Chapter 18 DUMATING ANG araw kung saan kami magbubukas ng school para sa mga outsiders. Kailangan pa rin ng mga kaibigan ko ng kasama bago sila papasukin ng guards. Kahit na sabihing open kami sa mga outsiders, may limitations pa rin naman. Kaya naman napatakbo ako sa gate nang may nag-chat sa 'kin. Nandito na ang mga luka-luka! Ang dalawa kong baliw na kaibigan. "Guys!" tawag-pansin ko sa kanila. Agad silang napatingin sa gawi ko na palabas ng gate. "My gosh, Apol! Inamag na kami rito!" bulalas ni Wrain, hinawi pa ang kulot na buhok para maipakita ang pagkairita. "Sorry." Natawa ako. "Hindi ko inaasahan na mapapaaga kayo," sabi ko. "Hindi na kami filipino time 'no!" bulalas naman ni Hanna, my other kulot friend. Mas maputi siya kumpara kay Wrain pero parehong laging nakasigaw. "O