Sa kusina siya dinala ni Manang Tess at namangha siya sa lawak ng kusina at ang ganda pa, parang isang buong bahay na rin.
"Ano ba'ng nangyari bakit nagkasabay kayo ni Sir Yross? Saka mukhang bad trip ito kanina." Tanong ni Manang Tess sa kanya, tiyahin niya ito pero sanay siyang tawagin itong Manang Tess kahit noon pa kapag dinadalaw siya nito.
Nahihiyang ikinuwento niya ang nangyari. Pagkatapos niyang mag-kuwento ay tawa nang tawa si Tiyang.
"Naku batang ka!" tumatawa nitong usal.
"Hindi ko naman po kasi akalain na apo pala siya ng nagmamay-ari rito sa mansyon pati sa hacienda," nahihiya niyang sabi.
"May pagka-suplado si Sir Yross pero mabait naman 'yon. Ikaw naman bakit mo naman kasi sinabi na pagmamay-ari mo ang mansyon."
"Ang yabang niya kasi Tiyang, nakakainis siya." Nakasimangot niyang sabi sa tiyahin.
"Oh, h'wag nang mainis, mamaya makikilala mo si Don Alfonso, siya 'yong magbibigay saiyo ng scholarship kaya magpakabait ka." Excited na sabi nito sa kanya.
"Opo, pero ang apo niya ay nakakainis, hindi ko maipapangakong magpapakabait ako sa lalaking 'yon." Nakasimangot niya pa ring sabi.
"Ano ka ba Florecita, makakasundo mo rin si Sir Yross. Sadyang suplado lang talaga siya pero mabait naman siya sa amin." Paliwanag nito sa akin. Napaismid ako sa sinabi nito. Mukhang malabong mangyari na magkasundo sila ng mayabang na lalaking iyon.
"Ewan ko Tiyang basta h'wag na h'wag niya lang sagarin ang pasensya ko kundi makakatikim siya sa akin." Naiinis kong sabi. Napa-buntonghininga naman si Manang Tess.
"Huwag mo nang isipin si Sir Yross, ang isipin mo na lang makakapag-College ka na ulit." Masayang sabi ng tiyahin niya.
Pati siya ay nagtatalon din sa tuwa. Buti na lang kaagad siyang tinawagan nito na nag e-sponsor ng scholarship ang amo nito at ini-refer siya ng tiyahin.
"Oh, ano tulungan mo muna ako rito sa kusina para maghanda nang hapunan mamaya." Sabi ng Tiya niya, saka may inilabas na kung anong mga lulutuin sa refrigerator.
"Sige po, ano po bang gagawin ko?" Nakangiting tanong niya. Eexcited siyang kumilos sa loob ng kusina, sino ba ang hindi eh ang ganda ng kusinang 'to.
"Maghiwa ka na lang ng mga gulay, bawang at sibuyas. Teka lang, ilalabas ko ang mga gulay." Sabi nito at muling binuksan ang Ref.
"Nasaan po ang mga ibang kasamahan ninyo?" wala sa loob na tanong niya sa tiyahin.
"Nagbakasyon ang ibang mga katulong kaya iilan lang ang makakasalamuha mo mamaya." Sagot nito sa kanya, napatango siya.
Kinagabihan pinatawag siya ni Don Alfonso sa study room nito, kakausapin daw siya. Kumatok muna siya bago pumasok.
"Tuloy ka hija, " nakangiti nitong sabi nang buksan niya ang pinto. Tingin niya ay nasa 70's na siguro si Don alfonso.
"Good evening po," nakangiti niyang bati sa matanda.
"Maupo ka."
Naiilang siyang umupo sa upuang kaharap nito.
"Ano ba ang kurso mo dati hija?" tanong nito sa kanya.
"Nursing po, Sir. " Magalang na sagot niya.
"Huwag muna akong tawaging Sir, lolo na lang." Nakangiti nitong sabi sa kanya.
"Naku! Hindi po p'wede. Nakakahiya po. " Maagap na tanggi niya rito. Tumawa ang Don sa naging reaksyon niya.
"Huwag ka nang mahiya, ako naman ang sponsor mo sa scholarship kaya lolo na lang ang itawag mo sa akin. Para na rin kitang apo." Nakangiti nitong sabi sa kanya. Napaawang ang bibig niya dahil sa informalities na pinapakita nito sa kanya ngayon.
"Maraming salamat po talaga. Huwag po kayong mag-alala magtatrabaho po ako rito, pagbubutihin ko po." Sabi ko rito sa masiglang boses. Muli itong tumawa.
"Naku batang 'to hindi mo kailangan magtrabaho, mag-focus ka sa pag-aaral mo."
"Naku, Sir hindi po p'wede hayaan niyo na po akong magtrabaho rito ayaw ko po maging pabigat, at saka sanay akong magtrabaho sa bukid namin dati."
Muling napatawa ang Don. Natutuwa siya sa dalagang kaharap niya ngayon dahil masyado itong masigla at na aalala niya ang nag-iisa niyang anak na babae.
"Sige papayagan kita pero sa isang kondisyon, huwag mong papagurin ang sarili mo at feel at home ka lang dito sa mansyon, hindi ka isang katulong dito okay? And one more thing, call me lolo. "
"Yes Sir- I mean lolo," nahihiya niyang sabi rito, napakamot pa siya sa batok.
Tumayo ito sa kinauupuan kaya tumayo na rin siya. May hawak na tungkod ang Don, nais niyang alalayan ito pero nagdalawang isip siya.
"Halika sasamahan kita sa silid mo. "
Tumango siya at tahimik na sumunod dito, nagtaka pa siya dahil hindi sila patungo sa maids room. Paakyat sila sa itaas.
"Ito ang silid mo hija." Sabi nito nang makarating sila sa itaas at huminto sa tapat ng isang silid. Ipinagbukas pa siya nito ng pinto. Namangha siya sa ganda at lawak ng silid. May sariling closet at banyo pa ito. Maganda ang disenyo sa loob. Pinaghalong creme white ang kulay ng silid. Saka carpeted pa ang sahig.
"Lolo, parang sobra naman po yata ito, okay lang po ako doon sa maids quarter. " Naiilang niyang sabi kay Don Alfonso.
"No, hindi ka nga katulong dito, consider yourself as a guest. Sponsor mo ako sa scholarship mo. All I want is your higher grades, at makapagtapos ka with flying colors. Sabi ni Manang Tess lagi ka raw top 1." Namamangha nitong sabi sa kanya. Pinamulahan siya ng mukha dahil bigla siyang nahiya.
"Hindi naman po. Pero pagsisikapan ko po lolo para sa inyo, " nakangiti niyang sagot sa Don. Natuwa naman sa kanya ang Don.
"Sige na magpahinga ka na." Sabi nito saka ginulo ang buhok niya. Iniwan na rin siya nito kaya malaya niyang iginala ang mga mata sa loob ng silid.
"Grabe, ang ganda ng kuwarto!" tuwang-tuwa siyang humiga sa kama, mas lalo siyang natuwa dahil sa malambot na matres.
"Ang lambot ng kama, panaginip na ba ito? Naku Florecita, kailangan pagbutihin mo ang pag-aaral." Nakangiting sabi niya sa sarili.
Matagal siyang nakahiga sa kama saka nagpagulong-gulong pa. Ni nanamnam niya nag lambot ng higaan.
"Florecita..."
Napabangon siya nang marinig ang boses ng tiyahin niya, nakapasok na ito sa silid at dala ang malaking backpack niya. Nakangiti nitong inilapag ang backpack sa carpeted floor.
"Iniakyat ko na ang mga gamit mo para hindi ka na mahirapan pang bumaba mamaya. Tulungan na kitang mag-ayos."
"Naku, h'wag na po Tiyang. Ako na ang mag-aayos sa mga gamit ko, masyado na talagang nakakahiya. Lalo na kay Don Alfonso, ang bait niya." Nahihiya niyang awat sa tiyahin nang akmang ilalabas ang mga gamit niya sa bag.
"Nakuha mo ang puso ng Don hija, basta magpakabait ka lang at pagbutihin mo ang pag-aaral mo." Sabi nito sa kanya. Nakangiti siyang tumayo.
"Oh, maiwan na kita, komportable ka ba sa silid na ito?" tanong pa ng tiyahin niya, natawa siya rito.
"Diyos ko naman Tiyang! Hindi pa ba ako magiging komportable sa silid na ito? Kita mo nga oh ang lambot ng kama," patalon siyang naupo sa kama, "At saka ang lawak ng silid, may closet at sariling banyo."
"Oh siya nga, mag-ayos ka muna at mamaya tatawagin kita para sa hapunan. Medyo late na nga ang hapunan ngayon."
"Tulungan ko na po kayo sa kusina, mamaya na ako mag-aayos." Presenta niya rito.
"Naku h'wag na, alam kong pagod ka sa biyahe mo kanina." Tanggi nito sa kanya.
"Hindi po ako pagod, alam mo namang malakas 'tong pamangkin mo. Hali ka na." Hinila na niya palabas ng silid ang tiyahin, napapailing at natatawa na lang ito sa kanya.
Nasa dining area na sila at inilalagay ang mga pagkain sa mesa. Tumulong na rin sa pag-aayos si Florecita at pagsi-serve ng pagkain. Naayos na nilang lahat nang bumaba na sina Don Alfonso at Yross. Hindi na kaagad maipinta ang mukha ni Yross nang makita si Florecita.
"Florecita."
Paalis na sana si Florecita pabalik sa kusina ng tawagin siya si Don Alfonso.
"Bakit po?" Napahinto siya at nilingon ang Don na kauupo lang sa upuan, naka-puwesto ito sa dulo ng mesa, katabi nito sa kanan ay si Yross.
"Sumabay ka na sa aming mag-dinner, halika umupo ka na rito sa kaliwang upuan katabi ko."
Napangiwi siya sa tinuran ng Don. Napakamot siya sa batok at nagdalawang-isip. Magsasalita na sana siya para tumanggi nang sikuhin siya ng tiyahin niya. Nakalimutan niyang katabi niya pala ito.
"Sige na, umupo ka na," mahinang bulong nito sa kanya, pinandidilatan pa siya ng mga mata na para bang sinasabi nito na huwag kong suwayin ang Don.
Napilitan siyang umupo sa kaliwang upuan, kaharap ang mayabang na si Yross, nakayuko lang ito habang panay ang subo ng pagkain.
"Simula ngayon hija, plagi ka ng sumabay sa aming kumain at iyan na ang upuan mo." Natutuwang sabi ng Don sa kanya. Naiilang siyang ngumiti rito. Napatingin siya sa tiyahin, tinanguan lang siya nito saka iniwan na.
"Bakit kailangan pa siyang sumabay sa ating kumain, Lolo? Nakakawalang gana." Narinig niyang turan ni Yross, nagpanting ang tainga niya sa sinabi nito. Pero nahiya siyang sagutin ito dahil kay Don Alfonso.
"Yross, guest natin si Florecita kaya natural lang na kasabay siya natin. "
Pagtatanggol ng Don sa kanya. Nakakatakot ang tingin na ipinukol ni Yross sa kanya, matamis siyang ngumiti rito para asarin ito.
***