CHAPTER FIFTEEN JENNIFER'S POINT OF VIEW "Y-You mean, nakasalubong niyo si Lyan nung kinakaladkad ka ng tatlong bruhang iyon? Then nung sinabi mong kaibigan mo siya, tinanggi ka niya at hindi tinulungan?" nangungumpirmang tanong ko kay Rachel na ikinatango niya bilang sagot. Napa buntong hininga ako. Alam kong hindi ko na dapat pa ikagulat iyon dahil matagal ko na siyang kilala, ganoon na talaga ang ugali niya. Aaminin ko, magaspang talaga ang ugali niya pero hindi ko ipagkakaila na kahit papaano ay may kabaitan din naman siya. Yun nga lang, kung ipakita niya iyon ay once in blue moon. "Jennifer.." "Hmm?" "D-Diba, ayaw mo sa'kin? Bakit mo sinabing k-kaibigan mo ko?" nakayuko siya nung itanong ito sa akin animoy nahihiya. "Oo nga. Ayoko sayo pero dati yun! Wag mo na tanungin kung pa