Florecita POV Hindi ko alam kung magpupuyos ba ako sa galit o kikiligin dahil sa pinag-gagawa ni Yross! Alam kong sinadya nitong mag-proposed sa harapan ni Lolo dahil alam nitong hindi ako makatanggi. Hindi ko alam kong anong klaseng laro ang pina-plano nito. Pati ako ay nalilito na rin. "Okay ka lang ba hija?" Untag sa akin ni Don Alfonso, after ng dinner ay sinamahan ko ito sa loob ng silid nito dala ang isang pitsel na tubig at baso. "Okay lang po ako Lolo." Tipid kong sagot saka inilapag na ang mga dala ko sa side table nito. Napansin ko ang mga picture frame na nakalagay sa maliit na shelves. Lumapit ako at tiningnan ito. May isang picture frame na si Don Alfonso lang at ang asawa nito. Sa isang frame naman ay isang babae at lalaki. "Iyan ang daddy ni Yross." Sabi ni Don Alfons