CHAPTER SIXTEEN Napa ngiwi ako dahil sa sinabi niya. Kinuha ko ang kanyang palapulsuhan at dinala sa kung saan walang masyadong tao. Binitawan ko siya't nag salita, "Paki ulit nga ng sinabi mo" "Bakit ko pa uulitin? Klaro mo namang narinig ang sinabi ko, hindi ba?" malaming niyang tugon. Napaikot ako ng mata sa kanyang kasagutan. Am I talking to myself? Napaka walang kwenta niya din kasing kausap. "Tell me, paanong naging ako ang target ng mafia clan niyo?" seryosong tanong ko. Tumingin siya sa'kin ng diretso at ngumisi, "Natatakot ka ba?" I rolled my eyes for the second time, "At ano naman ang ikakatakot ko?" taas kilay kong sabi. I'm not scared, I'm just curious. I sighed, "Just tell me kung paanong 'ako' ang naging target ng mafia clan niyo" pagbabalik ko sa kaninang katanungan