*Gabbie's POV* Para akong namatanda sa biglang pagsulpot ni Andrea. Nakatitig ako sa kanya, mukha siyang mabait pero yung boses niya nung nakausap ko siya sa phone ay sobrang kakaiba. Mataray yung dating. "Miss." Tawag niya ulit sa akin. Kinurap ko muna ang mga mata ko bago siya sinagot ulit. "Y..yes?" Gosh! Bakit nawawala ako sa sarili habang nakaharap sa babaeng ito. Ano bang meron at parang may aura siya na hindi ko maintindihan. Nakaka-intimidate. Nakakapanliit. "I'm asking your name." nakalahad pa rin ang kamay nito sa harap ko. Tinitigan ko iyon ng matagal. Maganda ang mga kamay nito at ang hahaba ng daliri niya. Ang ganda rin ng kutis niya. Perpekto siya. Bakit kaya sila naghiwalay ni Rafael. Kumpara sa amin dalawa ay isa lang akong latak na hindi dapat pinapansin ni Raf. "