Chapter 6:

2278 Words
Hindi makapaniwala si Dexter sa nalaman tungkol sa kanyang estudyanteng si Mary Grace Fontana kasi sa tingin naman dito ay mahinhin at hindi gaya ng sinasabi ng co-instructor. Naalala pa nga niya kung paano ito manamit, long sleeve ang blusa nila na may ribbon at ang checkered skirt nito na halos hanggang sakong na at ang flat na flat nitong sapatos. Ibang-iba sa imaheng nais ipakahulugan ng kanyang co-teacher. Iyong ibang estudyante nga ay halos itaas na ng tuhod sa iksi ng palsa at halos 6 inches na ang takong ng sapatos. Natid rin niyang matalino ang babae ngunit hindi ito nakikipagtalastasan sa eskuwela. Kahit alam niya ang tinanong niya ay hindi ito nagtataas ng kamay upang mag-recite. Tumatayo lang ito kapag tinatawag upang mag-solve sa board bukod doon ay tahimik na ito, pansin rin na konti lang ang kinakausap nito sa mga kaklase nito dahilan upang maalala ag insidenteng hinawakan ito ng lalaki sa baywang. May pag-aalsa ng damdamin sa isiping 'yon, ayaw niyang isipin na nahuhulog ang loob sa kanyang estudyante at isa pa ay masyado itong bata para sa kanya. Iniligpit na niya ang kanyang gamit upang pumasok sa kanyang klase, pagpasok ng araw na iyon ay masimpleng tiningnan si Grace, saglit lamg 'yon dahil ayaw niyang may makahalata sa mga estudyante niya. "Class next week will be your final exam, I just want to remind you that if you guys want to pass, do your best to review and mostly, though your good in exams and quizzes if you're not actively participating in our recitation then don't expect to have a high grade. Recitation is 40% of your grades, remember that," paalala niya sa mga ito. Nakita niyang tumingin ang babae sa kanya. He wants to warn, Grace, baka kasi bumagsak ito lalo na at 90 is there passing grade for every student assistant. "I don't give any excuses, what I compute in your grades, that's final, I am warning you now," saad niyang matiim na nakatingin sa babae pero agad ring binaling sa iba ang tingin. Ngunit tila hindi natitinag ang babae at nakatingin lamang ito sa kawalan na para bang ang layo ng iniisip nito. Batid ni Grace ba siya ang pinapatamaan ng kanilang Geometry instructor dahil hindi siya active sa recitation sa klase nito. Paano ba naman kasi ay nakakaintimidate to kung makatingin sa kanya. "Hoy, Grace," malakas na tawag ni Weng sabay yugyog sa balikat niya. "Ha?! Weng, naman, bakit ka nanggugulat!" buwisit na wika niya rito. "Ay wow! Gulat ka pa pala sa lagay na 'yan, kanina pa kita tinatawag kasi mukhang nakatulala ka sa kaguwapuhan ni Sir Dexter pero nakaalis na siya lahat-lahat ay nakatulala ka pa rin, friend, umamin ka nga sa akin, nababaliw ka na ba?" palatak ni Weng sa kanya. Doon bumalik siya sa kaisipan at iginala ang tingin, wala na nga roon ang kanilang instructor. *** Tuluyan ngang natapos ang final exam nina Grace, lahat ay natuwa dahil nalalapit nq naman ang semestral break at maipapahinga ang mga utak nila. "Yes, tapos na ang exam, pwede na tayong mag-relax, girl," ani ni Weng sa kanya. Ngumiti lang siya sa kaibigan at niyaya itong kumain ng kwek-kwek sa labasan ng school para hindi na ito mag-usisang ulit. Habang tumatagal ay tila hinuhuli siya ng kaibigan kung bakit siya laging nakatulala. Paalis na sila nang makitang palapit sa kanila si James. "Hey girls," anito sa kanilang magkaibigan. "Hi James, anong atin?" tugon naman ni Weng sa lalaki. "Didiga ka na naman kay Grace, sorry ka na lang dahil wala siyang balak patulan ka pero kapag ako, sus! Now na, tayo na," aniya rito saka pilyang ngumiti sa lalaki. Sinakyan naman ito ni James dahil alam nitong matagal nang may gusto ang sa kaibigan dito. "Patay na patay ka talaga sa 'kin," yabang na wika nito. "Tingnan mo baka lumaki tainga mo, joke lang 'yon," busangot na bawi ni Weng. "Saan ba ang punta niyo?" tanong nito kay Grace na agad namang sinagot ni Weng. "Sa labasan, kakain ng kwek-kwek," sabad nito. Sumama si James sa kanila. "Libre mo kami," hirit ni Weng rito. Papalabas na sila sa kanilang building nang mamataan ang lalaki na kausap ang isang instructor din doon. Maganda ang babae at halatang may gusto sa lalaki, panay kasi ang pa-cute nito. "Hindi ba't si Sir Dexter 'yon?" untag ni Weng na noon ay napansin din pala ang kanyang tinitngnan. Sa kinaroroonan ang mga ito ang daan nila kaya minabuting 'wag nang pansinin, tutal ay tila hindi naman sila napansin ng mga ito. Nabigla pa siya nang biglang maramdaman niya ang pag-akbay ni James sa kanyang balikat at sa kabila naman ang kaibigang si Weng kaya hindi na niya binigyan ng ibang kahulugan ang akbay nito dahil dalawa naman sila ni Weng. Sa gilid ng mga mata ni Dexter ay nakita si Grace kasama ang babaeng lagi nitong kasama. Ngunit nainis siya nang makita ang lalaking kasama nila, ito ang lalaking panay ang lapit dito. Bigla tuloy ay nainis siya, sinundan niya ng tingin ang mga ito at hindi napansin na nakatingin pala ang babaeng kausap. "Don't tell me, inaakit ka ng babaeng iyon," tahasang bintang nito. Napakunot-noo siya. "What do you mean?" "Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. Sa mundong ating ginagalawan marami ang mapagpanggap, iyong animo'y ang hinhin pero nasa loob ang kulo," makahulugang wika ng kausap. Alam na niya ng ibig nitong tumbukin. "Don't start,Miss Reyes, no need to talk harsh thing to someone who's not here to defend herself," anito upang ipagtanggol naman ang babae. Kahit naman totoo o hindi ay wala itong karapatang pagsabihan ng ganoon ang kanilang estudyante. Hinarap siya nito at tinitigan sa mata. "Do you like her?" deretsahang tanong nito na hindi napaghandaan. "What?!" bulalas niya. "Okay, no need to answer. Your action speaks," anito saka padabog na umalis sa harapan niya bagay na kinamaang niya. Alam niyang may gusto sa kanya si Miss Reyes pero hindi naman siguro sapat na dahilan 'yon para agad na uriin niya si Grace dahil lang napupukaw nito ang kanyang atensyon. Nang mawala sa paningin si Miss Reyes ay napakibit-balikat na lamang siya at nagmadali na rin siyang tinungo ang kinaroroonan ng sasakyan para makauwi na. May dinner kasi sila kasama ang buong pamilya at magtatampo na naman ang kanyang mama kapag hindi siya nakapunta. Nakalabas na siya ng compound ng eskuwelahan nang mamataan ang tatlong taong nasa isang turo-turo. Mas lalong nainis si Dextee nang makitang ang baywang na ng babae ang hawak ng lalaking kanina ay nakaakbay sa magkaibigan. Huminto siya sa gilid at pinagmasdan ang mga ito, hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman para sa babae kung tutuusin naman ay maraming mas maganda rito. Gaya ni Miss Reyes na alam niyang patay na patay sa kanya. Hindi niya namalayan ang oras at alintana ang dapat sana ay gagawin dahil nagawa niyang sundan ang mga ito. Nang tila nag-uusap na ang tatlo at nagpapaalamanan ay batid niyang uuwi na ang mga ito, nauna nang kumaway si Weng at naiwan si Grace at ang lalaki. Tila mataman ang pinag-uusap ng mga ito, hanggang sa makitang nalaglag ang balikat ng lalaki saka tuluyang umiba ng direksyon. Nakita rin niyang naglakad pa ang babae papunta sa sakayan ng dyip, hinintay niyang mapuno 'yon bago sumunod rito upang sundan si Grace. Hindi naman nagtagal ay bumaba ito. Simple ang babaeng nakikita, walang duda, tipikal na babaeng estudyante. Suot ang backpack saka kipkip sa kamay nito ang ilang makakapal na libro. Nang makakaba sa isang kanto ay nakitang papasok ito sa may kakitirang eskinita dahilan para hindi na niya ito masundan. Ngunit bago siya umalis ay nakita pa niyang may nakasalubong itong lalaki galing sa patutunguhan nito. Napansing tumango ang babae sa papalabas na lalaki, kaya marahil ay magkakilala ang mga ito. Bigla tuloy ay sumiksik sa isipan ang mga sinabi ni Miss Reyes sa kanya. Nasa trenta pataas ang edad ng lalaki at malamang kilala nito ang babae sa klase ng hagod ng tingin nito rito. "Sh*t!" mura nang mapagtantong tila may malisya ang tingin ng lalaki sa babaeng sinusundan. Maya-maya ay nakitang nagpatuloy na sa paglalakad ito nang biglang tumunog ang kanyang cell phone. Pangalan ng kanyang kapatid ang rumihistro doon kaya mabilis na sinagot ang tawag nito. "Bro, where are you? We can't start to eat without you," anito na tila aburido. "Okay, I'm on my way. Say sorry to mom, O just finish to tabulate some grades," pagkakaila sa totoong dahilan nang pagkaantala sa kanyang pag-uwi. *** LUNES, maagang pumasok ang magkaibigan, bgayon ay wala na muna silang alalahanin dahil katatapos lang ng final exam nila. Hihintayin na lang ibigay ang result ang kanilang grades at ipasa ang dapat ipasa lalo na sa mga babagsak na estudyante. "Oh my God. So sad, next sem wala na si Sir Dexter," busangot ng kaibigang si Weng. "Inspirasyon ko pa naman ang kaguwapuhan nito para mag-aral mabuti," dagdag pa nito. "Hay, ewan ko sa 'yo," wika na lang ni Grace para hindi halatang maging siya ay apektado. Ang bilis ng dalawang buwan at paalis na ito, parang kailan lang noong una itong pumasok sa kanilang klase. Natuwa si Grace sa ibinigay ng history instructor nila na grades, sa kanya, 95 kasi iyon. Sabi pa ay partial pa lang daw naman pero kahit partial ay solve na siya doon. Hanggang sa bundulin ng kaba ang dibdib niya nang ganap na magpaalam ang instructor nila, wala na kasing formal class sila dahil tapos na ang semestreng iyon, naroroon lang sila para sa grades nila. Napasinghap si Grace nang pumasok sa klase nila si Mr. Santos, mas lalong kinabahan siya ng isa-isa silang pinapunta sa harap hawak ang one-fourth sheet of paper upang paglilistahan nito ang partial grades nila. Nang tawagin ng lalaki ang pangalan ay ibayong kaba ang naramdaman. "Mary Grace Fontana," tawag nitong seryoso. Tumayo siya at tinungo paharap sa kinaroroonan nito, nanginginig pa ang kamay na inabot ang papel dito, nang bigla ay nahawakan nito ang palad. Nagkatinginan sila sa kabiglaan, nakailang lunok siya dahil tila hindi matagalan ang mga titig nito. Mabilis na bnawi ang palad at yumuko, agad naman nitong isinulat ang grades niya. Nakitang sinulat nito ang 9, nagpasalamat siya sa isip ngunit laking gulat niya nang maya-maya ay isulat nito sa unahan ng 9 ang 8. Na ibig sabihin ay 89 ang grades niya. 'Sh*t, hindi maaari ito,' agad na wika sa sarili. Hindi siya puwedeng matanggal sa pagiging student assistant niya. Natitigilan siya habang hawak ang papel na binalik nito, parang araw gumalaw ang mga paa paalis doon habang titig na titig sa hawak na papel. Naiiyak siyang napatingin kay Mr. Santos pero nanaig ang pride kaya pinigil ang sariling mapahagulgol. Medyo na-guilty si Dexter nang makita ang hitsura ng babae sa grades nito, but he can't do anything. Iyon ang nakuwenta niya he warn her already about her recitation. Nang matapos ibigay lahat ng grades ay tumayo na siya at nagpaalam sa mga ito lalo na at next semester ay babalik na ang kanyang tiyahin. "Those are just partial grades. Any changes will be possible specially to those who didn't pass. If any problem about my computation of your grades. Feel free to come on my faculty and see what we gonna do," aniya sa mga ito. "Anyways, since it might be our last day to meet formally I just wanna thanks all of you. Hoping, after three year, we'll see you in your graduation day," aniya saka nagpaalam sa mga ito, simpleng binalingan si Grace at nakitang tila malungkot. "Girl, anong nangyari?" agad na untag sa kanya ni Weng nang bigla siyang napaluha sa kanyang kinauupuan. "89 lang, girl, 89 lang grades ko sa kanya," aniya na batid niyang alam na niya ang ibig sabihin. Agad siya nitong inalo. "Girl, partial lang iyan, kung gusto mo ay puntahan na natin siya ngayon," himok nito. "Huwag na," gagad sa kaibigan. "Paano yan matatanggal ka sa pagiging student assistant mo at sa scholarship," tugon pa ni Weng na nalungkot din para sa kanya. Lumamlam ang tingin, gusto niyang puntahan ang instructor ngunit gusto niyang siya lamang. Dumeretso siya sa library kahit mabigat ang loob. Hindi siya maaaring matanggal sa pagiging student assistant dahil malaking bagay iyon para sa kanyang finances sa eskuwelahan. Habang nagsasalansan ng mga libro ay napagpasyahang puntahan ang lalaki pagkatapos ng duty sa library. Nasa labas na siya ng faculty ng mga ito nang bigla siyang nag-alangan kung papasok ba o hindi hanggang sa iluwa noon ang lalaking pakay. Nagkatinginan sila, hindi siya nakahuma sa tinging pinupukol nito. "Do you need something?" tinig nito. "Ah. . . ah. . .sir, about my grades," alanganing wika. "Okay, follow me," anito saka bumalik sa loob. Buti na lang ay walang tao maliban sa kanila, kinabahan siya bigla dahil walang katao-tao roon maliban sa kanila. "What about your grades, Miss Fontana," pormal na tanong nito. "Ah. . . ah. . . " apuhap niya ng sasabihin. "Sir, I can't accept my grades. Kasi po. . . kasi po–" pigil ang pagluha kahit tila gusto na niyang umiyak. "Kasi po ay matatanggal ako sa pagiging student assistant, please, sir, I can do everything. Maging 90 lamang po ang grades ko," garalgal na ang boses niya dahil nagsisimulang tumulo ang luhang kanyang pinipigilan. "Everything?" ulit ni Dexter sa kawalan. "Yes, sir, everything," yukong wika nito. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa ang nakayukong babae saka inabot dito ang tarheta na naglalaman ng contact number at address ng sariling bahay sa isang subdibisyon. Titingnan niya kung kakagat ito sa kanya, doon mapapatunaya kung tama ang sinasabi ni Miss Reyes hinggil dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD