*Gabbie's POV* Para akong si Lutang matapos naming mag-usap ni Maddie. Iniwan na ako ng kapatid ni Raf dito sa Cafe. Nagising ata ako sa lahat ng sinabi ni Maddie sa akin. Kailangan kong bakuran ng napakataas si Rafael. Sige na nga. Tanggap ko na Alam ko naman na wala talaga siyang nararamdaman sa akin. Pero kapag ganitong nasasaktan ako, ay wala na akong pakialam. Ang alam ko lang ay dapat sa akin lang si Rafael. Kahit tanggalin ko pa ang buhok ng babaeng Andrea na iyon. I raised my chin sabay dampot ng bag na dala ko. Uuwi ako agad. Kaunting panahon na lang naman at makakatapos na ako tapos kahit hindi na muna siguro ako kumuha ng board exam. Pero para namang inusig ako bigla ng utak ko. Hindi pwedeng ipagpaliban ko ang pangarap ko basta-basta lamang. Hindi pwede. Nag-lapag ako n