Anong ginagawa ni Keith dito? Hindi niya maiwasang alalahanin ang sakit na idinulot sa kan'ya. Bakit kailangan pa nilang magkita? Okay na sana, eh! Masaya na siya. Sanay na siyang wala ito. At sa tuwing nakikita naman ito sa balita, hindi naman na siya naapektuhan. Iniisip niyang hindi ito kilala, o nakilala man lang. Pero bakit ngayon, ang hirap mag pretend. Ang hirap sabihin sa sariling hindi niya ito kilala. Ang hirap utusan ang puso na 'wag maingay, ang lakas ng tahip ng dibdib niya. Matagal bago siya nakahuma. Hindi niya talaga ini-expect ang presens'ya nito dito. Kung hindi pa siya hinila ni Kristen, hindi siya matitinag sa kinatatayuan. Kita niyang nakasunod ang tingin nito sa kan'ya. Wala sa sariling pinili niya ang pagitan ni Grecco at ng isang lalaki. Umusod si Grecco para makau