CHAPTER 65

1101 Words
Mabilis na nangayayat ang katawan nito. Hindi rin nababagay sa kanya ang dress na animong lumuwag dahil sa kapayatan ng katawan nito. "Thalia !" Pasigaw nilang bati bago yumakap kay Thalia na ngayon ay wala sa sarili. Tila ba isang puppet na tanging si Emerton lamang ang nagkokontrol sa lakad at bawat kilos nito. "Mukhang maganda ang diet plan mo Thalia ah? Grabe naman ang ipinayat mo" puna ni Cass bago humalik kay Thalia na hindi man lang siya pinansin dahil sa pagkawala sa wisyo. "Pasensya na. Nilalagnat kasi siya ngayon" rason ni Emerton na tinanguan ng lahat. "Nilalagnat? Eh bakit pinayagan mo pang magpunta dito?" Sarkastikong sabat ni Coby na ikinagulat ng lahat. Maging ako ay napaigtad dahil sa malalim na boses na pinakawalan niya. Sinubukan ko siyang hawakan sa braso ngunit iniwas niya lamang iyon dahil abala pa rin siya sa pagtitig kay Thalia na ngayon ay namumutlang nakatitig sa sahig. Hindi namin inaasahan ang paglalakad niya palapit kay Ate kasabay ng paghigit sa kamay nito at hinila siya patungo sa isang pasilyo palayo samin. "Uyy. May comeback" pang aasar nila sa dalawa kahit na malabo na nila itong marinig. "HINDI" magkasabay naming angal ni Emerton. Agad na napanguso si Emerron habang ako naman ay napairap dahil magkakasabay nila kaming nilingon."Wala pa ba sila?" Aligagang tanong ni Emerton habang patuloy pa rin sa pagpapabalik balik sa kinatatayuan sa harap ko. Pairap naman akong pumangalumbaba sa kamay ng sofa habang prenteng nakaupo. Gaya ni Emerton ay nababagot na rin ako sa paghihintay. "Ano? Pasukin na ba natin Aubrey?" Tanong niya sakin dahilan upang walang gana akong lumingon sakanya. Malayo ang mga tao rito dahil sa garden naman ang handaan. Tanging kami lamang ni Emerton ang nagpasyang manatili sa tanggapan habang hinihintay yung dalawa. "Elise ang pangalan ko, Emerton" angil ko na tinawanan niya kasabay ng pagkamot sa ulo. Gaya ko ay prente syang umupo sa katabi kong sofa at pumangalumbabang tumitig sakin. "Huhulaan ko.." "Tumahimik ka" angil ko kasabay ng pag irap. Narinig ko siyang bumulong bulong ngunit hinayaan ko na lamang ito sa mga orasyon o kung ano mang bulong ang mga isinatinig niya sakin. "Mahal mo si Coby noh?" "Magpapakasal ba ako sa kanya kung hindi?" Inis kong baling dahilan upang natatawa niyang isinuko ang mga kamay na tila ba babanatan ko siyang kung maglalakas pa siya ng loob na magsalita. "Chill Elise. Masyado ka namang irritated" panunukso niya pa na hindi ko na pinansin. Inabot pa ng ilang segundo bago siya muling nagsalita upang mang asar nanaman. "Bakit mo nga ba palaging nirereject ang proposal ng fiancé mo?" Kuryosidad niyang tanong. Naiirita ako sa mga taong nangingielam sa mga problema ko o naming dalawa. Sobrang nakaka insulto talaga. "You're invading our privacy. Chismoso ka" reklamo ko na tinawanan niya. "Pero seryoso. Bakit?" Wala namang masama kung sasabihin ko sa kanya di ba? And besides, we're friends for more than years. "Hindi pa ako handa that time. Pero sigurado na ako ngayon" mahina kong tugon at alam kong ikinangisi niya iyon. "Ikaw?" "Anong ako?" "Bakit chismoso ka pa rin hanggang ngayon?" Sarcastic kong tugon at gaya ng inaasahan, humagalpak nanaman ito sa pagtawa. "Ang pagiging chismoso, dumadaloy sa dugo yan. Naisasalin, naipapamana. Dapat nga ay magpasalamat ka dahil may isang chismoso'ng katulad ko ang maaaring makatulong sayo" Taas kilay ko siyang binalingan ng tingin uoang magtanong. "Anong tulong nanaman yang sinasabi mo?" Hindi ko naman inaasahan ang pagngisi nito sa tinanong ko. "Ang mailayo si Thalia kay Coby" taas noo nitong sagot. Isang pekeng halakhak ang iginawad ko sa kanya dahilan upang bumakas sa mukha nito ang amusement na nagpaawang sa bibig nito na may bahid ng ngisi. "No thanks" pairap kong tugon na nagpaayos sa kanya sa upo. "Well. Ikaw ang bahala" kibit balikat nya na hindi ko sinagot. Ang namuong tensyon sa pagitan namin ngayon ay nauwi sa tawanan nang magbukas siya ng biro na hindi nakatakas sa senses ko. "Eh bakit kasi ginawa mo iyon?" Tatawa tawa kong tanong dahilan upang mapangiwi ito sa inasta ko. "Malay ko ba. At saka wag ka ngang tumawa dyan!" Reklamo nya sabay duro sakin. Sa halip na tumigil ay nagpatuloy lamang ako sa paghalakhak na tiyak kong nagpa- triggered sa pandinig nito. Hanggang sa i-corner niya ako sa sofa'ng kinauupuan ko na ikinatigil ko. "Tatawa ka pa ba o hahalikan kita?" Banta nya na nagpalunok sakin. "L-Lumayo ka o titirisin kita?" Banta ko na tinawanan naming dalawa ngunit nanatili sa ayos naming pareho. Natigilan lang kami sa pagtawa nang may tumikhim sa gilid ng pasilyo. Halos mabaltog sa sahig si Emerton dahil sa lakas ng pagkakatulak ko sa kanya nang makita ko si Coby na mataman kaming tinititigan habang nakahalukipkip at nakakunot ang noo. Nasa tabi niya si Ate na ngayon ay walang reaksyon sa ginagawa naming dalawa. "I didn't mean to--" "Let's go" mataman niyang sambit bago binato ng masasamang titig si Emerton na ngayon ay lumalakad na patungo kay Thalia. Nagpauna siyang maglakad patungo sa garden habang ako naman ay sumunod lamang rito. "Kumusta ang usapan nyo ni Thalia?" Bakas ang tuwa sa boses ni Cassandra habang nagpapalipat lipat ang tingin kay Coby at sa likuran naming dalawa na marahil ay nakatuon kay Thalia ngayon. "Hinahanap ka ni Sister Esme" baling naman ni Sister Joy kay Coby upang mapabuntong hininga ito sa frustration sa pagsagot. Sasagot sana ito ngunit natigilan kaming lahat nang lumabas si Sister Esme at nakangiting lumapit samin. "Balita ko ay magpapakasal ka na sa susunod na taon Coby?" Tanong nito kasabay ng pagbaling ng tingin sakin na lihim kong ikinangiti. "Opo, handa na ako" sagot ni Coby bago lumingon sa likuran kung saan nakatayo si Thalia. Taas kilay ko silang tiningnan habang nagpapalitan ng tingin. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli nanaman akong nakaramdam ng selos dahil sa simpleng pagsulyap ni Coby kay Thalia. "I'm so happy for you Iha" ani ni Sister Esme bago lumapit sa banda ko. Wala akong nagawa kundi labas ang ngiping harapin siya at maglahad ng yakap bilang pagtugon sa sinabi nito. Pero agad na naglaho ang ngiti sa labi ko nang gawin nito ang hindi kaaya ayang bagay para sakin. Agad na naglaho ang ngiti ko nang lagpasan ako ni Sister Esme at dumiretsyo sa likod ko kung nasaan si Thalia. Rinig ko ang bungisngisan ng mga batang nakakita sa pagkapahiya ko. Maging sila Cassandra ay natawa at maging si Sister Esme ay hindi pinatawad ang lihim na pagtawa. Nararamdaman ko ang kahihiyang ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng bagay na tiyak kong ikakasira ng pride ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD