CHAPTER 64

1152 Words
Agad akong napapikit sa ginagawa niya lalo na nang maramdaman ko siyang ginalaw ang harap ko. May parte sakin ang nasisiyahan ngunit lamang pa rin ron ang pag ayaw sa ginagawa niya sakin. Halos mabaon ang kuko ko sa braso niya nang magsimula siyang gumalaw sa kung ano anong paraang alam niya. Hanggang sa mabuksan at matanawan niya na ang pinakatatago kong yaman. "I c-can't do this, C-Coby.." bulong ko kahit na lumalamang na ngayon ang pakiramdam kanina na nagugustuhan ko na sa simpleng paghagod niya. "Please, Aubrey. I want you" hinihingal at namamaos niyang pakiusap na nagpakagat sa lani ko bago tumango. "I'll be gentle. I promise you" pangako niya pa bago naangkin ang katawan ko. Kung ito lang ang paraan upang makuha at mabawi ko ang atensyon mong napunta kay Thalia.. gagawin ko. Sinag ng araw mula sa paanan ko ang nagpagising sa paghimbing. Pagdilat ko ng mata ay ang haplos kaagad sa pisngi ang bumungad sakin. "How are you?" Matamis nitong tanong na tila ba namamaos sa ginawa namin kagabi. "I'm okay, I think" ani ko bago ngumiwi na ikinatawa niya. Halos mamula rin ang kabuuan ng mukha ko nang wala akong maramdamang panloob bukod sa kumot na nakakubli sakin. "Hindi na kita binihisan dahil ganyan ang gusto kong bumungad sa araw ko ngayon" pilyo nyang saad dahilan upang mahina kong kabugin ang dibdib niya na mas lalo lamang niyang tinawanan. "Get up. May pupuntahan tayo" ani niya bago tumayo at tumalikod. Halos maestatwa ako nang makita ko itong hubo't hubad na naglakad papasok sa shower. Wala pa man ay naramdaman ko na ang unti unting pag init ng mukha ko dahil sa ginawa namin kagabi. Ang mga halinghing.. "AHH!" tili ko bago inihilamos ang kamay ko sa buong mukha dahil sa matinding frustration. "Ano nga yung kasabihan mo sa buhay Elise? 'Kasal muna bago pagnanasa?' Ahyy!" Pagkausap ko sa sarili bago nagpahinga at nagbihis ng damit. "Sa ampunan?" Taka kong tanong habang pinagmamasdan ang mukha niyang nakangiting nagmamaneho. Nasa biyahe na kami ngayon at medyo tumagal lang nung naisipan niyang kumain muna ng breakfast sa isang cafe. "Yes. Birthday ni Sister Esme ngayon at naisipan naming isurpresa siya.." sagot niya kasabay ng pagngiti sakin na ikinainit ng mukha ko. "Ito na rin siguro ang tamang pagkakataon para ibalita ko sa kanilang ikakasal na tayo sa susunod na taon" tango niya pa. Wala pa man ay napapangiti na ako. Lalo na kapag naiisip kong matatali na ako sa kanya. Na magagamit ko na rin ang apilyedong hinahangad ko noon. Na kung tinanggap ko lamang ang proposal niya dati ay baka may anak na rin kami ngayon na kasing edad ng anak nila ni Thalia. Agad akong binalot ng konsensya nang sandaling maalala ko ang kinalalagyan ngayon ng pamangkin ko. "Kumusta na kaya siya?" Wala sa sarili kong bulong na hindi ko inaasahang makukuha ang atensyon niya. "She's doing great. Balita ko ay may business na sila" patungkol niya kay Sister Esme na tinanguan ko na lang. Anak mo ang iniisip ko, Coby. Anak mo kay Thalia. "Sister Esme narito na ang pinakapaborito mong alaga !" Tili ni Sister Joy bago lumapit kay Coby at mahigpit na niyakap. Siya ang unang nakakita samin sa labas at paniguradong nasa loob ng amounan ang mga bisita. Halos mapaigtad ako sa pagkakatayo nang bumaling ito ng tingin sakin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang mapanuri at nagtataka nitong mga mata. Tiyak naman napansin iyon ni Coby kaya marahan niyang iniyakap ang kamay niya sa bewang ko at agad na inilapit sa kanya. "She's Elise, Sister Joy. She's my future wife" pakilala ni Coby dahilan upang nakangiti akong bumaling sa babaeng natutop ang bibig dahil sa gulat. She doesn't know me. Hindi niya na yata ako nakikilala. "Hello. I'm Elise Conquez" pakilala ko na mas lalong ikinalaki ng mata niya. "Ikaw yung nawawalang kapatid ni Tha--" "Yeah" putol ni Coby na nginiwian ko na lamang. "Where's Sister Esme?" Tanong niya dahilan upang ilahad na samin ni Sister Joy ang daan patungo sa loob. "Omhayghad Coby. I thought si Thalia ang pakakasalan mo.." rinig kong pabulong na tanong ni Sister Joy kay Coby na kaagad niya namang pinigilan. "She's not my type.." pabulong na sagot ni Coby. Wala naman akong nagawa kundi magpatiuna sa paglalakad papasok. "Weh? Parang nung nakaraang taon lang ay hinahanap mo si Thalia samin.." Nakaraang taon? Agad akong natigil sa paglalakad na ikinatigil rin nila. Pakiramdam ko tuloy ay mahihimatay ako dahil sa labis na pagseselos sa mga naririnig ko sa kanila ngayon. "Are you okay?" Sagap agad ni Coby sabay hawak sa braso ko ngunit prente ko lamang itong iniwas sa hawak niya. "Elise.." nag aalala nitong tanong. "I'm okay" sagot ko na lamang bago nagpatiuna sa paglalakad. Pagdating sa loob ay inaasahan ko na ang napakaraming tao. Ang ilan rito ay mga kawani ng baranggay na tiyak kong kaibigan rin ni Sister Esme. May iilan ring bata na tiyak kong namamalagi rin rito sa ampunan dahil sa uri ng mga pananamit nito. "Coby" bati ni Sister Esme kasabay rin ng yakap. Kabi kabilang batian ang namayani bago nila napansin ang presensya ko. "Siya nga pala si Elise Conquez" pakilala sakin ni Coby na tinanguan ko bilang pagbati sa mga nagugulat nilang mga mata. "Ikaw yung kapatid ni Thalia na nawala?" Gulat niyang tanong na nahihiya kong tinanguan. "I'm glad you're back. Mabuti na lamang at nakita ka na niya" natutuwa niyang bati bago lumapit sakin at ginawaran ako ng mahigpit na yakap. 'Ako ang nakadiskubre sa sarili ko at hindi siya..' bulong ko sa sarili kasabay ng lihim na pagbuntong hininga. "Speaking of Thalia. Malapit na silang dumating" panimula ng babaeng kaedaran lang nila Coby. "Mabuti naman kung ganon" "Sila?" Kuryosidad na tanong ni Coby na lihim na nagpakunot sa noo ko. "Sinong kasama niya?" "Aruyy. Bakit curious ka hah?" Pang aasar nung babae na inangilan ni Coby. "Tumigil ka Cassandra" pairap na sagot nito bago nag aalalang bumaling sakin na nginitian ko na lamang. Nangako ako sa sarili kong hinding hindi na ako magseselos. Wala na akong pagseselosan kahit na kanino pa man. Nakuha ko na ang mga bagay na para sakin. Nariyan na si Daddy, sila Tita Francheska, ang mga pinsan at kamag anak ko.. at nariyan na rin si Coby sa tabi ko kahit na natutuon pa rin sa iba ang atensyon nito. "HAPPY BIRTHDAY SISTER ESMERALDA !" sigaw ng isang pamilyar na boses kaya naman nabulabog ang karamihan at nilingon ang pinto kung saan nanggaling ang tinig na iyon. "EMERTON!" sigaw nilang lahat bago tumakbo kay Emerton ngayon na animong business tycoon dahil sa office attire na suot nito. May hawak siyang cake sa kanang kamay habang ang kaliwa naman nito ay may nakalingkis na kamay ng isang babae. Hindi na rin ako nagulat nang makita ko muli si Thalia. Simula nung nakaraang nag usap at nagkaayos kami ay iyon na ang pinakahuling pagkikita namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD