"Sandali lang huwag kang umalis!" Narinig ko ang boses ni Shanaie na hinahabol ako. Huminto ako at humarap sa kanya. Nakahanda ang mga kamay ako sa maaring gawin niya sa akin. Pailalim ko siyang tinitigan. "Maliban sa mukha mong tadtad ng retoke anong problema mo?" May dinukot siyang pepper spray sa loob ng bag niya. "Sa tingin mo papayag akong hindi makakaganti sa iyo!" In-spray niya sa akin ang pepper pero bago pa tumama sa mga mata ko ay naharangan ko ng bag ang mukha ko. Nagkaroon siya ng pagkakataon na sabunutan ako. "Walang hiya kang babae! Kakalbuhin kita!" sigaw ni Shanaie. Nang maitapon niya ang pepper spray ay hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya kaya bumaon ang kuko ko sa kamay niya. Sumigaw siya sakit kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na hilahin siya at kagatin ang kamay