Gabbie's POV* Dress rehearsal ba talaga ito? Parang wedding na ang nangyayari. Yan ang nasa isip ko habang iginagala ko ang tingin sa loob ng Pavilion kung saan ako pinapunta ni Mama Sessille, kasama ko nun si Ami, wala si Raf dahil may gagawin daw yung tao. "Parang ang gara naman masyado ng dress rehearsal na ito, Maddie." baling ko kay Maddie na walang ginawa kundi ngumiti sa lahat ng nakikita. Dala na nito ang gown niya. Ang sabi sa amin ay by 6 PM ang dress rehearsal at alas-dos y media na ng hapon kaya gumayak na kami patungo sa Pavilion ni Maddie. "Naku ate, ang angkan ata namin ang hindi alam ang salitang 'umaga' nagtataka nga rin ako kasi dress rehearsal tapos almost gabi na take note kailangan nakaayos pa tayo. Iba rin ang sumasanib sa mga kamag-anak ko." Napapalatak pa ito p