CHAPTER 9

2010 Words

Ilang minuto kong tinitigan ang isang pitsel na may lamang orange juice na nasa harapan ko. Nag-iisip ako ng magandang gagawin ngayong araw. Nararamdaman ko naman kasi ang pagkaburyo ko. Hindi ko na kasi alam kung anong bagay pa ang magbibigay sa akin ng saya. Lahat na kasi ng gusto ko ay binibigay sa akin ni Lester minsan pa nga ay sumusobra pa. Tiningnan ko ng cellphone ko. "Tawagan ko kaya si Dina o kaya si Tiffanie?" Silang dalawa lang kasi ang puwede kong kausapin dahil si Cyndi ay nasa Amerikana kasama ang kanya asawa. "Baka busy sila sa ngayon." Ibinababa ko ang cellphone ko at sinubsob ko ang mukha ko sa lamesa. "Nakakaboring ang araw na 'to." Wala kasi ang mga anak namin ni Lester nasa mga Lola at Lolo nila. Gano'n ang mga ito kapag araw ng linggo. Ang tahimik tuloy ng mansyon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD