad niya. “Okay. Siyanga pala, may ibibigay ako sa iyo.” Tumayo ito at pumasok sa isang kwarto na naroon. Paglabas nito ay may dala itong isang libro. “Here,” iniabot nito sa kanya ang libro. “Ano to?” “Book?” sinimangutan niya ito. “It is one of the best book when it comes to communication for couples. Sinulat iyan ni Sue Johnson na isang sikat na psychologist para mga adult romantic relationships. It is a good read.” “Sige, babasahin ko ito kahit english. Magtatabi na lang ako ng dictionary para maintindihan ko,” biro niya. Mahilig naman siyang magbasa ngunit mga pocketbook lang na tagalog pero hindi siya nagbabasa ng mga english novels. “Thank you, Langga.” Inilapag niya iyon sa gilid niya. Muli itong naupo sa gilid niya. “ Ang ganda ng langit,” anas nito pagkuwan. Tumingala rin siya para tingnan ang kalangitan. Tulad ng sabi nito, ang ganda nga ng langit dahil wala man lang kahit isang ulap doon at lalo pang nagpadagdag sa kagandahan ang liwanag na nanggagaling sa buwan. “Oo nga…” anas niya. “Pero mas maganda ka,” bigla siyang namula sa sinabi nito. “Mas maganda pa sa kahit anong bituin sa kalangitan. You are most brightest thing for me, Sybelea. Hindi ko makakaya kapag nawala ka sa akin,” seryoso ang mukha nitong nakatitig sa kanya. “At hindi ko rin kayang mawala ka sa akin, Yheven.  Akala ko nga ay tatanda na akong dalaga mabuti na lang at dumating ka sa buhay ko. Noong hiniling ko sa langit na sana bigyan niya ako ng isang lalaking mamahalin ko habang buhay, sabi ko kahit pangit ay okay lang sa akin ngunit mas higit pa sa hiniling ko ang binigay niya. Noong araw na nakilala kita, nabasa ko sa horroscope ko na kung sino man ang unang lalaki na makikita mo sa ilalim ng isa puno ay siyang makakatuluyan ko habang buhay kaya sigurado ako na may forever tayong dalawa.” “Sobrang mapaniwalain ka talaga sa mga ganyan, ano?” “Oo naman. Halos lahat ng hula sa akin ay nagkakatotoo mula pa noong bata pa ako kaya super fan talaga ako ng mga hula at mga horroscope na iyan. Feeling ko nga minsan parang nahahawa na ako kasi nahuhulaan ko kung ano ang mangyayari sa akin. Alam mo ‘yung parang instinct lang ngunit nagkakatotoo?" “Pero mahuhulaan mo ba kung ano ang gagawin ko ngayon?” “Ano-” hindi na niya natapos ang mga sasabihin dahil tinawid na nito ang pagitan nila at masuyong siyang hinalikan na agad naman niyang ginantihan. Parang biglang nawala lahat ng discomfort na dala ng sobrang kabusugan niya dahil sa nakakahalina nitong mga halik. “Yheven….” “Hindi ko alam kung anong meron sa iyo pero nakakaya mong  guluhin ang puso at isip ko. Kapag kasama kita ay wala na akong maisip na iba pa, tanging ikaw lang. You make me happy to the point na hindi ko na naiisip na malungkot ako dahil halos wala nang oras ang parents ko sa akin. You made me a different person, Langga. You are the other half that completed me whole,” wika nito bago siya muling hinalikan. Sa pagkakataong iyon ay mas mapusok ang halik na ginagawad nito sa kanya. Halos lamunin na yata nito ang buong bibig niya habang ang mga kamay nito ay nagsisimula nang pumasok sa loob ng t-shirt na pinahiram nito sa kanya. Tinanggal nito ang pagka-hook ng kanyang bra, dahilan para kumawala ang kanyang tayo-tayong mga dibdib. Marahan nitong pinisil-pisil ang kabuuan ng kanyang dibdib hanggang sa ang korona na mismo ang pinaglaruan ang mga daliri nito. Bigla siya napaliyad dahil sa sensasyong dulot niyon sa kanya. “Yheven….” mahinang anas niya. Ramdam niya kaagad ang malakas na pintig kanyang p********e. Sabi nga nila, kapag daw hindi nag-vibrate ang tahong mo sa mga ganito ka-intimate na sitwasyon ay palitan mo na lang ang jowa mo. “Syb….” anas din nito na may inabot sa gilid nang magkahiwalang ang kanilang mga labi na isang can ng delmonte pineapple juice at..snowbear?” kunot ang noong napatingin siya rito. Nauuhaw ba ito? Bakit kung kailan malapit nang humiwalay ang kaluluwan niya sa kanyang katawan sa sobrang sarap ay saka nito naisipang uminom ng juice at kumain ng snowbear?     ---to be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD