Little brat, naisaloob ng saleslady habang nakangiti.
Simangot na kinuha ni Precious ang nakasabit na puting gown sa dresser, sinuri pagdaka'y pahapyaw na inihagis sa sahig. "Ugly. Yuck. Ugh!"
Nanatiling nakangiti ang saleslady na kanina pa nakasubaybay sa mag-ina. Hindi nito gusto ang magtrabaho rito pero medyo apektado ito sa mga pang-iinsultong lumalabas sa bibig ni Precious. She still cared for this company.
"Precious, honey, this is Mamita Dress Shop, the best kids' clothes boutique here in Laguna," pag-aalo ni Doña Lilia. Ramdam na nito ang bahagyang pangingirot ng ulo gawa ng stress sa nangyaring eskandalo kanina sa kanilang kumpanya na kinasangkutan ng ilang mga nagwelgang empleyado. Dumagdag pa si Precious na tila pinaglihi yata nito sa bulkan. Marahan nitong nasapo ang sentido. "I'm sure makakahanap tayo rito ng perfect dress para sa iyong 13th birthday. "
"You're right, Ma'am," sang-ayon ng saleslady. Pasulyap-sulyap ito sa mga alahas na suot ng Doña. Nakakaamoy ito ng malaking tip mula rito. "Lahat po ng klaseng de kalidad na mga damit, nandito, Ma'am."
"Fabulous." Nginitian ni Doña Lilia ang saleslady. "But please, call me Doña Lilia, not Ma'am."
"Sure, er, Doña Lilia."
"Dreadful!" Pabalang na binagsak ni Precious ang hawak na gown sa sahig. "This place is ugly. I don't like this place!" Nanlilisik ang mga mata na tinapunan ng bata ng tingin ang saleslady. "You work in here, right? You're supposed to be helping me find my clothes!"
"O-Of course. Sure," nauutal na tugon ng saleslady.
"Para akong nasa oven. It's so hot in here. Nalulugi na ba itong pangit na shop n'yo kaya nagtitipid kayo sa aircon?"
"Oh, I'm so sorry to hear that, little one. I-"
"Alangang matuwa ka pa." Inikot ni Precious ang mga mata. "Gosh! Mom, what kind of place is this. Outrageous."
"Watch your language, honey," wala sa loob na saway ni Doña Lilia habang pinagmamasdan ang mga mamahaling bag na pawang nakasabit sa isang sulok.
"The hell I will," ismid ni Precious sabay nguso.
"I'll come back in a minute, honey. Titingin lang ako ng mga bag."
"Whatever," bulong ni Precious sa hangin.
"Here, let me help you, little one," pormal na wika ng saleslady. Marahan nitong pinulot ang gown na nakakalat sa sahig sabay sabit sa hanger. "Ano bang klaseng birthday dress ang hinahanap ng magandang prinsesang tulad mo? Tell me."
"Gusto ko ng damit na babagay sa isang magandang prinsesang tulad ko. Damit na kaiinggitan ng lahat ng kaklase ko since lahat sila ay imbitado sa birthday party ko. I want that kind of dress. And I want it now, slave!"
Slave! Nakuyom ng saleslady ang kaliwang kamao. Kung hindi lang masama ang pumatol sa bata, malamang kanina pa nito isinabit sa hanger si Precious at ibinilad sa labas habang may karatulang nakasabit sa leeg na nagsasabing Spoiled Brat Ako: Huwag Pamarisan. Kids these days. Mga lapastangan at walang galang. Mali si Rizal: Wala ng pag-asa ang bayan. Generation Z sucks!
"Is that so? Sure, hahanap tayo ng birthday dress na babagay sa 'yo. Let me assist you-"
"Oh, thanks! I thought that's what you're being paid for, anyway. Duh!"
"But of course," nagtitimping wika ng saleslady. Unti-unting nalulusaw ang pekeng ngiti sa mga labi nito. Wala ng silbi pa ang magkunwaring ayos lang rito ang lahat. She was dealing with a demon child.
"Bigyan mo 'ko ng damit na maganda. Something fabulous and cute. Catch my drift?"
Kinuha ng saleslady mula sa dress stand ang isang pink floral dress at inilahad sa harapan ni Precious. "Try this one, little one. I think it suits-"
"Are you freaking mad?"
"Excuse me?"
Taas ang kilay na hinablot ni Precious ang damit mula sa kamay ng saleslady.
"This is a trash."
"Trash?"
"I don't want to look like one of those poor kids in the street. Give me something elegant and fancy, not a trash."
"But that is not a trash."
"Sure. This is-" Binagsak ng bata ang hawak na damit. Lumagpak ito sa paanan ng natigilang saleslady. "-not a trash."
Nanggalaiti ang mga ngipin ng saleslady. Gustung-gusto na nitong lapitan at yugyugin na parang manika si Precious hanggang sa lumabas ang masamang elementong sumasapi rito. Imposibleng magkaroon ng ganitong uri ng bata sa totoong buhay. Sa mga pelikula lang ang mga ganitong eksena. Pero totoo lahat ng nangyayari ngayon. Hindi isang pelikula o bangungot. This girl was a demon child. And this demon child was bullying her like a grown-up b***h, God help her!
"Don't just stand there, silly. Ihanap mo 'ko ng damit."
Silly! Pigil na ng saleslady ang pagluha. Magpapakamanhid na lang ito ngayon at aaktong parang walang narinig na pang-iinsulto mula kay Precious. Kailangan nitong magpakakalmante at magpaka-professional. She couldn't afford to lose her job. Mahirap makakita ng trabaho ngayon.
Nakangiti ang mga mata ni Precious habang nakikipagtitigan sa saleslady.
"Here, try this one," alok ng saleslady sabay kuha sa itim na gown. "Bagay ang kulay itim sa 'yo. It suits you." Kasing-itim ng ugali mo, naisaloob nito habang inaabot sa bata ang nasabing gown.
Hindi kinuha ni Precious ang iniaabot ng saleslady bagkus ay tinitigan lang habang nakakunot ang noo.
"I don't like to wear black dresses. Don't you know that?"
"I'm afraid I don't, sweetheart. I-"
"Are you serious?"
"I'm as serious as a heart attack, little one. Besides, paano ko naman malalaman? I don't even know-"
"I'm the most popular girl in my school. I'm famous on i********:. I have 5,000 followers. Paano nangyaring hindi mo alam ang likes and dislikes ko? You should know that, stupid!"
Parang sinuntok sa sikmura ang saleslady sa narinig. Slave. Silly. And now stupid? Inappropriate! This girl was going too far.
Marahang binaba ng saleslady ang kamay na may hawak ng gown, mga mata nito'y mistulang mga tulos na nakapako kay Precious.
"W-What did you just say?"
Inikot ni Precious ang mga mata.
"Maglinis ka nga ng ears mo. Ang sabi ko, stupid ka."
Nagpantig ang dalawang tainga ng saleslady sa narinig. She couldn't contain her anger anymore. There is limit to how much she can take!