Chapter 1

1415 Words
Kabababa lang ni Florecita sa bus, sumalubong sa kanya ang mainit na panahon. "Grabe, ang init." Bulong niya sa sarili, ipinaypay niya ang isang kamay sa mukha. Tiningnan niya ang maliit na papel na kanina niya pa hawak. Kinakabahan siya dahil ito ang unang pagkakataon na magbiyahe siyang mag-isa sa lugar na hindi siya pamilyar pero kailangan niyang lakasan ang loob para sa kinabukasan. "Magtanong kaya ako pero baka ma-budol ako, ang dami pa namang manloloko ngayon," bulong niya sa sarili. "Bahala na nga." Naglakas loob siyang magtanong sa isang lalaking naka -uniform ng kulay asul. Tantya niya ay nasa 50's na ang edad nito. Nakatayo ito sa kulay itim na kotse, mercedes benz pa ang nakalagay na logo. "Manong, excuse me po," tipid siyang ngumiti. "Bakit ineng? " "Alam niyo po ba itong address na ito?" Ipinakita niya ang papel na may nakasulat na address. "Oo, bago ka rito ano?" Tipid siyang napatango, mukhang mabait naman kasi ang lalaking napagtanungan niya. "Hindi ko alam ang eksaktong address na iyan pero may kakilala akong madadaanan ang lugar na iyan mula rito." Sabi ng lalaki sa akin. "Sino po? " Inosente niyang tanong. "Iyong may-ari nitong sasakyan, hintayin natin nag-Cr pa siya. Magkakasundo kayo ng may-ari nito, mukhang magkaedad lang naman kayo eh. " Magiliw nitong sabi. Pilit akong ngumiti, saka naitanong sa sarili kung sino kaya ang lalaking tinutukoy nito. "Ilang taon ka na ba ineng? " Mayamaya ay tanong ng lalaki sa kanya. "Nineteen po. " Tipid kong sagot. "Ah, hindi nga kayo nagkakalayo ng edad ni Yross. Ano ba'ng gagawin mo rto?" Curious na tanong ng lalaki sa akin. Masyado namang madaldal ang lalaking 'to sa isip isip niya, sasagot na sana siya nang bigla itong magsalita ulit. "Ayan na pala si Yross, dito ka muna ha kausapin ko lang, suplado lang siya tingnan pero mabait siya." Magiliw nitong sabi sabay alis, sinundan niya ito nang tingin, nakita niya na sinalubong nito ang isang matangkad na lalaki, sa nakikita niya habang nag-uusap ang mga ito ay parang galit dahil nakakunot na ang noo ng binata. Parang napipilitan itong tanggapin ang pakisuyo ng lalaking napagtanungan niya. "Suplado," bulong niya. Mayamaya ay kasama na ito ni Manong, nakasimangot ito at nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pants nito. "Address." Inis nitong saad sa kanya. Hindi niya alam kung tanong ba ito o utos. "Ha?" mahinang usal niya. Napatulala naman siyang napatitig sa lalaki, sobra kasi nitong tangkad at sobrang pogi pa. Kung hindi lang ito suplado ay baka nag heart-heart na ang mga mata niya. "Address daw ineng." Pag-uulit ni Manong sa sinabi nito. "Ay heto po," iniabot niya ang address kay Manong. Ang suplado talaga ang lalaking 'to! Saad ng isipan niya. Ipinakita naman ni Manong ang address dito. "Ano'ng gagawin mo sa address na ito?" Masungit na tanong sa akin ng binatang suplado. Napakaantipatiko talaga! Sa isip isip niya. Tiningnan pa siya head to toe! Akala mo naman kung sino! Tinaasan niya ito ng kilay. "Diyan ako nakatira, may problema ka ba?" mataray niyang sagot dito. "Talaga lang, huh!" palatak nito na para bang hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Huwag na nga kayong magtalo, Yross ihatid mo na lang itong dalagang 'to baka ma-paano pa rito. Sige na." Pakiusap ni Manong sa lalaki na nangngangalang Yross. Naiinis si Yross lalo na nang matitigan niya ang babae, bakit kasi nang-iistorbo eh! Kagagaling niya lang sa bakasyon tapos heto may nang-iistorbo pa! At saka bakit ba ganyan hitsura niya? Panlalait niya dito sa babae, magmamadre ba ito? Hanggang talampakan ang palda tapos loose pa ang tshirt na suot at naka-backpack. Ano 'to backpacker? Napabuntong hininga na lang siya. "Sige na, sumakay ka na." Walang emosyon na sabi ni Yross sa babae. "Sandali lang, paano ko malalaman na mapagkakatiwalaan ka?" tanong pa ng babae sa kanya, mas lalo siyang nainis dito. "If you don't want to get a lift, it's fine with me. Dami mong arte!" naiiritang sabi niya sabay sakay sa sasakyan. "Wait lang! Ito naman masyadong suplado. Dinaig pa iyong babaeng may regla!" Sabi ni Florecita na ikinatawa ni Manong. Masama ang tinging ipinukol ni Yross dito. "Sasakay ka ba o hindi? Nagmamadali ako!" Sita ni Yross kay Florecita. "Heto na nga, oh! Wait lang," tumingin siya kay Manong. "Bye Manong! Salamat po." Nakangiting kinawayan ni Florecita si Manong saka sumakay na sa sasakyan ni Yross sa may front seat. Nasa biyahe na sila, nagtataka si Florecita ang tahimik ng lalaking nagngangalang Yross. Kaya nag presenta siyang magsalita. "Ako nga pala si Florecita." Nakangiti niyang pakilala. "I don't ask your name so keep quite. " Supladong sagot ni Yross sa kanya. Aba naman! Pinapakulo nito ang dugo niya. Ang bait niya na nga rito tapos ito pa ang nagsusuplado. "Alam mo ang suplado mo, hindi bagay saiyo!" bulong niya na lang sa sarili. "May sinasabi ka ba?" Kunot-noong tanong nito. "Ah, sabi ko lang ka ano-ano mo si Manong na mabait. " "Kapatid siya sa isa sa katiwala namin sa mansyon," naiiritang sagot ni Yross sa babae. Ang daldal ng babaeng 'to! Di niya ba na sense na ayaw niya itong kausap? "Ay ganun ba, ang bait niya ano?" Hindi niya ito sinagot, nanatili lang siyang tahimik hanggang sa nanahimik na rin ito. Napansin ni Florecita ang malaking nakapaskil na sign post sa dinaanan nila at may nakalagay na Hacienda San Sebastian. Tiningnan niya iyong address at meron ngang nakalagay doon. Natuwa siya at malapit na nga siya. Buti naman at ihahatid talaga siya nito kung saan iyong address na papatunguhan niya. Samantalang si Yross naman naiirita pa rin sa estrangherang babae kung makatitig sa kanya ay wagas. "Alam ko pogi ako h'wag kang maglaway." Saad niya kay Florecita. Napasinghap ito sa sinabi niya. "Ako? Nakatitig sa'yo? Hindi, ah! At saka bakit naman ako maglalaway? Hindi ka naman pagkain. Sos, ang yabang! Pogi raw," inis na saad ni Florecita rito, gusto na niya itong batukan dahil ang yabang. "Don't worry malapit na tayo sa mansyon namin." Pagmamalaki niya kay Yross. "Mansyon ninyo?" Napaismid si Yross rito. "Oo, ano'ng akala mo sa akin poor? Hindi lang ako nagpasundo kasi hindi naman ako spoiled brat katulad mo." Muntik nang matawa si Yross sa pinagsasabi ni Florecita. May sayad yata ang babaeng ito sa isip-isip niya. Nang makarating na sila sa mansyon kaagad na niyang inihinto ang sasakyan sa tapat ng entrance. Namangha namang nakatingin si Florecita sabay tingin sa address. "Ito na nga iyon! Naku salamat. Nandito na ako sa mansyon ko." Pagmamalaki ni Florecita, napaka-yabang kasi ni Yross kaya naiinis siya. Nagkunwari siyang pagmamay-ari niya ang Mansyon. Sabay pa silang lumabas sa sasakyan. "Oh, ano pang hinihintay mo? Umalis ka na. Salamat sa paghatid mo sa akin ha. " Ngingiti-ngiti pang sabi ni Florecita kay Yross. Bigla namang ngumisi si Yross nang nakakaloko. "Mansyon mo?" Paninigurado nitong tanong sa kanya na may halong pang-uuyam ang tono ng pananalita. "Oo, may problema ba?" Inirapan niya si Yross. Mayamaya ay may lumabas na katulong, tila isang mayordoma yata sa Mansyon pero parang pamilyar ang mukha. Napaisip siya nang matitigan ang may edad na babae. "Sir Yross, welcome home, hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka na." Salubong nito kay Yross, natigilan siya. "Paki-sabi na lang kay Manong Tope na kunin ang mga luggage ko sa kotse, Manang Tess." Utos ni Yross dito. "Ay, sige po." Samantalang napatulala naman siya, nilingon siya ni Yross saka ngumisi ito sa kanya. Inilapit nito ang bibig sa tainga niya sabay sabing, "Mansyon mo pala huh!" Halos hilingin na niya na sana bumuka ang lupa at lamunin siya dahil sa sobrang hiya. Nakangising pumasok sa loob ng Mansyon si Yross habang siya naman ay pinamulahan ng mukha. Napansin siya ni Manang Tess. "Florecita, ikaw ba iyan?" Hindi makapaniwalang saad nito, bakas sa boses ang kasiyahan. "Buti naman isinabay ka ni Sir Yross" Tumango siya rito. "Naku, ang laki mo ng bata ka, halika sa loob at doon tayo mag-usap." Sabi nito sa kanya saka iginiya na siyapapasok sa Mansyon. Para namang nakakahiyang umapak sa marmol na sahig ng Mansyon, pakiramdam niya ay madudumihan ito sa suot niyang mumurahing sapatos. "Tope, dumating na si Sir Yross dalhin mo raw sa taas ang mga luggages niya na nasa kotse." Sabi ni Manang Tess sa may edad na lalaking nakasalubong nila sa loob ng Mansyon. Nagmamadali itong nagtungo sa kotse ni Yross. Nanlumo siya dahil hindi niya akalain na dito sa Mansyon na ito nakatira si Yross. Ang mayabang at antipatikong lalaki! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD