"Mahal, mamaya pa ako makakauwi may pinag-uusapan pa kami ng mga friends ko. Hintayin mo na lang ako. I love you." Napangiwi ako habang pinakikinggan ang sinabi ni Dina sa asawa niya. Kaming mga babae naman kasi ngayon ang magkakasama. Katatapos lang namin mag-shopping at pumunta ng parlor kaya nasa restaurant kami para kumain. "Bakit ganyan ang itsura mo?" Nakataas pa ang kilay ni Dina na Tanong sa akin. "Kanina pa tawag nang tawag ang asawa mo parang akala mo mawawala ka ng ilang araw." "Gano'n talaga may baby akong naiwan sa bahay." "Veronica, kumusta na kayo ni Lester? Alam na ba niyang bumalik ka na?"Tanong no Cyndi sa akin Tumango ako. "Alam na niya." "Oh, nagkausap na ba kayong dalawa?" muling tanong ni Cyndi. Sinipsip ko muna ang pineapple juice bago ako nagsalita. "Bigla a