"Hindi mo kakausapin ang asawa mo?" tanong sa akin ni Mathew nang nasa loob kami ng kotse niya. Sinundo nila ako sa bar kung saan ako uminom. Kilala ako sa disco-bar na ito kaya naman kapag nalalasing ako ay alam nila kung sino ang tatawagan nila. Mula sa bintana ng kotse ay tiningnan ko si Veronica. Nakatingin siya sa kotse ni Mathew marahil ay hinihintay niya na umalis kami bago siya umalis. May bahagi ng isip ko ang nagsasabi na puntahan ko siya ngunit sa tuwing naiisip ko ang sinasabi niya habang kasiping niya si Ryan ay nagsisimulang mag-init ang ulo ko. Hindi ko matanggap na kaya niyang makipagtalik sa ibang lalaki gayong ginawa ko naman ang lahat para maging masaya siya sa tuwing nagtatalik kami. "I want to go home." Bumuntong-hininga si Mathew pagkatapos ay pinaandar niya ang k