"Veronica, maraming salamat sa tulong mo. Hindi ko inaasahan na tutulungan mo ako sa kabila ng mga ginawa kong kasalan sa inyong mag-asawa." Pinunasan ni Rachelle ang luha niya sa pisngi. Ngumiti ako sa kanya. "Walang anuman. Nagpapasalamat din ako sa tulong n'yong dalawa ni Arman." "Sana mabigyan ng hustisya ang nangyari sa Kuya ko." Tumango ako. "Huwag kang mag-alala gagawin natin ang lahat para makulong si Rafaela Suarez.' Nang malaman ni Rachelle na si Rafaela ang totoong pumatay kay Ramil. Tinawagan niya ang bunso nilang si Arman para magpanggap na si Ramil. Hindi kasi nagkakalayo ang itsura ni Ramil at Arman kaya sa unang tingin ay mapagkakamalan siyang siya si Ramil. Siya ang tumawag sa amin noon para malaman namin kung sino ang nasa likod ng mukha ko. "Ikaw na lang ang pag-asa