Chapter 2

1606 Words
Chapter 2 PIPIKIT-PIKIT AKONG PUMASOK sa room namin. Sobrang ingay ng mga kaklase ko pero hindi naging sapat iyon para magising ang diwa ko. Sana ay wala kaming quiz ngayong araw dahil tiyak na wala akong maisasagot. Hindi yata ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari. Ni isang oras ay wala. Parang pumikit ako saglit tapos nag-alarm na agad ang phone ko. Para tuloy akong dilat na langaw ngayon. “Bes!” Napatalon ako sa kinatatayuan ko nang biglang may pumalo ng balikat ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa bigla. Inirapan ko naman siya at saka hindi pinansin. Nauna akong umupo sa silya ko sa bandang likod malapit sa back door. Sumunod naman ang babaita kong kaibigan. “Bes, sorry na! Umalis kasi kami kagabi. Nag-dinner kami sa labas,” aniya. Umupo siya sa tabi kong silya sa kanan. “Alam mo naman si Mama, no cellphone sa harap ng hapag.” “Okay,” sabi ko. "Nag-text ako sa 'yo. Nabasa mo?" Dinukot ko naman ang phone sa bulsa ng blouse ko. Wala na akong oras kanina para mag-check ng messages dahil late na rin ako natapos mag-asikaso ng sarili. Margarette Santos Monday 10:05 PM Marge: Bes! Sorry din. Umalis kasi kami kanina kaya hindi kita nareplyan. Marge: Nandiyan ka pa? Uy! Okay lang. Pinapatawad na kita. Kasalanan ko rin naman kasi lagi kitang pinagti-tripan. HAHAHA! 11:02 PM Marge: Good night na, bes! See you na lang bukas. Nagpangalumbaba ako sa mesa ko matapos iyong basahin. Binalik ko na sa bulsa ko ang phone at saka tumitig sa pisara. Pero mayamaya ay napapikit na lang din ako dahil sa sobrang antok. “Mukhang puyat ka ah? Ano nangyari do’n sa manika?” tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin. “Sabi ko na sa 'yo talaga galing ‘yon eh!” Inakmaan ko pa siyang papaluin pero agad naman siyang nakalayo. “Hindi nga ako!” bulalas niya. “Wala akong manika at wala akong pambili.” Natawa pa siya sa sinabi niya. “Eh kanino pala ‘yon, aber? Ikaw lang naman mahilig man-trip sa 'kin?” “Oo nga, alam ko. Pero swear, ‘di talaga ako ‘yon. Maputol man ‘tong mga kuko ko, hindi talaga ako ‘yon.” Pinakita pa niya sa ’kin ang bagong manicure niyang mga kuko. Kung dati ay nagbabagang pula iyon, ngayon naman ay parang bahaghari iyon dahil sa rami ng kulay. “Huwaw, Margarette! Patay ka kay Sir Archie kapag nakita ‘yan. Siya mismo ang tatabas niyan.” “Grabe sa tabas! Kung ‘di ko naman ipapakita, ‘di niya matatabas ‘to, ‘no!” Muli ko siyang inirapan. Wala na talaga akong magagawa sa pasaway kong kaibigan. Basta kapag nahuli siya, walang damayan. Ayan ang usapan namin sa tuwing may kalokohan siyang gagawin. Siya lang dahil good student ako. NANG MAG-LUNCH time ay hinatak na agad ako ni Marge sa canteen. Sabay-sabay kasi ang lunch ng lahat ng mga batch kaya unahan panigurado sa upuan. Kapag wala kang nakuha, sa labas ka maghahanap kung saan may mga bench na walang silong. Masunog na kung sino ang masusunog sa ilalim ng araw dahil bawal kumain sa loob ng room. Minsan nga ay ito ang sasabihin ko sa mga survey: Kulang sa upuan ang canteen. Pero dahil may pagka-The Flash ang kaibigan ko, naka-secure agad kami ng mauupuan. Ako ang tagabantay ngayon kaya agad siyang pumila para maka-order. Kinalikot ko naman ang phone ko habang naghihintay. Nang makarating siya ay nagsimula na kaming kumain nang mabilis. Nakakahiya naman kasi sa mga naghihintay para makaupo at makakain. Ngunit bago pa man ako makapagsauli ng tray ay nahagip agad ng aking mga mata ang isang gwapong nilalang. Naglalakad siya papasok sa canteen nang mag-isa. Matangkad na halos nasa anim na talampakan, hindi ganoon kalaki ang katawan pero hindi rin naman payat, maputi rin siya, isa sa mga dahilan kaya naagaw niya agad ang pansin ko. Kulay asul ang malungkot niyang mga mata. Ang matangos niyang ilong ay bagay na bagay sa mapupula niyang mga labi. Nahiya naman ang labi kong kailangan pa ng lip tint para lang magkakulay! Pumila siya sa likod ng mga kaklase kong bibili pa lang ng pagkain. Halos tingnan ko na si Charmaine nang masama dahil ang swerte niya. Mukhang naramdaman niya rin ang presensiya ng lalaki kaya naman napalingon siya. At ang babaita! Hindi man lang itinago ang kilig at nagtitili pa sa harap niya. Napangisi na lang ako nang wala man lang reaksyon ang lalaki. Pero hindi ko alam kung bakit ko ‘yon ginawa. Napatikom tuloy ako ng bibig nang dumako ang tingin niya sa ’kin. “Tara na, Apol! Marami pang uupo.” Hinatak na ako ni Marge kaya wala na akong nagawa. Iniwan ko na lang ang tray malapit sa counter habang nagnanakaw pa rin ng tingin sa gwapong lalaki. Nang makalabas tuloy kami sa canteen ay saka ako nagtitili. Mabuti na lang at malayo kami sa teacher’s office. “Nakita mo ba ang lalaking ‘yon? Napakagwapo!” bulalas ko. Nagitla naman si Marge sa naging reaksyon ko. “Lahat naman ng lalaki gwapo para sa ’yo.” Natawa siya sa sariling komento. Hinampas ko siya sa balikat nang hindi kalakasan. “Iba ang isang iyon! Parang isang character sa manga na lumabas dito sa mundong ibabaw. Ano kayang pangalan niya, ‘no?” “Bakit hindi mo itanong? Diyan ka naman magaling, ‘di ba?” “Iba nga ‘to! Pakiramdam ko eh mahirap siyang abutin. Kaya baka hanggang tingin na lang ako.” Napanguso ako dahil sa sinabi ko. Totoo naman kasi. Iyong mga nagiging crush ko dati ay hindi naman kagwapuhan kaya madaling makausap. Tapos kapag naging crush na rin nila ako, uncrush na agad. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit. Siguro masaya lang talaga ako kapag nagkaka-crush pero kapag seryosohan na, iwas na ako agad. Wala na rin kasing thrill kapag may crush na sa 'yo ang gusto mo. Kwento pa rin ako nang kwento kay Marge kung gaano kagwapo ang nakita namin hanggang sa makarating kami sa room. Tango lang naman siya nang tango at hindi na nagkokomento. Ganyan naman siya lagi. Kung sinusuportahan ko siya sa kahit anong kalokohan niya, tamang support lang din siya sa pagpapantasya ko sa mga lalaki. “Kapag nagkita kami sa susunod, kakausapin ko talaga siya. No matter what it takes!” bulalas ko. Napatingin din ang ilang mga kaklase ko dahil sa pagsigaw ko pero hindi naman nagkomento. “Okay, okay, sabi mo eh.” Napabuntonghininga na lang siya. HANGGANG SA MAG-UWIAN ay siya lang ang topic ko. Hindi naman umaangal si Marge kaya tuloy lang ako. Siya pa nga itong laging nang-aasar na hindi ako mapapansin ng lalaking ‘yon. Tingnan na lang natin. ‘Di niya rin kasi sure. Nagpaalam na kami sa isa’t isa dahil marami kaming assignments ngayon. Saka ko na ulit pagpapantasyahan ‘yong lalaki. Pero ano kaya ang pangalan niya? Nang makarating sa apartment, dahan-dahan pa akong pumasok. Nakahinga lang ako nang maluwag nang hindi ko na makita pa ang manika. Baka nga talagang guniguni ko lang iyon. Baka sa sobrang pag-inom ko ng kape ay ninenerbyos na ako at nagha-hallucinate. Nang matapos akong kumain ng dinner ay hinanda ko na ang mga takdang aralin na gagawin. Pero dahil maaga pa, nag-scroll muna ako sa f*******:. Naisipan ko namang mag-chat kay Marge. Syempre, hindi pa rin ako maka-move on sa lalaking nakita ko. Margarette Santos Tuesday 5:28 PM Apol: Bes!!! OMG KINIKILIG PA RIN AKO KAPAG NAAALALA KO SIYA. SYET! Apol: Ang gwapo-gwapo niya, 'di ba? Taena, kinikilig ako! Marge: Kalma, bes! May natuklasan ako. Apol: Ano? Kyah! Marge: Dom Baltazar ang name niya. Classmate ni ate. Apol: Luh! E 'di mas matanda sa 'tin? Marge: Aba malay ko! Pwede ring ka-edad natin. Tapos sa sobrang talino, nag-skip na. Apol: Baliw! Posible ba 'yon? Marge: FYI. Pwedeng-pwede. Apol: Thanks, bes! At least alam ko na name niya. Dom Baltazar. Dom lang talaga? Hindi ba Dominic? Sinubukan ko siyang i-search sa f*******: pero wala namang lumalabas. Kung meron man ay puro page lang. Mukhang sikat si Dom pero madalang ang mga litrato. Puro confessions lang ng mga nagkakagusto sa kaniya. Margarette Santos Tuesday 5:48 PM Marge: Ge. Nagawa mo na ba assignment? Apol: Hindi pa. Pakopya! Marge: Baliw talaga! Marge sent you a photo. Ayan na, paraphrase mo na lang. Apol: Thank you, besung! Hulog ka ng langit! Marge: Ihulog pa kita riyan, e. Ge na mag-uurong pa ko. Apol: Sipag. Pag-urong mo rin nga ako. Marge: ./. Natawa na lang ako sa huli niyang chinat at nag-off na. Kailangan ko pa ring gawin ang ibang subjects sa sarili ko. Alam niya kasing bobo ako sa English kaya pinapakopya niya ako. Paraphrase lang ang katapat nito. Matapos kong gumawa ng assignments ay agad akong nakatulog. Halos kalahating oras yata akong nakatulala sa kisame nang may marinig akong tunog sa bintana ng kwarto. Halos mapatalon ako nang nasundan iyon ng isa pa. Parang may batong hinahagis doon. Hindi iyon ganoon kalakas para mabasag ang salamin ng bintana pero sapat lang iyon para pabilisin ang t***k ng puso ko. Nagtalukbong ako at sumigaw, “Tigilan mo na ako, please!” Matapos ang naging pagsigaw ko ay nawala na ang tunog. Pero hindi na ako umalis sa ilalim ng kumot ko. Nasa ganoong ayos lang ako hanggang sa makatulog ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD