CHAPTER TWENTY SIX WARREN'S POINT OF VIEW "Ate naman! Si Sherwin nalang ang utusan mo o kaya yung mga katulong na lang diyan!" pagrereklamo ko. Paano ba naman kasi ay pinapapunta niya ko sa National Bookstore. Ewan ko ba dito sa pinagsasabi nito. Yung author daw tapos yung libro tapos—ah ewan! Nakakayamot. "May inutos sa'kin si papa, hindi ako pwede." biglang sulpot ni Sherwin. "Edi hindi din ako pwede!" giit ko. "At bakit hindi ka naman pwede?" taas kilay na tanong sa'kin ni ate. "Hindi ako pwede kasi—teka, hoy Sherwin! Ano ba yung inutos sayo ni papa ha?" pasigaw kong tanong. "Pinapaayos sa'kin ni papa yung antenna ng tv niya" walang kwentang sagot niya. "Ginagago mo ba ko—Ahh. Aray!" napalingon ako sa gawing pinanggalingan ng isang tsinelas na lumipad pasapol sa mukha ko, "Ano b