Chapter 17 HANGGANG SA makauwi ako ng apartment, baon ko pa rin ang tanong ni Marge. Why am I sad? Hindi ko rin alam ang sagot sa mga tanong na ito. Ang nasa isip ko ay takot ako sa manika, na takot ako kay Dom. Hindi ko na alam kung bakit ang tingin ni Marge ay malungkot ako. At hindi ko na rin alam kung bakit ngayon ko lang napagtatantong malungkot nga ako at hindi natatakot. Napakunot ang noo ko at muling hinalungkat ang bag ko. Binaliktad ko na iyon nang paulit-ulit pero hindi ko talaga mahanap. "Nasaan na 'yon? Bakit kasi dinala ko pa sa school eh," bulong ko. Naibato ko na lang sa tabi ang bag ko dahil sa inis at pag-aalala. Napatigil ako sa paghalungkat sa mga gamit ko nang may maalala. Nailapag ko iyon sa lamesa ni Marge! Dali-dali kong hinanap ang phone ko at nagtipa. Kail