Chapter 1: Riverhills’ High

1129 Words
IN the town of Riverhills, one week after they celebrate the happiest new year in their lives. A new mysterious event is raging in this town. In the middle of a rainy day as blood sheds the town, lightning flashes in the sky as shocking news will be heard. “2-1-1-2 Thornhill Resident. We got a male dead body found inside the house of the Thornhills . . .” from the Chief radio. Nakaparke sa harap ng bahay ng mga Thornhill ang dalawang kotse ng mga Chief, habang ang pamilya ng mga Thornhill ay nakatayo sa hagdanan papasok ng kanilang bahay. Yakap-yakap ni Mr. Fred Thornhill ang asawa habang walang humpay itong umiiyak. Lumapit si Chief Copper sa mag-asawa upang kausapin sila. “Puwede po ba namin kayong makausap tungkol sa nangyari, Mrs. Thornhill?” Chief Neil Copper approached and asked in his low voice. Umalis sa pagkakayakap si Mrs. Thornhill at nagsalita. “We have already told you, ‘di ba? He committed suicide. What else do you want to know?!” galit nitong sabi habang tumutulo ang mga luha sa kaniyang mukha na sumira sa lower lids make up niya. “Pasensya ka na, Chief.” Paghingi ni Mr. Thornhill ng pasensya. “It’s okay, Mr. Thornhill. I understand. Babalik na lang po kami bukas. Tumawag na rin po ako sa Riverhills’ Funeral Home para kunin ang katawan ni Jason.” wika ni Chief Copper, at tumalikod palayo sa mag-asawa.             Dalawang under-chief ang lumapit kay Chief Copper upang kausapin siya. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagdududa. “Ano ‘yon?” tanong ni Chief Copper at sabay inayos ang suot nitong kayumangging Chief hat. “Naniniwala po kayo sa sinasabi ng pamilya nila?” tanong ng under-chief na nasa dalawampu’t anim ang edad. “Hindi natin dapat na talakayin ang mga paksa na tulad n’yan dito. Tara, babalik na lang tayo bukas.” sagot ni Chief Copper, at naglakad patungo sa sasakyan niya. Bago siya pumasok sa loob ng sasakyan. May sinabi muna siya sa dalawang under-hief. “Maghintay na muna kayo rito, hanggang sa dumating ang funeral home. Samahan n’yo sila, para siguraduhing ligtas ang katawan ni Jason. Copy?” “Yes, Chief!” sabay na sagot ng dalawa.             The Thornhill family is the richest family in the town of Riverhills. Sila ang may pinakamalaking lupain at bahay sa buong pamilya na naninirahan dito. Pagmamay-ari rin nila ang malalaking lupain ng sakahan ng kape. Isa sa pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito.             Just a few minutes passed about what happened to Jason began to spread throughout the town. “Isang A-student nag-suicide–natagpuan ang kaniyang katawan sa loob ng sariling kwarto na nakasabit mula sa isang lubid . . .” voice from the radio.             Even though their family is very rich, they cannot afford the life of the child they lost. Sobrang nakalulungkot na pangyayari sa pamilya nila. Hindi ko lubos maisip kung gaano kasakit sa isang ina ang mawalan ng anak.     THE month of January has passed. Nagbalik na ulit ang klase sa Riverhills’ High School. Sobrang nasasabik ang karamihan sa muling pagkikita ng kanilang mga kaibigan. Napuno ang hallway lockers ng mga estudyanteng nakatayo habang nag-uusap. Nagmistulang palengke ang loob dahil sa ingay nila. “Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Totoo ba talagang nagawa niyang magpakamatay?” “An A-student? Imposible naman na nagpakamatay dahil sa acads, ‘di ba?” “Sa tingin ko . . . pinatay siya.” “Sobrang bait pa naman niya.” “Sayang, sobrang yaman pa naman ng pamilya niya. Died at a young age.” “I think, deserve niya lang mamatay!” “Hoy, patay na nga ang tao! May galit ka pa rin sa kaniya?” “Nandito lang kami for you, Leticia.”             The hallway lockers suddenly fell silent when the school bell rang. The ringing of a school bell announces important times to a school's students and staff, such as marking the beginnings and ends of the school day, classes, and breaks. Nagsipasok na ang lahat ng mga estudyante, habang kasunod ang mga adviser nila sa kani-kanilang mga silid-aralan. “Good morning students . . .” an old bossy voice coming from the school public address system or speaker. “I think, we already know what happened to one of our school’s pride. Nakalulungkot man na isipin na nagawang . . . pero ipagdasal na lang natin na sana nasa maayos na kalagayan si Jason.” nakakabingi sa sobrang tahimik ng lahat. Nakikinig sila. “And welcome Riverhills’ students for another school year! Happy new year everyone!” microphone off.             The school won’t stop for a one suicide student’s case. Nag-umpisa ang klase na parang walang nangyari. Pero si Leticia, Leticia Thornhill. Jason’s twin sister. Hindi niya kayang magpanggap na okay lang ang lahat. Halos wala siyang marinig na ingay sa kaniyang paligid habang nagsasalita ang kaniyang adviser sa harap nila. Ang tanging naririnig niya lang ay ang alingawngaw nang bawat pagpatak ng ulan sa labas ng paaralan nila hanggang sa naging susi ito upang bumalik sa alaala niya ang nangyari kay Jason. Ang malakas na pagpatak ng ulan at ang pagdating ng mga Chief sa bahay nila. Ang alaala noong araw na namatay si Jason. “Leticia? Leticia are you okay?” kanina pa siya tinatawag ng kaniyang guro, pero hindi niya ito narinig. “Leticia?” tawag ni Reymark sabay tapik sa kamay ni Leticia. Magkatabi lang kasi sila ng upuan.             Nang mahimasmasan si Leticia ay napalingon siya kay Reymark. Blangko ang kaniyang mukha at walang reaksyon, ngunit kanina pa tumutulo ang kaniyang mga luha. “Are you oka–” hindi na natapos ni Reymark ang sasabihin niya ng biglang tumayo si Leticia at dali-daling lumabas ng silid. Nagulat ang lahat sa naging asal ni Leticia, pero naiintindihan naman nila kung bakit ito nagkakaganiyan. Pumunta sa C.R. si Leticia upang ilabas ang lahat ng bigat na nararamdaman sa loob niya. She closed the door and locked it. Humarap siya sa salamin at tinitigan ang sariling repleksyon. There’s something inside her that she wants to let it out. Gusto niyang sumigaw ngunit makakakuha lamang ito ng pansin mula sa mga mag-aaral na naglalakad sa labas ng palikuran. “Tecia? Are you there?” a voice coming from outside. “It’s me, Jay Ann. Please, open the door.” Nang marinig ni Leticia ang pangalan ng babaeng nagsasalita, agad niyang tinungo ang pinto at pinagbuksan ito. Pagkabukas, sinalubong agad ni Jay Ann ng malapad na yakap si Leticia. “Okay ka lang?” aniya. Tumango lang si Leticia at niyakap pabalik ang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD