CHAPTER TWO-THE PROMISE

1807 Words
CHAPTER TWO- THE PROMISE       “Wow, akala ko bumaba ang araw dito sa lupa at nag-anyong tao, Syb.” natatawang wika sa kanya ng bestfriend niyang si Natalia nang makita siyang pababa ng hagdan. “Saan mo ba binili ang damit na iyan?” natatawa pa rin na dagdag nito. “Alam mo, Nat, kung walang magandang lalabas diyan sa bunganga mo ay mas mabuting itikom mo na lang iyan. Ayokong mahaluan ng bad vibes ang araw ko dahil according to my horoscope ay swerte ako ngayong araw at ang lucky color ko-“ hindi na niya naituloy ang mga sasabihin dahil sumaligbat na ito. “Yellow. Alam ko, Syb. Sa damit at sapatos mo palang, alam ko na. For sure, pati panty at bra mo kulay dilaw din.” Hindi nga ito nagkakamali dahil halos lahat ng kulay ng damit, sapatos at mga panloob ay mayroon siya. Ang suot niya bawat araw ay nakadepende sa kanyang lucky color of the day. Marahil ay naimpluwensiyahan siya ng kanyang nanay na tulad niya ay wagas din kung maniwala sa horoscope at mga hula-hula. Maraming beses na rin kasi na nagkatotoo ang mga hula sa kanya at nangyayari nga ‘yung nakalagay sa kanyang horoscope. Tulad kahapon, ang sabi ay lucky color niya ang red at sinuwerte nga siya dahil nakakain siya ng napakasarap na “hotdog” Hindi tuloy maiwasang mag-dekwatro ng upo dahil pakiramdam niya ay nagnginig bigla ang kanyang ensaymada sa ibaba. “May tama ka!” nakita niyang napairap na lang ang kaibigan sa sinabi niya. “Siyanga pala, baka gabihin ako ngayon dahil, alam mo na, may date kami ni Yheven, Anniversary namin.” wika niya bago naupo sa kaharap na upuan. “Ngayon na ba ‘yun?” tanong nito bago nilapag sa mesa ang kaluluto lang nitong sinangag at wow, hotdog. Hindi mapigilang mamula nang maalala ang nangyari sa kanilang dalawa ni Yheven kagabi. Napatakip siya ng bibig para pigilan ang sariling ngumiti. Napakagat siya nang labi habang pinagmamasdan ng hotdog na niluto ni Natalia dahil pumapasok sa isip niya ang “hotdog” ni Yheven. “Ay hotdog!” bulalas niya nang pitikin nito ang noo niya. “Hoy! Para kang timang diyan, alam mo ba iyon? Para kang nanonood ng porn habang nakatingin sa hotdog. May laway pang tumulo sa gilid ng labi mo. Salita ako nang salita rito tapos hindi ka nakikinig” “Wala naman e.” napasimangot na wika niya matapos pahiran ang gilid ng labi. “Ano ba ang sinasabi mo?” tanong niya. “Si Mang Bryan, galit na pumunta rito kanina. Tinanong kung may aso ba tayo. Sabi ko wala eh wala naman talaga tayong alagang aso rito.” “Bakit daw?” tanong niya bago humigop ng kape. “ Yung palayan daw niya parang may mga asong naglaro dahil ang lapad ng bahagi na nakadapa na ang palay. Hindi lang daw basta nakadapa dahil para raw nagpagulong-gulong talaga doon. Malay natin kung baka ibang aso ‘yung naglaro roon.” muntik na siyang masamid dahil sa sinabi ng kaibigan. May naglaro nga roon ngunit hindi aso kundi sila ni Yheven. Hindi niya namalayan na sobrang lapad pala ang nagawa nilang “kama” kagabi ni Yheven. Bigla tuloy siyang naawa sa mga asong napagbintangan kahit wala naman talagang kasalanan. Hindi bali, sa susunod ay yayayain niya si Yheven na mag-dog style sila para kahit paano ay makabawi sila sa pagsira nila sa pangalan ng sangkaasuhan sa lugar nila. “Naku, baka hangin na malakas lang.” Palusot niya. “Baka, siguro,” wika nito bago naupo sa harap niya. “Siyanga pala, baka uuwi ako ng Dinggon sa sabado. Si mama kasi tumawag na na-miss na raw niya ako. Alam mo naman, only child kaya kahit super busy ako sa trabaho ay wala akong choice kundi umuwi sa amin. Gusto mo bang sumama?” saglit siyang napa-isip. Medyo malayo kasi sa kabihasnan talaga ang lugar nina Natalia. Hindi pa siya nakapunta roon pero basi sa mga kwento nito ay aabutin sila ng halos tatlong oras raw biyahe sa bus at maglalakad pa sila ng halos isang oras papasok sa mismong baranggay. “Tamang-tama at day-off ko sa lunes at martes pero pag-iisipan ko muna.” “Okay…” magsasalita pa sana siya ngunit biglang tumunog ang kanyang cellphone. Text galing sa kanyang langga Yheven. Agad niyang binasa ang message nito.     “Good morning, langga. Kumusta ang iyong tulog at balakang? Grrr. Nandito na pala ako sa simbahan.”   Hindi niya mapigilang matawa dahil may emoji pang talong at parang ulan ang dulo ng text nito. “Wala na. Nabaliw na naman sa pag-ibig ang aking friendship. Nakatingin na naman sa kawalan ang babaeng muntik nang tumandang dalaga mabuti na lang at naawa ang Diyos sa kanyang kabibe. ,” wika ni Natalia ngunit binigyan niya lang ito ng nag-iinggit na tingin. “Maghanap ka na rin kasi ng magbubukas niyang kabibe mo,” biro niya rito bago inubos inumin ang kanyang kape. “Bye na at naghihintay na si langga ko.” “Enjoy, bruhilda.” Napailing na lang ito. “Adios mi amiga!” nagflying kiss pa siya sa kaibigan bago kinuha ang payong na kulay dilaw sa loob ng kanyang kulay dilaw din na bag. Wala siyang paki-alam kung pinagtitinginan man siya ng halos lahat dahil sa kanyang get up attire. Sanay na rin kasi siya. Ang bansag nga sa kanya ay “Madam Terno”. People will talk about you ‘ika nga nila pero hindi naman iyon makaka-apekto sa kung sino ka. Ang importante ay wala kang inaapakang tao, physical, emotional or spiritual man. Nang marating niya ang labasan ay dali-dali siyang nagpara ng tricycle papuntang Capizo Plaza. Ayaw niyang paghintayin ng matagal ang kanyang langga.        ***   Pagkababa ng tricyle ay agad niyang hinanap ang kanyang kasintahan na si Yheven. Napangiti siya nang makita niya itong parang modelo na nakasandal sa motor nito na nakapark sa gilid ng simbahan. Marami ang nagsasabi na swerte siya rito dahil maliban sa graduating na sa kursong Libraray Science at galing sa pamilya na edukado ay ubod pa ito ng bait. Kung mukha naman ang pagbabasehan ay may itsura rin naman ito at malakas ang s*x appeal. Marami pa ngang babae na nagpapansin sa nobyo niya kahit na alam naman ng lahat na may relasyon sila.  Mas lalong lumapad ang ngiti niya nang makita siya nito. Parang bata na kumaway siya rito bago binilisan ang mga hakbang papunta sa kinaroroonan nito. “Langga!” excited na tawag niya rito. Langga kasi ang tawagan nilang dalawa na ang ibig sabihin ay mahal. Salitang hiligaynon iyon at noong una niyang narinig ay agad niyang nagustuhan. Sinalubong siya nito ng mahigpit na yakap at halik sa noo. Nahiya pa nga siya dahil linggo at maraming tao pero nang maamoy niya ang napakabango nitong perfume ay bigla siyang nawalan ng paki sa paligid nila. Parang gusto niya tuloy itong hubaran. “How’s my sunflower?” natatawang biro nito sa kanya matapos siyang pasadahan ng tingin. Kunwari namang naiinis na inirapan niya ito. “Just kidding. Shall we go inside?” tanong nito sa kanya. “Vamonos, everybody let’s go.” Magkahawak-kamay silang pumasok sa loob ng simbahan. Isa pa ito sa ugali ni Yheven na pinakagusto niya- ang pagiging relihiyoso. Ito pa nga palagi ang nagyayaya sa kanya na magsimba. Tulad ng inaasahan ay agaw pansin na naman siya. Halos lahat yata ng mga mata ay nakatutok sa kanila habang naghahanap sila ng bakanteng upuan. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa suot niya o dahil sa kakisigan ng kanyang nobyo. Nang makahanap na sila ng mauupuan ay agad nitong hinawakan ang kamay niya. “Kita mo ang altar na iyan?” turo nito sa bandang harapan nila. “Kapag naka-graduate, nakapasa sa board exam, at nakahanap na ako ng trabaho ay ihaharap kita riyan. Pinapangako ko.” “Asus…” kunwaring inirapan niya ngunit sa totoo lang ay gusto na niyang tumili nang malakas dahil sa kilig na nararamdaman. “Seryoso. Ayokong pakawalan ka pa.” “Hihintayin ko ang pangakong iyan, langga. Pero kapag hindi mo ginawa,” inilapit niya ang bibig sa tenga nito. “ay wala nang iba pang makakakain ng hotdog mo dahil puputulin ko iyan.” Pagbabanta niya ngunit tumawa lang ito nang mahina. Hinalikan lang nito ang kamay niya bago tinuon ang buong atensyon sa misa na nagsisimula na.         ***     “Ano ‘to?” nagtatakang tanong niya nang may ibinigay itong isang mahabang kahon sa kanya na nakabalot sa isang nakapagandang wrapper. Matapos nilang mag-simba ay niyaya siya nito sa Capizo Hill na siyang pinakamataas na lugar sa buong Capizo. Dito siya nito palaging dinadala dahil gustong-gusto raw nitong pagmasdan ang buong Capizo na kitang-kita mula roon. Maging siya ay nagustuhan na rin ang lugar na iyon dahil maliban sa maganda na ang view ay wala pang masyadong may pumupunta dahil medyo malyo iyon kung lalakarin ngunit madali lang kapag may sasakyan. “Buksan mo. Anniversary gift ko iyan para sa iyo.” Excited na wika nito kaya walang nagawang binuksan na lamang niya iyon. “Hayop! Ano ito, Yheven!” nanlaki ang mga matang bulalas niya nang makita kung ano ang laman niyon. “Wine glass ‘yan.” Natatawang wika nito sa kanya. “Seryoso ka ba talaga na ito ang regalo mo sa akin?” itinaas niya ang wine glass na regalo nito. Sino ba naman ang hindi maloloka eh, hindi lang iyon normal na wine glass dahil hugis “manoy” iyon at kulay pula pa talaga. “Oo nga, langga. Nakita ko sa shopee at nagbayad pa talaga ako ng mahal para lang mai-deliver kaagad ngayon.” “Loko ka talaga.” Napailing na lang siya. “What about you? Ano ang regalo mo sa akin?” kinuha niya sa bag ang pinasadya pa talaga niyang pulseras na gawa sa jade. “Tada!” “Ano ‘yan?” “Bracelet. Dalawa ang pinagawa ko para tig-isa tayo,” aniya habang nilalagay rito ang bracelet. “Mabisa itong panlaban sa mga masasamang elemento at parang good luck charm na rin.” “Mapaniwala ka talaga sa mga ganito, ano?” “Oo naman. Wala namang masama kung maniniwala ako. Baka nakakalimutan mo na kaya kita nakilala ay dahil suot ko ang love necklace na binili ko sa isang mangyan.” “It’s the fate that pulls us together, Langga.” “Parang ganoon na rin iyon.” “Oo na. Kahit kailan talaga, hindi ka magpapatalo sa usapan. But anyway,” may kinuha ito mula sa backseat ng kotse. “Bumili ako ng wine to celebrate our first anniversary.” Mukhang kahit hindi siya umiinom ng alak ay talagang mapapasubo siya lalo pa at wine glass palang ay masarap na. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD