Welcome back to me." sambit ko nang tuluyan na huminto ang eroplano namin sa NAIA airport. Halos anim na buwan akong nagtiis sa ibang bansa para lang bumalik ang dati kong mukha. Sa loob ng anim na buwan nagpatuloy ang pag-imbestiga nila at nalaman namin na si Rafaela Suarez ang nagnakaw ng mukha ko. Nang malaman ko iyon ay gusto ko ng bumalik ng Pilipinas para sampalin siya. Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot. Pangalan ni Dina ang nasa screen ng phone ko. "Hello, Dina." "Where are you? kanina pa kami rito?" umikot ang eyeballs ko nang marinig ko ang inis ni Dina sa akin. "I told you nabago ang oras ng flight dahil nagkaroon ng aberya." "Oo nga, kaya lang late ko na nalaman." "It's not my fault. Anyway, kasama mo ba ang baby mo?" Tatlong buwan ng ang baby ni Dina