*Gabbie's POV* So many quiet walks to take So many dreams to wake and there's so much love to make I think we're gonna need some time Maybe all we need is time And it's telling me it might be you All of my life Kanina ko pa sinasabayan ang kantang iyan. Favorite ko ata ang It Might be You na iyan, pero parang ngayon ko lang siya nabigyan ng magandang meaning. Nakangiting lumingon ako kay Rafael na nag-da-drive ng kotse. Papunta kami kasi ngayon sa Tagaytay. After kasi ng pagkapanalo ng grupo nito sa basketball ay bigla na lang nito ako tinakas sa Victory party at siyempre isang kakaibang bagay na naman ang ginawa namin. Mag-asawa kami so why not? Grabe ang saya ko. Sobrang peaceful na ng buhay namin. Pakiramdam ko wala na talagang manggugulo sa amin. Lumingon sa akin si Rafael.