Kinabukasan ay maagang pumasok si Grace sa kanilang eskuwelahan, hinihintay muna niya ang kaibigang si Weng bago pumasok sa klase nang makita ang isang pares ng mga mata na nakatingin sa kanya. Nabigla siya nang mapagsino ito, ang kanilang Geometry instructor.
Nang makita siya nitong nakatingin din sa kanya ay bigla itong nagbawi ng tingin saka nagpatuloy sa pagkalakad. Makisig ang lalaki at napakaguwapo nito sa suot na checkered long sleeve shirt na nakatupi hanggang siko nito na tinernuhan ng isang khaki pants at black leather shoes.
Ilang minuto pa ay dumating din ang kaibigan at sabay na silang pumasok.
"Ang tahimik mo, girl," untag ni Weng sa kanya.
"Wala, dati naman akong tahmik, ah," tipid na tugon dito
"Anong wala kanina ko pa napapansin, actually noong isang araw pa," anito na nababaghan sa kanyang ikinikilos. "May problema ba?" dagdag usisa nito.
"Ah, si mama kasi, may inuwing lalaki, nandoon sa bahay doon na nakatira," pagdadahilan dito. Well, isa naman talaga iyon sa malaking dahilan pero mas malaki ang papel ng bago nilang instructor. Hindi niya alam kung bakit siya natutulala kapag nakikita ito.
"Ganoon ba? Hayaan mo na basta ba masaya si tita at bata pa kasi ang mama mo," turan nito bago tuluyang pumasok sa silid-aralan.
Parang kapapasok pa lang ni Mr. De Guzman na guro nila sa history ngunit heto at nagpapaalam na sa kanila. Halos hindi niya namalayan na tapos na ang klase nila at darating ang susunod nilang instructor at walang iba kundi ang lalaking laman ng kanyang panaginip.
"Good morning, class," bati nito ng nasa harapan na ito at matamis ang ngiting nakangiti sa kanilang lahat.
"Good morning, sir," sabad naman kasabay ng karamihan. Gaya pa rin ng unang pumasok ito sa klase nila. Kilig na kilig ang ilang kababaihan.
"Sir, can I ask you something?" tinig ni Jane na pinakamaganda sa klase nila.
"Sure, anything as long as I can answer," game na game namang sagot nito na nakatawa pa.
"Sir, do you have a girlfriend?" tahasang tanong nito na nagpataas naman sa tingin ni Grace.
"Ahmmm! I don't know if I can answer that," anito. "Too personal, next please," joke nitong iwas na sagutin ang katanungang 'yon.
Biglang nanlumo ang pakiramdam ni Grace, tila may asawa na ito kaya ayaw nitong sumagot.
"Ganoon pa rin ang next na tanong, may gf na po ba kayo?" ulit ni Jane.
"Oh well, I don't know what to say," iwas pa rin nitong sagot saka nagawi ang tingin nito sa kinauupuan ni Grace.
"But I'm single," dinig na dinig ni Grace na tugon ni Dexter.
Muli siyang nag-angat ng tingin sa sinabi nito, nabigla siya at biglang tila napaso nang magtama ang kanilang mga mata.
Hindi maipaliwanag ni Dexter ang kanyang sarili nang makita ang babae. Inalam niya na rin ang ilang detalye rito. Matalino, maspag at working student. Student assistant ng librarian kaya most of her time ay sa library ito naglalagi.
Nakita niyang tumungo ito kaya nagpatuloy na siya sa klase.
Isang sipa sa paa ang naramdaman ni Grace, agad siyang lumingon sa kung sino ang may-ari ng paang sumipa sa kanya.
"Girl, ano iyon?" bulong na tanong nito.
"Ang alin?" maang-maangang tanong kay Weng.
"Ano pa 'di ang titigan niyo ni sir. Sus, dinaig ang biko ng aking ina sa lagkit girl," bulalas nito.
"Shhh! Baka marinig ka!" bulalas niya. Sumenyas na siyang magtigil ito bago pa marinig kung sinuman ang pinagsasabi nito at sabihin pang may crush siya sa bagong instructor na crush yata ng buong kaklase na babae maging ang buong unibersidad.
"Okay, class what is phytagorean theorem?" dinig na tanong nito bilang panimula ng kanilang klase.
Alam ni Grace iyon ngunit ayaw niyang mag-recite tila ba kasi nabubulol siya kapag magsasalita lalo pa kapag kaharap pa nito ang lalaki kaya hindi na lang siya nagtaas ng kamay.
"Okay, Miss Jane Salazar," dinig pa. Tumingin siya sa direksyon ni Jane na nagpapa-cute pa habang sumasagot.
"Pythagorean theorem, also known as Pythagoras's theorem, is a fundamental relation in Euclidean geometry among the three sides of a right triangle. It states that the square of the hypotenuse (the side opposite the right angle) is equal to the sum of the squares of the other two sides," mahabang sagot nito kasabay ng matamis na ngiti.
"Wow! That awesome. Yes that's true and now I want you guys to do the problem solving on you book by using the phytagorean formula," utos nito saka umupo sa harapan.
Habang walang ginagawa at busy ang lahat sa seatwork ng mga ito ay nagawa niyang napagmasdan ang kanyang estudyante. Lalo na si Grace, busy ito at nakayuko kaya malaya niyang napagmasdan ito. Base sa datos na nakita ay ito ang pinakamatanda sa buong klase.
Masyadong mahaba ang palda nito sa karamihan, halos umabot na ito sa sakong ng talampakan samantala ang iba ay kung wala lang protocol sa school na iyon na huwag lalagpas sa tuhod ay naging mini skirt na ang palda ng mga ito.
Nasa ganoong pag-aaral siya sa galaw at pananamit ng babae nang muling magtaas ng tingin ito at sa pangalawang pagkakataon ay magkahinang ang kanilang mga mata.
Hindi alam ni Grace ang gagawin dahil tila ba may mga matang hindi mapuktan sa katitingin sa kanya. Dahil ilang na ilang na siya ay minabuting hanapin iyon ngunit ganoon na lamang ang sisi niya dahil nakita mula roon ang pares ng mata ng lalaking kinaiiwasan.
Limang minuto na lang ay matatapos na ang oras niya. Mabilis na pinapasa sa mga estudyante ang mga papel ng mga ito saka nagpaalam. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman sa kanyang partikular na estudyante, kay Grace. Para siyang nakukuryente sa tuwing titingin rito, sa bagay, sa ganda at inosente nitong tingin, walang lalaki ang hindi magkakagusto rito.
Mabilis na pumasok sa faculty at nilapag ang mga gamit saka dumeretso sa banyo.
"Sh*t, Dexter, hindi ka naman ganito. Isang bata ba? Ang daming babae diyan," hamig sa sarili. Hindi niya maiwasang pagnasahan ito. Dise-otso nga ito ngunit hindi pahuhuli ang hubog ng katawan nito na tila parang sa isang fully mature woman.
Nang humupa ang pagnanasang nabuhay sa kanya ay lumabas na siya at saktong naroroon ang isang instructor. Si Angel, dalaga pa ito at bata. Fresh graduate ito na napiling magturo muna sa unibersidad kung saan din ito nagtapos.
"Hi!" anito nang makita siya kasabay ng matamis na ngiti. She knows that Angel like him. Nasabi na rin ng kasamahang si Allen iyon.
"Hi," tugon saka bumalik sa lamesa. Agad na hinanap ang papel ni Grace at tinitigan iyon bago tinignan kong nakuha ba lahat. Napangiti siya ng check lahat, hindi niya alam na nasa harapan lang pala ang babae at matamang nakatingin sa kanya.
"Mary Grace Fontana? Siya ba iyong anak ng puta?" dinig na saad nito dahilan upang mapakumot siya ng noo.
Nagtaas siya ng tingin sa narinig. "Watch your word, we're at school," paalala rito.
Natutop naman ng babae ang bibig na animo ay nagsisi sa sinabi hinggil sa ina ni Grace.
Ngunit nakuha nito ang atensyon sa sinabing anak ito ng puta. "How did you say that?" usisa niya.
Mukhang mapagbigay naman ang babae tinuloy ang sinasabi. "I know some of her neighbor na nag-aaral din dito. Klase ko sila sa Calculus. Iyon nga ang sabi na puta ang ina ni Miss Fontana. Ang malupit ay mukhang kaedad lang nito ang ina dahil katorse lamang ito nagbuntis. 'Di ba talagang ahemmm!" hindi na nito tinapos ang sasabihin dahil mahalay na masyado.
Napamaang na lang si Dexter sa impormasyong nalaman hinggil sa pagkatao ng estudyanteng pumukaw ng pansin niya.
"Hopefully hindi siya katulad ng ina niya," usal na lamang sa sarili.