bc

Ang Bestfriend kong Robot

book_age18+
15
FOLLOW
1K
READ
dark
princess
drama
tragedy
comedy
twisted
humorous
mystery
scary
small town
like
intro-logo
Blurb

Mahilig sa robotics ang siyam na taong gulang na si Princess. Kaya naman pangarap niya ang makalikha ng isang robot na magtatanggol sa kanya laban sa bully niyang nakatatandang kapatid na si Prince. Lalong umigting ang kanyang pagnanais na maisakatuparan ang kanyang pangarap nang walang awang sirain ni Prince ang kanyang nililikhang robot. Sa gitna ng paghikbi at nagpupuyos niyang kalooban ay naisigaw niya ang mga katagang "Just wait and see, Kuya Prince. I will finish my robot and it will defeat you!"

Isang araw, habang nag-iisa sa kanilang tahanan, isang malakas na pagbagsak ang gumising sa natutulog na si Princess. Sa kanyang pagsisiyasat, natuklasan niya ang isang walang malay na nilalang na nakahandusay sa kanilang bakuran: isang batang lalaki na kasing-itim ng uling at may nagbabagang mga mata. Malinaw na bumagsak ito mula sa langit. Isang robot, sigaw ng isip ni Princess habang pinagmamasdan ang estranghero. Dahil sa angkin niyang talino at kaalaman pagdating sa robotics, matagumpay niya itong nakumpuni at napagana.

404 ang pangalan ng robot. Naging kaibigan niya ito at pagdaka'y naging tagapagligtas laban sa kanyang kapatid na si Prince. Tinuruan niya si 404 kung paano maging mabuti at matulungin sa tao. At kung paano nito gagamitin ang natatanging abilidad sa ikabubuti ng nakararami.

Lingid sa kaalaman ni Princess, likha ng isang baliw at masamang scientist si 404. Nilikha ito upang maging special weapon ni Professor Radike. Gusto nitong mapasakamay at masakop ang buong Isla Kahel maging ang buong Pilipinas gamit si 404. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, sumabog at bumagsak ang sinasakyang private jetplane ng Professor at ni 404. Tanging si 404 lang ang nakaligtas na nagtamo ng matinding pinsala, na kalaunan ay nag-malfunction at bumagsak sa bakuran nina Princess.

Isang araw, may naganap na bank robbery at hostage-taking sa kanilang lugar. Dala ng pakiusap ni Princess,  pumayag si 404 na puntahan ang nasabing bangko para iligtas ang mga hostage. Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, pinatay ni 404 ang mga holdaper. Dumanak ang dugo, at maging ang ilan sa mga pulis na rumesponde ay napaslang ng robot. Nakita ito lahat ni Princess sa telebisyon. At nang makitang pabalik na sa kanilang tahanan ang napinsalang si 404, agad na humingi ng tulong si Princess kay Prince. Mabilis silang umalis at nagtungo sa kalapit na kagubatan upang magtago. Lingid sa kaalaman ni Princess, pinagpaplanuhan siyang patayin ni Prince, at palalabasing aksidente. Sa loob ng kagubatan, natagpuan nila ang isang matandang ermitanyo na tumulong sa kanila upang takasan si 404. Saktong papatayin na ni Prince si Princess nang biglang lumitaw si 404 hawak ang bangkay ng kanilang ina. Bulag sa matinding galit, sinugod ni Prince ang robot. Walang alinlangan itong pinaslang ni 404. Mabilis na tinungo ng matandang ermitanyo si Princess at sinubukang itakas, subalit nasugatan ito ni 404 sa binti. Bago patayin, inihayag ni 404 sa matanda at kay Princess ang balak niya na sakupin ang buong isla maging ang buong Pilipinas gaya ng matagal nang pangarap ng kayang tagapaglikha. Gagawin nitong totoong prinsesa si Princess at magkasama nilang paghaharian ang buong sangkatauhan, bagay na tinutulan ni Princess. Nang papatayin na ni 404 ang matandang ermitanyo, saka lang naalala ng matanda ang kanyang nakaraan...Ito pala si Professor Radike na inakala ni 404 na nasawi na mula sa bumagsak nilang eroplano. Nalagutan ng hininga ang matanda, at ilang minuto lang ay tuluyan na ring sumabog si 404.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Little brat, naisaloob ng saleslady habang nakangiti. Simangot na kinuha ni Precious ang nakasabit na puting gown sa dresser, sinuri pagdaka'y pahapyaw na inihagis sa sahig. "Ugly. Yuck. Ugh!" Nanatiling nakangiti ang saleslady na kanina pa nakasubaybay sa mag-ina. Hindi nito gusto ang magtrabaho rito pero medyo apektado ito sa mga pang-iinsultong lumalabas sa bibig ni Precious. She still cared for this company. "Precious, honey, this is Mamita Dress Shop, the best kids' clothes boutique here in Laguna," pag-aalo ni Doña Lilia. Ramdam na nito ang bahagyang pangingirot ng ulo gawa ng stress sa nangyaring eskandalo kanina sa kanilang kumpanya na kinasangkutan ng ilang mga nagwelgang empleyado. Dumagdag pa si Precious na tila pinaglihi yata nito sa bulkan. Marahan nitong nasapo ang sentido. "I'm sure makakahanap tayo rito ng perfect dress para sa iyong 13th birthday. " "You're right, Ma'am," sang-ayon ng saleslady. Pasulyap-sulyap ito sa mga alahas na suot ng Doña. Nakakaamoy ito ng malaking tip mula rito. "Lahat po ng klaseng de kalidad na mga damit, nandito, Ma'am." "Fabulous." Nginitian ni Doña Lilia ang saleslady. "But please, call me Doña Lilia, not Ma'am." "Sure, er, Doña Lilia." "Dreadful!" Pabalang na binagsak ni Precious ang hawak na gown sa sahig. "This place is ugly. I don't like this place!" Nanlilisik ang mga mata na tinapunan ng bata ng tingin ang saleslady. "You work in here, right? You're supposed to be helping me find my clothes!" "O-Of course. Sure," nauutal na tugon ng saleslady. "Para akong nasa oven. It's so hot in here. Nalulugi na ba itong pangit na shop n'yo kaya nagtitipid kayo sa aircon?" "Oh, I'm so sorry to hear that, little one. I-" "Alangang matuwa ka pa." Inikot ni Precious ang mga mata. "Gosh! Mom, what kind of place is this. Outrageous." "Watch your language, honey," wala sa loob na saway ni Doña Lilia habang pinagmamasdan ang mga mamahaling bag na pawang nakasabit sa isang sulok. "The hell I will," ismid ni Precious sabay nguso. "I'll come back in a minute, honey. Titingin lang ako ng mga bag." "Whatever," bulong ni Precious sa hangin. "Here, let me help you, little one," pormal na wika ng saleslady. Marahan nitong pinulot ang gown na nakakalat sa sahig sabay sabit sa hanger. "Ano bang klaseng birthday dress ang hinahanap ng magandang prinsesang tulad mo? Tell me." "Gusto ko ng damit na babagay sa isang magandang prinsesang tulad ko. Damit na kaiinggitan ng lahat ng kaklase ko since lahat sila ay imbitado sa birthday party ko. I want that kind of dress. And I want it now, slave!" Slave! Nakuyom ng saleslady ang kaliwang kamao. Kung hindi lang masama ang pumatol sa bata, malamang kanina pa nito isinabit sa hanger si Precious at ibinilad sa labas habang may karatulang nakasabit sa leeg na nagsasabing Spoiled Brat Ako: Huwag Pamarisan. Kids these days. Mga lapastangan at walang galang. Mali si Rizal: Wala ng pag-asa ang bayan. Generation Z sucks! "Is that so? Sure, hahanap tayo ng birthday dress na babagay sa 'yo. Let me assist you-" "Oh, thanks! I thought that's what you're being paid for, anyway. Duh!" "But of course," nagtitimping wika ng saleslady. Unti-unting nalulusaw ang pekeng ngiti sa mga labi nito. Wala ng silbi pa ang magkunwaring ayos lang rito ang lahat. She was dealing with a demon child. "Bigyan mo 'ko ng damit na maganda. Something fabulous and cute. Catch my drift?" Kinuha ng saleslady mula sa dress stand ang isang pink floral dress at inilahad sa harapan ni Precious. "Try this one, little one. I think it suits-" "Are you freaking mad?" "Excuse me?" Taas ang kilay na hinablot ni Precious ang damit mula sa kamay ng saleslady. "This is a trash." "Trash?" "I don't want to look like one of those poor kids in the street. Give me something elegant and fancy, not a trash." "But that is not a trash." "Sure. This is-" Binagsak ng bata ang hawak na damit. Lumagpak ito sa paanan ng natigilang saleslady. "-not a trash." Nanggalaiti ang mga ngipin ng saleslady. Gustung-gusto na nitong lapitan at yugyugin na parang manika si Precious hanggang sa lumabas ang masamang elementong sumasapi rito. Imposibleng magkaroon ng ganitong uri ng bata sa totoong buhay. Sa mga pelikula lang ang mga ganitong eksena. Pero totoo lahat ng nangyayari ngayon. Hindi isang pelikula o bangungot. This girl was a demon child. And this demon child was bullying her like a grown-up b***h, God help her! "Don't just stand there, silly. Ihanap mo 'ko ng damit." Silly! Pigil na ng saleslady ang pagluha. Magpapakamanhid na lang ito ngayon at aaktong parang walang narinig na pang-iinsulto mula kay Precious. Kailangan nitong magpakakalmante at magpaka-professional. She couldn't afford to lose her job. Mahirap makakita ng trabaho ngayon. Nakangiti ang mga mata ni Precious habang nakikipagtitigan sa saleslady. "Here, try this one," alok ng saleslady sabay kuha sa itim na gown. "Bagay ang kulay itim sa 'yo. It suits you." Kasing-itim ng ugali mo, naisaloob nito habang inaabot sa bata ang nasabing gown. Hindi kinuha ni Precious ang iniaabot ng saleslady bagkus ay tinitigan lang habang nakakunot ang noo. "I don't like to wear black dresses. Don't you know that?" "I'm afraid I don't, sweetheart. I-" "Are you serious?" "I'm as serious as a heart attack, little one. Besides, paano ko naman malalaman? I don't even know-" "I'm the most popular girl in my school. I'm famous on i********:. I have 5,000 followers. Paano nangyaring hindi mo alam ang likes and dislikes ko? You should know that, stupid!" Parang sinuntok sa sikmura ang saleslady sa narinig. Slave. Silly. And now stupid? Inappropriate! This girl was going too far. Marahang binaba ng saleslady ang kamay na may hawak ng gown, mga mata nito'y mistulang mga tulos na nakapako kay Precious. "W-What did you just say?" Inikot ni Precious ang mga mata. "Maglinis ka nga ng ears mo. Ang sabi ko, stupid ka." Nagpantig ang dalawang tainga ng saleslady sa narinig. She couldn't contain her anger anymore. There is limit to how much she can take!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Cold Heart [On-Going ]

read
39.8K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
250.5K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
98.3K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
69.1K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook