*Gabbie's POV* "Andito na ako" Sumilip ako ng bahagya sa may divider na naghahati sa sala at kusina ng condo ni Rafael. Himala wala pang 6 pm pero nasa bahay na ang isang ito. Maysakit siguro. "Ang aga mo ata," binalikan ko na lang ulit yung niluluto kong ulam para sa gabing iyon. Maaga kasi akong nakauwi mula sa hospital kanina. Intern na nga pala ako sa hospital malapit dito sa Condo ni Rafael. Pinipilit ko talagang makakuha ng magandang schedule para kahit papaano ay mabantayan ko pa rin si Ami. Ang hirap din pala. Nanay-Asawa-Estudyante pa ako. Para na akong si Wonder woman, multi-tasking. Sa loob ng 6 na buwan ay wala namang nagbago sa pakikitungo ni Rafael sa akin. Pero as usual manhid na naman ito. Tsaka yung declaration nito sa school. Talagang hindi ko makalimutan iyon. Dahi