Napadaing si Thea nang bigla siyang bumaling. Kasabay niyon ang pagmulat niya ng mata.
Napatingin siya sa katabi. Natampal niya bigla ang sarili nang maalala ang nangyari sa kanila ni Keith. Ngayon lang rumagasa ang takot sa dibdib niya. Wala namang kasiguruhan sa kanila ni Keith.
Sinabunutan pa niya ang buhok ng ilang beses bago tumayo ng kama. Tulog na tulog ang binata.
Kaagad na hinanap niya ang bag niya. Hindi siya umaalis ng apartment na walang extra, mula sa panloob hanggang sa damit.
Napangiwi siya nang sumakit ang maselang bahagi niya ng masagi ng panty niya. Mas lalo na ng isuot ang leggings. Tinapunan niya ng tingin ang binata. Ganito pala ang pakiramdam na ma-divirginize, sarap sa una tapos sakit sa huli. Partida, pinagpala ang pa adonis na nakahiga sa malaking kama.
Gumalaw si Keith kaya nagmadali siyang lumabas ng silid.
Napatingin siya sa wallclock. Alas-kuwatro na pala ng umaga. Ano na lang ang sasabihin ng kan'yang mga kasamahan sa apartment. Kung saan-saan siya natutulog. Ang masama pa, binigay na niya ang sarili sa lalaking kailanman hindi magiging kan'ya.
Nakailang lingon pa siya sa pintuan ng penthouse ni Keith bago tuluyang hinayon ni Thea ang sarili palapit sa elevator.
Nahihiyang lumabas siya ng hotel ng mga sandaling iyon. Ang ilang tauhan ng hotel na iyon ay nakangiti sa kan'ya. Buti, wala pa ang kaibigan, paniguradong papaaminin siya nito.
Kaagad na pinara niya ang taxi para makaalis na ng lugar na iyon. Hindi niya alam kung paano haharapin si Keith kapag nagising ito.
Nakahinga siya ng maluwag ng makitang walang tao sa sala nila. Mga tulog pa siguro ang mga ito. Sabagay, wala namang pasok sa trabaho.
Kaagad na hinubad niya ang damit. Napakamot siya bandang dibdib nang maramdaman ang pagkati. Humarap siya sa salamin.
Tumagilid siya at sinilip sa salamin ang likod. Puno din ng pantal kagaya ng ng nasa dibdib niya.
Saan ba niya ito nakuha? Sa alak ba? Ibig sabihin alergy siya sa alak?
Aalis na sana siya sa salamin nang makita ang kissmark sa magkabilaang leeg niya. Napangiwi siya bigla. Ba't ba naisipan ni Keith na lagyan siya nito? Ang hirap pa naman nito itago dahil lagi siyang nakatali ng buhok.
Nakaramdam siya ng pagnginig nang kamutin ang likod na nangati. Napahawak siya sa labing nanuyo na. Parang nakulangan naman siya sa tubig.
Nagbihis siya ng damit at nag jogging pants dahil pati ang legs niya ay mayroon ding pantal. Lumabas siya at uminom ng tubig para mabasan ang pagka-dry ng mga labi.
Mabilis din namang nakatulog si Thea. Pakiramdam niya nilalamig na din siya kaya nagtalukbong siya ng kumot.
Nagising siya sa yugyog ni Zoe sa kaniyang balikat. Hinawi niya ng kaonti ang kumot at sinilip ito.
"B-bakit?" aniyang napipilitang sumagot.
"May naghahanap sayo sa labas, naku pinagpiyestahan na ng mga kasamahan natin!" anitong malapad ang ngiti.
Ipinikit niya ang mata at sinagot ito.
"Sabihin mo bumalik siya ng hapon," mahinang sabi niya.
Nagulat siya nang hablutin ni Zoe ang kumot niya. Bubuka sana ang bibig nito nang tumitig ito sa leeg niya. Bigla niyang hinablot ang kumot sa kamay nito.
"Zoe naman!" galit na siya pero mahina ang boses niya.
Hindi ito natakot, nakatitig na naman ito, pero sa ngayon sa mukha na niya.
"Anong nangyari d'yan, Theang?" Nguso nito sa mukha niya.
Napakunot-noo siya dito. Hindi nakailag nang hawakan nito ang mukha niya.
"Oh my God! Nilalagnat kang babaita ka! Uminom ka ba ng gamot?"
Bigla siyang napahawak sa noo. Mainit nga, maging sa leeg hinawakan niya din.
Napailing siya dito. Gusto pa ng mga mata niya matulog. Mapupungay na siguro.
"Tsk. Nasobrahan ka din ba sa alak kagabi? Mukhang may allergy ka sa alak. Sandali, at kukuha ako ng gamot," anito at iniwan siya.
Muli niyang itinalukbong ang kumot sa sarili. Ngayon niya lang naramdaman ang pananakit nga buong katawan. Napangiwi siya nang galawin ang mga binti. Hanggang ngayon ramadam pa rin niya ang pagkirot ng maselang bahagi niya.
Nagulat siya nang biglang bumukas ang pintuan. Bigla niyang hinawi ang kumot para tingnan kung sino iyon.
"Baby... "
Uupo sana siya nang marinig ang boses na iyon pero bigla siyang nakaramdam ng pagkirot. Hindi na niya itinuloy ang pag-upo. Iisa lang ang tumatawag niyon sa kan'ya.
Hindi nga siya nagkamali si Keith iyon. Lumapit ito sa kan'ya at naupo sa maliit niyang kama.
"Anong ginagawa mo dito?" Hindi siya makatingin dito ng maayos.
"Sabi ni Zoe, nilalagnat ka daw?" sabi nito imbes na sagutin ang tanong niya.
Hindi siya nakaiwas sa kamay nito nang salatin nito ang noo niya.
"Keith," anas niya.
Tinitigan siya nito kapagkuwan. Medyo madilim ang mukha nito.
"Pagod na pagod ka, tapos bumiyahe ka ng ganoong oras? Paano kung sa biyahe ka inabot ng lagnat? Paano kung napahamak ka? Tingnan mo, lalo kang nilagnat. Bakit ba hindi mo ako ginising bago ka umalis?"
Hindi siya nakasagot dito. Paano ba niya sasabibing nahihiya siya ng sobra dahil sa ginawa nila. Bakit ba parang wala lang ito, samantalang, siya, hiyang hiya na.
Akmang uupo siya nang pigilin nito.
"'Wag ka nga munang kumilos," anito at may kinuha sa bulsa. Telepono ang kinuha nito. May tinatawagan ito.
Hindi na niya narinig ang mga sinabi nito dahil nilamon na naman siya ng antok. Naramdaman niya ang pag-angat sa ere pero mas pinili niyang ipikit ang mata at matulog. Parang lahat ng pagod niya, ngayon niya lang naramdaman.
Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog. Napakunot-noo siya nang makita ang pamilyar na silid na iyon. Napabalikwas siya ng bangon sabay libot ng paningin. Hinahanap ng mata niya si Keith.
Napatigil siya sa pagbaba sa kama nang iluwa si Keith ng pintuan. May bitbit itong tray, na may lamang pagkain.
"P-paano ako nakapunta dito?" nagtatakang tanong niya.
Hindi nito pinansin ang tanong niya kaya tumayo siya at nilapitan ito.
Inilapag nito ang tray sa side table ng silid nito. Humarap ito sa kaniya kapagkuwan. Napalunok siya nang makita ang madilim nitong mukha.
Napasigaw siya nang bigla siya nitong buhatin.
"Keith, ano ba!" sigaw niya at pinagpapalo ito sa dibdib.
"Stop it, Thea!" sigaw din nito kaya napatigil siya. Masuyong pinaupo siya nito sa kama. "Sino ba nagsabi sayong tumayo ka? Hindi ka pa nga magaling, eh!"
"U-uwi na ako. Masyado na akong nakaka-abala sayo," nahihiyang sambit niya.
"Sino nagsabing nakakaabala ka?" anito at sinalubong ang titig n'ya.
'Di siya nakatiis, umiwas siya ng tingin dito. Napapitlag siya nang hawakan nito ang magkabilaang pisngi niya at iniharap nito sa kan'ya. Napapikit siya nang masuyo nitong inilapat ang labi nito sa kan'ya. Kinintalan pa nito ng halik ang noo bago siya binitawan. Nagmulat siya ng mata at tumitig dito.
"Who told you, huh? Kailanman, hindi ka pabigat sa akin. Isa pa, Gusto kong lagi kang nakikita, Thea. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I... I like you, Thea," anitong hindi kumukurap. Mukhang pinag-aaralan nito ang reaksyon niya.
Napaawang lang siya ng labi dahil sa sinabi nito. Mukhang sinsero naman ito. Pero may mali.
"Akala ko ba, may mahal kang iba?" wala sa sariling tanong niya.
Natigilan ito saglit.
"Y-yes. Pero gusto din kita, Baby,"
Kinapa niya ang sariling damdamin. May kung anong gumuhit doon. Pinapaasa ba siya nito at pinaglalaruan?
"Isa lang, isa lang dapat, Keith. Kaya mo lang ako nagugustuhan dahil ako ang lagi mong kasama. At isa pa, magkaiba ang gusto sa mahal. Pini-please mo lang ako, Keith. Sa tingin ko nabo-bored ka lang dito sa Dubai kaya mo nasabi 'yan. At para may thrill, makikipaglaro ka sa akin ng apoy tapos-"
"Kasal na siya," agaw nito sa sasabihin niya. "Kailanman hindi siya naging akin, ako lang ang nagmamahal, Thea. Ako lang... Pagod na ako, pagod na akong lokohin ang sarili ko. At isa pa, may dalawa na siyang anak... sa Kuya ko." Bumuntong hininga ito at tumingin sa kaniya ng derecho.
Hindi niya akalain na broken hearted pala ang sikat na mang-aawit na ito. Kaya ba walang napapabalitang naging opisyal na girlfriend nito? Sobrang sakit siguro noon dahil sa kapatid pa nito mismo nagpakasal. Nakaramdam siya ng awa para dito.
"Pero noong una kitang makita dito, nakuha mo agad ang atensyon ko. You amazed me. Ang simple mo lang, mas simple ka pa sa kan'ya. Nagustuhan ko iyon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kung bakit gusto pa kitang makita pagkatapos ng araw na 'yon. Namalayan ko na lang sarili kong hinahanap-hanap ka. Sa totoo lang, may taga-luto naman dito sa hotel. Puwede din naman akong kumain sa, labas, sa mga mamahaling restaurants. Pero dahil gusto nga kitang makita araw-araw, sinabihan ko ang kaibigan mo na papuntahin ka dito. Dahil nga gusto kita, gusto pa kitang makilala, Thea. May gusto akong siguraduhin. Ngayon, sigurado na ako sa naramdaman ko. I like you so much, Dorothea Contreras. Now, tell me. Nakikipaglaro ba ako sayo? Huh?" mahabang litanya nito na ikina-tulala niya.
Si Keith, may gusto sa kaniya? Hindi naman yata siya tanga at bungol, ano?
Ang bilis ng t***k ng puso niya ng mga sandaling iyon. Parang gusto niya itong yakapin dahil sa mga sinabi nito.
Napatingin siya sa kamay niya na hawak na pala ni Keith. Hinalikan nito kapagkuwan habang nakatitig sa kan'ya.
Natigilan siya bigla sa tanong nito.
"Will you be my girlfriend, Thea?"
"Keith... " Hindi siya makapaniwala sa tanong nito.
"Baby, please? Will you be my girl? Ngayon lang ulit ako nagkagusto sa babae, kaya please-"
"Y-yes, Keith." Agaw niya sa sasabihin pa sana nito. Wala namang masama kung subukan niya, nila ni Keith.
"Yes, as in girlfriend na kita?" masayang tanong nito at hinuli pa ang magkabilaang pisngi niyang namumula na.
Napalabi siya sa tanong nito. Tumango siya mayamaya. Umaliwas lalo ang mukha nito dahil sa tuwa.
Hindi siya kumontra nang hapitin siya nito at mahigpit na niyakap. Bumitaw ito sa pagkakayakap at mariing siniil siya ng halik sa labi.
"Thank you, Thea, Baby... "masuyong sambit nito sabay kintal ng halik sa labi niya. Pero nagulat siya nang bumitaw ito sa kan'ya.
"Don't do that again, huh?"
Napakunot-noo siya sa tanong nito.
"Ang alin?"
"Ang iwan ako! Pinag-alala mo din ako dahil sabi ng staff ng hotel, maaga ka daw umalis. Hmp!" sabay kurot nito sa pisngi niya.
Natawa siya bigla sa sinabi nito. "Bakit, nasanay ka bang ikaw ang nang-iiwan pagkatapos mag-ano?"
"No! Hindi yan ang ibig kong sabihin, Baby. Nag-alala nga, eh. Di ka nagpa-alam man lang. Isa pa, gusto kong pag-usapan ang tungkol sa atin paggising kaso iniwan mo na nga ako."
Napangiti siya sa sinabi nito.
"Actually, nahihiya ako baka palayasin mo ako paggising. Di ko yata kaya-Aray!" Napadaing siya dahil malakas ang pagkakapisil nito sa ilong niya.
"Ikaw lang ang lasing sa ating dalawa, Baby. Kung alam mo lang, kung gaano ako nagpipigil sayo nitong mga nakaraan. Pero ngayon hindi na ako magpipigil," anito sabay sakop ulit sa labi niya.
Bago pa man lumalim iyon, bumitaw na ito.
"Pagaling ka muna, Baby," makahulugang bulong ng nobyo sa kaniya.