Chapter 3:

1603 Words
Sunod-sunod na ungol ang narinig nj Grace na tila hindi alintana ng ina kung maririnig niya ito o hindi, nasa kasarapan na ito sa ginagawang pagpapaligaya ng lalaki rito. "Ohhh! Mario ang sarap mo rin," anang naman ng ina na nahihibang rin sa ginagawa ng lalaki rito. Nakaramdam si Grace ng kakaibang pakiramdam sa mga naririnig buhat sa kabilang kuwarto. Tila namasa ang suot niyang panty sa pagkakataong iyon, pilit mang huwag pansinin at takpan ang magkablaang tainga ay hindi maikakailang nasa isip ang tagpong nakita ng mga nagdaang gabi. "Mario, sige pa paligayahin mo ako ng tudo," halinghing ng kanyang ina. Kahit anong takip sa tainga ang gawin ay tumatagos doon ang mga ungol at harutan ng mga ito. "Hayan na ako, Marga, namnamin mo ang aking romansa," nakakakilabot na tinig ng lalaki. Sa kabila ng inis na nararamdaman ni Grace sa ina at sa lalaking kasama nito ay hindi niya maipaliwanag ang nararamdamang kiliti sa sandaling 'yon. Nagsisimula siyang maging curious sa sarili at sinalat ang kanyang namimintog na u***g, dalaga na siya at nakakaramdam na siya ng init sa katawan. "No! Hindi ako tutulad kay mama," matatag na turan sa sarili saka pinaglabanan ang nabubuhay na init sa kaibuturan. Matapos ang mahabang ungol ng dalawa ay biglang natahimik ang mga ito. Nakahinga ng malalim si Grace saka hinintay na tuluyang makatulog ang mga ito bago bumangon. Nang ganap na lumatag ang liwanag ay nagmadali nang mag-imis si Grace, dinig na dinig na rin ang hilik sa kabilang kuwarto tanda na tulog na nga ang ina at ang kalayaw nitong lalaki kanina. Hindi na siya nag-almusal pa dahil ayaw niyang makagawa ng ingay baka magising pa ang mga ito dahil ayaw niyang makita ang lalaking kasama ng ina. Sa eskuwelahan ay balita sa buong klase ang bagong substitute titser nila sa Geometry. Napapataas na lamang ng kilay si Grace dahil mukhang eksaherada naman ang mga ito sa sinabing guwapo, matikas at mukhang mabango ang bago nilang instructor. Lahat pa yata ng kaklase nila ay kinikilig dito maging ang kaibigang si Weng. "Ahhhhh!" tili ng kaibigan ng makita siya. "Girl, ang guwapo ng substitute ni Ma'am Santos, makalaglag panty girl at ito pa, bata pa," natitilihang kuwento ni Weng sa kanya. Wala siyang ganang malaman kung bata man ito o guwapo. Tumango na lang sa kaibigan para matapos na ito sa katitili, mabuti na lamang at dumating na ang titser nila sa history upang tuluyang mapayapa siya. Natigil ang buong klase nila lalo na ang mga kababaihan sa katitili sa kakiligan sa Geometry substitute instructor. Mula kasi ng gabing makita niya ang ganoong kasinsetibong bagay ay tila naging conscious na siya masyado sa sarili at sa taong nakakasalamuha niya lalo na kapag may lumalapit na lalaki sa kanya. "Good morning," ngiting bati sa kanya ni James na naging pinakamalapit na lalaki sa kanya. Ngumiti na lang siya rito bilang tugon sa bati nito. "Ang tahimik mo yata," untag nito. "Gusto mo rin bang magtititili ako sa bagong Geometry instructor natin?" bulalas niya rito. "Hindi pero mukhang may kakaiba sa 'yo," saad nito na kinatigil ni Grace sabay lunok. Ganoon na ba siya ka-obvious para mabasa nito ang kanyang pakiramdam. "Grace!" untag ni James. "Ha?" gulat na maang. "Tinatawag ka ni ma'am," bulong nito nang marinig ang boses ng kanilang titser. "Y-Yes, ma'am," nagmamadaling tayo ni Grace. "Miss Fontana, mukhang ang layo nilalakbay ng diwa mo at hindi ka nakiknih sa lecture natin," saad ng guro nila. Sunod-sunod na napalunok si Grace at napatingin kina James at Weng. "Miss Fontana, saan nga ulit natin matatagpuan ang pitong lawa?" tanong ng guro. "Laguna po, ma'am," sagot niya rito. 'Buti na lamang at nag-advance reading siya. Napataas-kilay ang kanilang guro. "Very good, Miss Fontana, you may seat now but please pay attention to our discussion," istriktong wika ng kanilang instructor. Nakahinga naman ng maluwag si Grace, buong akala ay mapapahiya siya sa buong klase kanina, ilang sandali lamang ay tapos na pala ang isang oras sa klase nila sa history. Muli ay tumili ang kaibigan at nagsimula na namang magbulungan ang kababaehang kaklase. "Oh my God!" singhap ng kaibigang si Weng na nakalingon sa pintuhan ng kanilang silid. "Ang guwapo niya, girl," anito na tila nabato-balani pa. Kahit tila eksaherada ang naroroon sa loob ng silid-aralan nila ay hindi siya lumingon hanggang sa makita sa harapan ang guwapong lalaki at simpatikong nakatingin sa buong klase. Pinag-aaralan niya ang kabuuan nito nang magtapat ang kanilang mga mata at kitang ngumiti ito ng matamis. "Grace, kalma," suweto niya sa sarili. Hindi siya maaaring makaramdam ng anuman dito pero hindi mapigilang tingnan ang hinaharap nito bagay na nagpainit sa kanyang katawan. Pilit siyang umiwas sa bagong instructor pero tila nanadya itong titingin-tingin sa kanya. "And you are?" tinig na bumasag sa kanyang gunita, nabigla siya dahilan upang mapatulala rito. Hindi niya alam na kanina pa pala siya tulala at nagpakilala na ang ilan sa kanyang kaklase ay nakatulala pa rin siya. "Grace," budol ni James sa kanyang paa dahilan upang magising siya. "S-Sir?" bulalas niya. Natawa ang ilang kaklase nila sa reaksyon niya, nagmukha tuloy siyang katawa-tawa, kung anu-ano kasi ang pumapasok sa kanyang isipan. Napalunok na lang siya dahil sa hindi maikakatwang nabubuhay na kakaiba sa kanya kaibuturan sa bawat titig ng bagong professor. "I'm Mary Grace Fontana," tipid na pakilala sa sarili at hindi alam kung ano ang idudugtong doon. *** Pagpasok pa lang ni Dexter sa unang klase ay naagaw na ng pansin niya ng isang babae sa sulok ng silid na iyon. Hindi dahil ito lang ang hindi pumansin sa kanya kundi dahil sa angkin nitong kagandahan. 'Oh boy, that's unethical', aniya pa sa isip. Kaya minabuting magpakilala muna sa klase at makilala rin ang mga ito, ngunit tila malalim ang iniisip ng babaeng kanina pa tumawag ng kanyang pansin. "I'm Mary Grace Fontana," pakilala nito matapos matulala sa kanyang harapan. "Ok, Mary Grace, tell more about yourself," aniya dahil tila wala nang balak pa itong dugtungan. "About myself?" dinig pa niyang saad nito. "Yes? About yourself. Your age, your dream, your favorite, whatever, like your classmate did," ani Dexter, ayaw niyang magpahalata na nawiwili siyang tingnan ang inosente at naivè na babae. "Okay, sir, I'm Mary Grace Fontana, 18 years of age. I dream to be an architect someday that's why I am here. I don't have favorites because for me things made with different purposes. Thank you," mabilis na bulalas ni Grace dahil ayaw niyang mahalata ng buong klase nila ang pangangatal ng boses at panginginig niya. "Eighteen years old?" tanong ni Dexter sa isipan. "Bakit first year college pa lang nito?" dagdag pang tanong sa isip. Sa bagay, kung titingnan ito ay mature na ito kumpara sa kanyang mga kaklase. May ilang nagbulungan lalo na iyong nakakaalam ang kanyang buhay, may ilan-ilang kasing kapitbahay niya na doon din napasok dahil ito ay pampublikong kolehiyo. "Ok! That's cool, next," ani Dexter nang makitang hindi na komportable ang babae hanggang matapos ang buong klase na magpakilala. "As you see, class, our subject is geometry," aniya niyang panimula. "Before I will start discussing, I want to introduce myself also, my name is Eng'r Dexter Santos," pakilala niya sa buong klase. Ayaw niya sanang tanggapin ang trabahong 'yon dahil may trabaho siya sa kompanya nila ngunit mapilit ang tito niya na siyang asawa ng instructor ng nga ito sa geometry. Ayaw daw kasing payagan ng pamunuhan ng eskuwelahan ang tita niya kapag walang hahalili rito. Since naging substitute na naman siya noong una itong nanganak ay siya muli ang pinakiusapan. "Saan ba kayo natapos with Ma'am Santos," aniya. "So, we're about to tackle for the final before the end of this semester. I want you guys to find the angles by using our formulas," aniya saka naupo sa harapan. Lahat ay nakatungo sa klase maging ang babaeng kanina pa pumukaw ng kanyang pansin. Mula sa kinauupuhan ay nakita ang paghawak ng lalaking nasa kaliwa nito sa baywang nito medyo nag-init tuloy ang ulo niya. "Yes, Mr. Mallari, is anything wrong?" aniya na nagpaangat sa mukha ng lahat ng naroon. Nakitang natigilan ang lalaki sa biglaang pagtawag rito. "Nothing, sir," nahihiyang wika nito. "Okay, solve the number 1 problem in the board," aniya rito. Ayaw niyang pag-initan ito ngunit nakakainit talaga ang ulo na nagawang manantsing sa gitna ng kanilang pagso-solve sa problem solving na ibinigay. Lulugo-lugo itong tumayo at lumingon sa babae na tumango naman dito. Mas lalo siyang nainis. 'Calm down,' panghahamig sa sarili. Buti na lamang at natapos din ang klase niya kaya mabilis siyang bumalik sa faculty. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga matapos makarating sa kanyang mesa. Ano ang meron sa estudyanteng 'yon para makaramdam siya ng ganoon. "Kailangan ko yata ng babae," usal niya sa sarili saka muling bumuntong-hininga. "O, ang lalim noon, ah," tinig ni Allen, ang isang substitute titser din. Sa engineering section ito naka-assign. Pilyo ang mga ngiting nakikita sa labi nito. "I guess, dude, is this something about the girl I mean estudyante mo," panghuhuli nito na nakangisi pa rin. "Mukhang may pinagdaanan, ah," balik tudyo rito. "Well, 'di ako tatanggi diyan, may gusto rin ako sa estudyante ko pero I guess we can work on it. Graduating na siya and beside after few months ay aalis na ako rito," anito saka nagpaalam dahil may sunod raw itong klase. Naiwan siyang natitigilan, unang kita pa lang sa babae kanina ay tila nabuhay ang lib*g at pagnanasa sa katawan. Damdaming hindi naman maramdaman sa mga babaeng kahit maghubad na sa harapan niya makuha lamang ang atensyon niya. 'Mary Grace Fontana,' ulit niya sa isipan ang pangalan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD